Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
His Second Lover

His Second Lover

_roseandtulips31_

5.0
Comment(s)
51
View
25
Chapters

Caroline Faith Quililan ang babaeng nagkagusto sa kanyang childhood best friend na si Tristan James de la Paz subalit nabigo siya rito. Hindi niya inaasahan na mayroon pala siyang kamukha nang makilala si Leander King Rojero at nailahad sa kanya tungkol sa nobya nitong namatay sa isang aìrplane crush. Malaya dahil nalalayo siya sa best friend niya na matagal na siyang may feelings dito subalit kumplikado pa rin at walang kasiguraduhan kasama si Sir Leander sa isang bubong kahit naging mabuti ito sa kanya. Makakalimutan niya kaya ni Caroline si Tristan o matutunan niya ring mahalin ang kanyang pinakamabait na boss na walang ginawa kundi pahalagahan siya at protektahan? Magiging masaya na ba siya o mabibigo pa rin hanggang dulo?

Chapter 1 Kabanata 1

Caroline Faith's POV

Kasalukuyan na akong naglalakad papunta ng aming bahay galing trabaho. Thirty meters lamang ang layo nito mula sa may kalsada hanggang sa bahay. Mga ilang sandali pa ay may narinig akong isang pamilyar na boses. Kilala ko na kung sino tumatawag sa nickname sa akin at wala ng iba kundi ang bestfriend kong si Tristan James de la Paz. Apat na taon ang tanda niya sa akin at para ko na nga siyang kuya pero naiilang akong tawagin siyang ganoon lalo na crush ko siya. Oo gusto ko siya simula noong high school pa lang kami, natutuwa kasi ako sa kanya.

"Uy kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon?" nakasimangot na tanong nito pero napangiti naman lang nang palihim.

"Alam ko naman na ikaw 'yan. Bakit pa ako lilingon?" nagmamaang-maangan kong tugon.

Ayaw ko lang kasi siyang titigan para akong natutunaw. Napailing-iling na lang ako para makaiwas na ng tingin.

"Suplada ka na pala ngayon, tzk!" reklamo niya.

"Hindi naman sa ganoon noh. Alam ko namang ikaw 'yon kaya di na kailangan lumingon pa." muli kong paliwanag sa kanya.

"Suplada ka na nga talaga. Ayaw nang mamansin kahit sa bestfriend niya." nagtatampong saad muli nito kaya lumapit ako at napakapit sa kanyang braso.

"Sorry na oh. Hindi ko sinasadya. Happy?" nginitian ko siya.

"Bakit parang naiinis ka pa ata eh!" pagmamaktol niya at di magawang maniwala sa akin

"Hindi nga eh kaya nagso-sorry na oh." paglalambing ko pa kasabay ng pagmamakaawa.

"Sige na nga." ngumiti siya at mas lalo pa niya pinakapit ang mga kamay ko sa kanyang braso para lang tuloy kami mag-jowa. "Kung hindi lang kita bestfriend, nako." kasabay naman ng pagpisil sa aking kaliwang pisngi na dahilan upang napadaing naman sa sakit.

"Aray ko naman! Grabe ka makahila sa face ko." reklamo ko at binitiwan niya na rin. Ako naman humawak sa aking pisngi na kaninang hinawakan niya. Napansin ko na parang namamaga. Hinampas ko na siya sa braso at iniwan siyang mag-isa.

"Teka lang uy. Sorry hindi na mauulit. Sarap lang kasi pisilin ang pisngi mo ang tambok kasi." nakangisi paring saad at sinimangutan ko siya saka tinalikuran.

Hinabol naman niya ako at siya naman umagkla sa aking braso.

"Sorry na cef, hindi na mauulit." tinaas niya ang kanang braso bilang tanda na hindi na uulit pa.

"Ok na." sagot ko habang iniirapan siya.

Hinatid niya muna ako sa amin kaya dinaanan lang muna namin ang kanilang bahay. Nakaramdam tuloy ako ng kilig sa loob-looban ko.

Nang makarating na kami, hinayaan at hinintay na muna niya ako makapasok sa loob bago napagdesisyon na umalis. Napangiti naman ako habang papasok sa loob ng bahay namin nang bigla na lang ako salubungin ng mga aking kapatid. Alam kong aasarin lang naman nila ako.

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng mga ganitong kapatid? Kainis!

"Lola tignan mo si ate kasing pula na ng kamatis oh. Hinatid lang ni Kuya Tristan kinilig na." pang-iinis sa akin ni Cipher at agad kong pinatahimik siya baka pa kasi marinig ni Tristan pati ng kapitbahay.

"Oo nga ayiee!" dinagdagan pa ni Candy.

"Magsitigil nga kayo dyan. Impossible 'yang mga naisip niyo saka magkaibigan lang kami, ok?" tinititigan ko na sila ng seryoso hudyat na ititigil na sila sa pagbibiro.

Napakamot na lang ng ulo si Cipher habang nanahimik naman si Candy.

Totoo talaga na kaibigan ko lang siya at parang isang kapatid na babae lang turing sa akin ni Tristan. Wala na hihigit pa roon pero masasabi kong may romantic feelings talaga ako para sa kanya. Hindi ko lang pinapahalata dahil ayaw kong masira at mawala ang friendship namin dahil lamang sa aking nararamdaman. Hindi ko isasakripsyo ang aking feelings sa pagkakaibigan namin na matagal na nabuo. Ayos lang sa akin na ganito lang, na nakikita ko siyang masaya at magkasama kaming nagkakatuwaan minsan.

Sa kabila ng pag-iisip hindi ko namalayan nakapasok na pala ako ng aking kwarto. Ni-lock ko muna ang pinto, nilapag ang bag sa table at dumukot ng damit pambahay sa aparador at nagbihis. Pagkatapos lumabas na rin ako at nadatnan kong inihanda ni lola ang meryenda para sa akin at agad akong nagpasalamat.

KINAUMAGAHAN.

"Good morning everyone." masayang bati sa mga ka-workmates ko.

"Good morning, too. Mukhang maganda ang araw natin ah. Anong meron?" bungad na tanong ni Joanne sa akin kaya napalingon naman ako sa gawi niya.

"Wala naman. Basta maganda ang araw ko lang ngayon." nakangiti lang habang sinasambit 'yon.

"Hindi eh parang mayroong naganap na kakaiba. Tell me. Teka....." napahinto siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Tungkol ba 'yan sa bestfriend mo? Nanligaw na ba siya sayo?"

Napangiwi na lang ako sa mga tanong niya at sinimulan ko na rin ang trabaho.

"Ano?"

"Hindi siya nanligaw, ok. Napaka-impossible naman ata 'yon noh! Hindi ako yung tipo ng babae para magustuhan. Ayaw niya sa mga clumsy, innocent at childish na tulad ko." biglang nawala ng unti-unti ang mga ngiti sa labi nang sabihin ko 'yon.

Sinabi ko lang kung ano ayaw niya sa isang babae at masasabi kong hanggang bestfriend lang kami.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Pero malay mo ngayon magustuhan ka na niya." muling sambit ni Joanne kaya ako ay napatitig sa kanya.

"Impossible 'yon, ok. Mabuti pa magtrabaho ka na at mapagalitan pa tayo ni Sir Marlo." sabi ko na lang sa kanya kaya tumigil na rin siya at sinimulan na ring gawin ang trabaho.

Actually, siya naman talaga ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Kahapon lang kami nagkita ulit dahil sa sobrang busy namin sa trabaho kaya sa facebook na lang kami nag-uusap madalas.

Pagkababa ko pa lang ng jeep agad kong ginala ang aking mga mata baka sakali muli kaming magkasabay maglakad patungong bahay. Naglalakad na ng limang minuto pero walang tumatawag sa pangalan ko. Napabuntong-hininga na lamang habang patuloy na tinatahak ang aming bahay.

Pagkarating na pagkarating ko pa lang, dumiretso na kaagad ako sa kwarto. Ayaw ko na munang makipag-usap sa aking mga kapatid at siguradong iinisin nanaman ako ng mga 'yon. Muli nanaman akong huminga ng malalim na tila dahil sa lumilipad ko isip.

Sa pagiging abala ko sa computer games hindi ko na ring namalayan na magagabi na pala at nakaramdam na rin ako ng gutom. Sumabay na rin ako sa kanila pero kaagad bumalik sa kwarto. Napansin kong umilaw ang cellphone ko at baka may nagtext.

Laking tuwa ko na lang na siya yung nagmessage. Muli nanamang tumatalon-talon ang puso ko sa sobrang saya. Mabilis ko siyang nireplayan hanggang sa marami nanaman kaming napag-usapan kaya late na rin ako nakatulog sa gabi.

"Uy ano ngingiti-ngiti mo diyan ah?" tanong sa akin ni Joanne pero hindi ko lang pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa.

"Hay nako, iba talaga kapag in-love." pagpaparinig nito sa akin pero hindi na ako umimik pa.

Pagkatapos ng office hours, napagdesisyon ko na rin umuwi baka sakaling magkita ulit kami ni Tristan, nami-missed ko na kasi siya sobra.

Tinamaan na talaga ako sa bestfriend ko.

Nakauwi na rin ako ng bahay at tinulungan ko naman si lola magluto at maghanda ng dinner. Naiinip ako kasi walang magawa sa kwarto. Nakakasawa na rin maglaro ng computer games at mag-internet.

"Matanong lang kita apo, mayroon ka bang gusto kay Tristan ah?" nagulat ako sa tanong ni Lola dahilan na napatigil sa paghihiwa ng sibuyas at bawang. Nilingon ko siya saka tumango.

"Pero hindi naman ako yung gusto niya eh. Bestfriend lang talaga ang turing niya sa akin lola."

Medyo nalungkot siya nang sabihin ko 'yon.

"Bakit hindi mo na lang siya kausapin at aminin na lang sa kanya ang feelings mo malay mo naman gusto ka rin niyon, nahihiya rin umamin." dagdag pa niya.

"Hinding-hindi ko po 'yan gagawin lola. Ayaw kong ako yung gagawa ng first move. No way. Babae pa rin ako at ayaw kong tumulad sa iba diyan kahit gusto ko na talaga si Tristan." nakangusong tugon ko saka pinapagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos ng gabihan, tumungo na ako sa kwarto para makapagpahinga na rin para bukas. Humiga ako nang maayos sa kama at humarap sa kisame ng bahay. Sinubukang mag-isip ulit nang kung ano hanggang sa napadako ang aking mata sa cellphone.

Binuksan at tinignan ko kung nagtext siya subalit nabigo ako. Wala siyang message sa akin. Sinubukan ko na rin magbukas ng facebook baka doon siya mag-chat at wala siyang load pang-text.

Pagkabukas ko rin ng fb wala siyang message kaya napabuntong-hininga nanaman ako at di maiwasan makaramdam ng lungkot. Hinintay ko pa rin ang text o chat niya sa akin baka may ginagawa lang o kumakain ng dinner. Lumipas na ng isang oras wala pa rin. Nakaramdam na ako ng antok kaya nagawa ko na lang na ipikit ang aking mga mata.

"Teka bakit parang pang-Biyernes santo 'yang itsura mo? Nakaraang araw lang abot tainga ang ngiti tapos ngayon susko hindi maipinta ang mukha. Ano ba kasing nangyari ahhh?" sunud-sunod at di mapakaling tanong ni Joanne.

"Hindi kasi siya nagtext o nagchat man lang sa akin kagabi." nagmamaktol kong tugon nang nakangiwi.

"Wow, Carol! Akala mo ikaw na ang jowa kung makatampo ka diyan. " nainis ako sa sinambit niya kaya sinimangutan ko siya.

Pinamumukha talaga na kaibigan lang ako ni Tristan at kailanman hindi magiging girlfriend niya. Napakasakit lang.

"Sorry na. Ikaw naman kasi umaasa sa wala. Pilit kang nag-aassume na magustushan ka ng bestfriend mo at maging kayo. If I were you, you needed to stop now kasi masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo pa 'yan. Buong akala ko nga magkakatuluyan na kayong dalawa pero base kasi sa kwento mo, mukhang malabo na nga." napatitig ako kay Joanne sa kanyang huling sinabi.

Titigil na ba ako? Pero hindi ko kaya. Mahal ko na si bestfriend.

"Mahal ko na siya...."

Iyon lang ang tanging nasambit ko pagkatapos.

Lumipas ang isang buwan na hindi pagte-text o chat sa akin ni Tristan. Doon ko na lang napagtanto sa sarili na itigil na aking kahibangan sa kanya. Na-realized ko rin kasi ang sinabi sa akin ni Joanne nakaraan at 'yong paulit-ulit niya akong pinaalalahanan. Sa una naiinis ako sa kanya dahil akala ko hindi lang niya ako naiintindihan pero napag-isip- isip rin na tama siya. Kaya heto pilit pinatatatag na lang ang loob.

Bigla akong nagising sa tunog ng cellphone. Nakalimutan ko rin kasi i-turn off ang sound nito kagabi dahil sa sobrang antok na. Agad itong kinuha sa mesa katabi ng kama saka binuksan ang phone.

Nanlaki na lang ang aking mga mata. Nawala bigla ang antok nang mabasa ko ang message niya.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book