Si Michelle ay matagal ng may gusto sa kan'yang childhood friend na si Khyron. Gagawin niya ang lahat kahit na makasakit ng ibang tao mapunta lang sa kaniya ito. Labis siyang nasaktan nang malaman niyang ang lalaking pinapangarap niya ay nagkaroon na ng nobya at hindi siya ito. Umalis siya ng bansa upang buoin ang sarili. Sa kan'yang pagbabalik ay inanunsyo niya sa dati niyang mga kaibigan na ikakasal na siya at ito rin ang araw na nagtapat ng pag-ibig ang taong nanakit sa kan'ya dati, si Khyron. how long would she love the person who hurt her? Until he ends her heartaches?
Prologue
Uminom ako ng alak mula sa isang bote na aking hawak. Kasalukuyan kaming nasa bar para sa aming college reunion. I looked at the entrance hoping na darating siya. I'm hoping, not expecting. Kung hindi ko siya ipinagtabuyan dati , eh 'di sana kasama ko siya ngayon. Muli kong inisang lagok ang natitirang alak sa bote. Marahil ay hindi na siya darating kasi ayaw niya akong makita. Sino nga ba ang gugustuhin pang makita ang taong dumurog at sumira sayo? No one.
"Dude! Easy! Hindi ka mauubusan ng alak," nakangising saad ni Jerald na ikinatawa ng ibang ka-batch mate namin. Hindi ko sila pinansin at nagmasid sa paligid.
May lumapit sa aking babae at ipinadaan ang pula niyang kuko sa aking pisngi. "I'm free tonight. You can sleep with me," she said seductively na kinahiyaw ng aking mga kasama. Bitch. I used my hand to spank her finger at my face.
"I don't do sex with bitch," I insulted while glaring at her. My friends, especially Renz booed at her while the other remains quite. The woman embarrassingly walk away while stamping her feet. Tumayo ako at umalis not minding them calling my name and asking where would I go. Tinahak ko ang daan papuntang comfort room nang may mabangga akong babae na kalalabas lang ng female comfort room. Her purse fell to the ground, yumuko siya at pinulot 'to. Nabato ako sa aking kinatatayuan, sa amoy pa lang alam ko siya ang nasa harapan ko. I shook my head, hindi lang siya ang may gano'ng klase ng perfume. I ignored her at aalis na sana nang tumayo siya. Nabato ako sa aking kinatatayuan na para bang nakadikit ang aking mga paa sa sahig. So, she came and she's standing in front of me...again. My world stop and fireworks explodes above us. Nagwala ang aking puso na para bang gusto nitong lumabas mula sa aking dibdib.
"I'm sorry." Her voice is so sweet. Ikinuyom ko ang aking kamao para pigilan ko ang aking sarili na yakapin siya. I miss her so bad.
Natigilan siya at nagmamadaling umalis. "Excuse me." Hinawakan ko ang kan'yang braso upang pigilan siya.
"W-what!" she stammered and raised her eyebrow.
"Please, don't leave me again," I whisper in air. I know I'm such a jerk, pagkatapos ko siyang ipagtabuyan dati, saktan at durugin tapos ngayon nakikiusap ako na manatili siya. Isa 'tong malaking kalokohan. I squeezed her arms that makes her to take it from me.
"Kung wala kang sasabihin aalis na ako!," galit na sigaw niya. Iniwan niya akong nakatulala. Napangiti ako dahil kahit na galit siyang sumigaw kanina ay para pa rin itong musika sa aking tainga. After I used the toilet I go back to my batch mate's table. Ang balak ko kaninang iwan sila para mapag-isa ay binura ko sa aking isipan. Ito na ang aking pagkakataon para angkinin siya, palalagpasin ko pa ba? I saw her kissing Heart's cheeks, her bestfriend. Tumuloy ako sa table nila at umupo kung saan ako kanina nakapuwesto. Pinagmasdan ko lang siya sa bawat galaw niya. Namilog ang kan'yang mata at napatakip ng kamay sa bibig nang makita niya ang anim na buwan nang tiyan ni Ryzel at sumulyap sa akin.
"OMO! Your pregnant!" hindi niya makapaniwalang usal. Napatawa si Ryzel sa kan'yang reaksiyon. Napakunot ang aking noo, it seems like their close. As far as I remembered they had fight before she leave the Philippines.
"Ikaw, kailan ka mag-aasawa?" tanong ni Heart sa kan'ya. Napaayos ako ng upo. She smiled widely that makes my heart beats so fast. She raised her hands showing the engagement ring in her finger. Pakiramdam ko ay sinaksak ng ilang milyong beses ang aking puso, ikakasal na siya at hindi sa'kin. Iniwas ko ang aking mata nang tumingin siya sa akin, ayokong makita niya na nasasaktan ako.
"I'm getting married!" she announced happily. Umirit ang mga kababihan at binati siya.
"Cheers! Para kay Michelle!" Itinaas namin ang aming bote ng alak sa pangunguna ni Jerald. Pakiramdam ko ay natuyo ang aking lalamunan kaya nakalahating bote ako ng alak. I'm expecting this. Pero kahit na, ang sakit pa rin. Parang pinipiga ang aking puso sa sobrang sakit. I stared at her, mas lalong nag-mature ang kan'yang mukha, ang pulang lipstick at eyeliner na bumagay sa mataray niyang ekspresiyon. She doesn't like to wear a revealing clothes but now I'm not sure. She's wearing a backless blue dress that made every man to looked at her and I hate it. Nagtagpo ang aming mga mata at nagkatitigan. Malalim ko siyang tiningnan, sa huli ay siya rin ang umiwas. I saw a man whispered at her that cause her feel being uncomfortable. I tightly closed my fist and stood up. Lumapit ako sa lalaki. I grabbed his colar and punched him so hard in his face. Hindi pa ako nakontento at pinaulanan ko pa ito ng suntok na kan'yang ikinatumba. Pumaibabaw ako at patuloy siyang sinuntok. Inawat ako ng aking mga kaibigan ngunit hindi ako nagpatinag. How dare you to disrespect my woman!
"STOP!" tumigil sa ere ang aking kamao nang marinig ko siyang sumigaw. Tumayo ako at kinaladkad siya palabas nang bar. Narinig kong tinawag kami ng aming kaibigan ngunit hindi ko sila pinansin.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas niyang sigaw. Nang makarating kami sa parking lot binuksan ko ang pintuan ng aking kotse.
"Get inside," maawtoridad kong utos sa kaniya. Alam kong magmamatigas siya kaya binuhat ko siya na parang sako at ipinasok sa kotse.
"Put your seatbelt," saad ko sa kaniya sa mas mahinahong boses habang binubuhay ang makina ng kotse. I sighed so as not to lose my patience when she just crossed her arms and looked straight in front. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan na kan'yang kinasigaw. Nakita kong nagsuot siya ng seatbelt at minura ako.
"DAMN YOU! DAMN YOU! STOP THE CAR!" paulit-ulit niyang mura habang mahigpit na nakahawak sa strap ng seatbelt. Sa bilis kong magpatakbo ay inabot lang kami ng sampung minuto. I stepped on the brake when we are in front of her house already. Natigilan ako nang makita kong may luhang pumatak sa kan'yang pisngi. Pupunasan ko na sana ito nang bigla siyang sumigaw na nagpatigil sa akin.
"I HATE YOU!" Binuksan niya ang pinto ng kotse at buong puwersa na sinara. Napahampas ako sa manibela ng aking sasakyan nang paulit-ulit. I made her cry again.
Other books by Merlytin
More