An introvert Rhexa Alexandria who hated her own birthday had two things in life, yun ay ang makapagtapos at makitang muli ang kanyang ama. She lost her father in the exact day of her birthday. Nawala ito sa gitna ng karagatan. Naniniwala ang iba na patay na ito ngunit hindi ang dalaga. Rhexa studied so hard, para sa kanya tanging pag aaral na lamang ang nakikita nitong daan para matupad ang matagal ng hinihiling. In her mind once she graduated and become successful, she will hire someone to look at her father. But what if, meeting her father means breaking her heart and losing someone who become part of her world. What will she choose? Would she gave up that Someone or her King?
Hapon na kay ganda, na kasing ganda ni Kikay Laureta!
Napapangiti ako habang nakatingin sa sariling repleksyon sa aming basag na salamin. Suot ko ang bagong bili ni nanay sa akin na damit.
Bibihira lang ako nitong bilihan kaya sinusulit ko na! Umikot pa ako't pinakatitigan ang sarili.
Isang dyosa! Teka kailangan ko ng husgado. Asan naba ang mahadera kong Ina? Lumabas ako ng aming mumunting palasyo na gawa lamang sa kawayan.
"Nanay, Nanay, Nanay!"
"Nanay"! tawag ko sa mahal kong Ina, pero hindi sya sumasagot panigurado nakikipag chismisan nanaman. Hays! napaka chismosa talaga na ultimo panty na bagong bili kailangan pang ipagmaigi.
Nahanap ko itong nakaupo sa likod ng aming bahay habang nag huhukay.
VALENTINA LAURETAAAA!!
"Ano ba Kikay! agang-aga hiyaw ka ng hiyaw yang bunganga mo dere deretsyo. Hindi kaba nahihiya kung makatawag kang Valentina akala mo ikaw nagluwal sakin-"
"Ano nalang sasabihin ng mga taong makakarinig sayo?" putol kona, sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, ganyan lang naman ang bukambibig nyan.
Pinagmasdan ko itong mag bungkal ng lupa. Katirikan ng araw, sipag na sipag ito sa pagtatanim.
"Nay, chill kalang apaka highblood mo" Ani ko dito sabay abot ng malamig na tubig.
"Panong hindi h-high blood-in sayo" nanglalaking matang sabi nya.
"Ano bang ginawa ko?" painosenteng tanong ko. Pinaawa kopa lalo ang mukha ko at pinahaba ang nguso pero sa luob ko tawang tawa nako alam ko kasing ayaw nyang tinatawag na Valentina samantalang ang palayaw nya Darna, Darna the chismosa.
"Wag kang ngumunguso Kikay mukha kang tanga!"tamo apaka harsh parang hindi Ina.
"E nay, wag mo nga pinapakelaman pag ngunguso ko natural kase yan sa pouty lips, tsaka may itatanong kasi ako kung anong ginagawa ng okra sa ilalim ng unan mo?" sabay hugot ko ng okra sa bulsa ko. "Kaso bat mangitim ngitim na yung kalahating parte? saka nung inamoy ko amoy lubak." Hindi ko mapigilang hindi mapakunot habang naghihintay ng sagot sa nanay kong dinaig pa ata ang nakakita ng multo sa sobrang laki ng mata.
"Nay!" Muling tawag ko dito sabay wasiwas ng aking kamay, ngunit nanatili pa din itong gulat na gulat.
Muli kong pinakatitigan ang okrang hawak ko. Ano bang meron dito? Nakita ko lang naman ito sa ilalim ng unan nya. Ano bang kagulat gulat don?
Ibinalik ko nalamang uli ito sa aking bulsa, dahil baka kailanganin nya pa.
Kinuha ko ang isa pang itak, at inumpisahan na din ang pag bungkal ng lupa.
"Nay, bakit lagi kang nagtatanim? Ano ba yang mga butong tinatamin mo?" Tanong ko dito.
Napapansin ko kasi na kada umaga pag gising nya dito na kaagad ang diretsyo nya. Maghuhukay na ito ng lupa tapos may ilalagay na mga buto, hindi ko naman alam kung anong klaseng buto.
"Buto ito ng sitaw" anito habang naglalagay ng dalawang piraso ng buto daw ng sitaw. Pinagmasdan ko ito sa kanyang ginagawa, pagkatapos lagyan ng buto tatakpan nito ng lupa.
"Bakit ka ba laging nagtatanim, Nay?"
"Para may maulam tayo. Alam moba pag lumaki itong mga ito ay mapapakinabangan natin?" Nakangiti nitong sabi habang dinidiligan ang mga butong tinanim.
"Ang sipag-sipag mo talaga nanay"
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ang ngiting naka kurba sa labi ni nanay.
Iba ang saya sa tuwing nakikita ko syang nakangiti. Para bang nakapagaan ng kanyang paligid.
Mahal na mahal ko si nanay kahit pa sya ang number one na chismosa dito sa brgy namin.
"Oo nga pala mag saing ka ng isang gatang, may ulam ka na din jan." Napakunot ang aking nuo ng mapansing itong nagkukumahog sa pag kilos.
"San punta mo nay?"
"Kila Pedring may labada ako" Natahimik ako ng marinig ang pangalan ng taong kinasusuklaman ko.
Si Mang Pedring ay amo ni nanay. Hindi ko alam kung bakit ayoko kay Mang Pedring. Ayoko nga din sanang pag labahin si nanay sa kanila, kaso wala naman akong magagawa. Yun lang tanging trabaho ni nanay na nagbibigay ng kaunting kaginhawaan sa amin.
Sinundan ko ng tingin si nanay na nagmamadaling umalis. Kulang na lamang ay tumakbo na ito palabas. Hindi ko manlang naalalang ipahusga sa kanya ang suot kong damit hayss.
Iniligpit ko na lamang mga ginamit namin ni nanay pang bungkal. Ibinalik ko ito sa dati nitong lagayan at dumeretsyo sa likod ng bahay upang magpakain ng aking mga anak.
"Mga anak, time to eat na. Come to mama!"tawag ko sa mga kyut na kyut kong mga anak. Pinagmasdan ko silang pantay pantay na naglalakad. Napatawa ako ng makitang Kumi-kendeng kendeng pa ang kanilang mga buntot. Tataray ng mga junakis ko nato kala mo hindi mga sakit sa ulo.
"Hoy kayong apat hintayin nyo yung isang kapatid nyo!" Pangaral ko sa apat na nauna na aba'y pano nakarinig at naka amoy lang ng lafang iniwan na nila si bunso mga gahaman pwe!
"Kruukkk baby come here." tawag ko sa bunso ko kaso balak pa ata magpaligaw huhu. Huminto ba naman sa tapat ng mga pato!? anak ng punyemas na kiti to malandi!
Tinitigan ko yung nauna kong apat na anak na masyado ng busy sa pagtuka mga patay gutom. " Hoy krunkie, meron pa don isang mais sa paa ni Krinkie. Wag na wag kayo nagsasayang ng mais mahirap magbuksil" tawag ko sa pinakapanganay ko. Napatingin naman ako sa medyo nananabang si Krinkie, ang anak kong mauuna pa atang makasalamuha ang alaga ni San pedro.
"Kwak-kwak-kwak"
"Putak"
Muling naagaw ang atensyon ko ng bunso kong nakikipag tukaan na pala.
"Kruuuk, Kinausap kolang yung mga kapatid mo sandali nakikipag landian kana agad?! bata kapa anak dipanga humahaba mga balahibo mo sa katawan gaga ka." Mangiyak-ngiyak na sabi ko dito, sabay pakita ng maliit na balahibo kaso ang gaga balak ata ako tukain at iaamba ang tuka.
" Sige subukan moko tukain gagawin kong pinadapang pato yung bebe mo!"
Syempre joke lang!
"Putak" putek nato palaban.
"Kwak" tawag ko sa kalaguyo ng junakis ko at matalinong pato tinitigan ako " Layuan mo muna si Kruukk kasi bata pa sya pwede bayon? magpadami ka muna ng balahibo sa katawan hani wala kapang mapapatuka sa anak ko kawawa naman sya" pakiusap ko sa pato at matibay isa din bastos tinalikuran ako huhu. Mga kabataan ngayon dina nila iniisip mga magulang nilang nagpapalamon sa kanila.
"Hoy! Rhexa Alexandria hindi kita pinag a-aral para lang makipag usap sa pato!"
Naibato ko ng di sadya ang mga hawak kong mais ng madinig ko ang boses ng mahal kong Ina.
"Ano ba naman yan Nay! bat ka nang gugulat? saka bat ka andito kala koba may labada ka?!" tanong ko dito habang pinupulot ang mga natapon ko. Hays! Pahirapan pa tuloy, ito kasing si nanay bigla bigla nalang sumusulpot kala mo kabute.
"Masyado ka nang magugulatin, bawas-bawasan mo na ang pag kakape."
Pati pag kakape ko nadamay pa.
Pinanuod ko itong umupo sa kawayan naming upuan. Parang pagod na pagod, wala pa naman syang isang oras na nakaka alis.
Inumpisahan nitong kut-kutin ng kanyang daliri ang cellphone nito na di keypad.
Panigurado nag lalaro nanaman 'to ng dugtong-dugtong na bilog.
Tumayo ako at tumabi ng upo dito. Ihinilig ko ang ulo ko sa balikat nito, at tama ako naglalaro nga sya.
Natatawa ako sa tuwing tumatama ang bola sa guhit. Bugnot na bugnot ang nanay ko kada babalik sa unang laro.
Nakailang ulit pa sya ng laro bago ito ihinto. Itinabi nya ang cellphone sa kabilang gilid habang unti-unting humihilig din sakin pabalik.
Napangiti ako ng maramdaman ang kaunting bigat nito sa ulo ko. Madalas kaming ganito. Sa tuwing nakikita ko siyang nakaupo, kahit ano pa ang ginagawa ko ititigil ko lalapitan ko siya at tatabihan.
"Nay! Sana andito nalang si tatay no? Siguro maganda ang buhay natin."
Hindi ko maiwasang hindi mag isip. Na paano kaya kung andito sya? Magiging labandera pa kaya si nanay? Naramdaman ko na lamang na unti-unting inalis ni nanay ang pagkakasandal ng kanyang ulo sa balikat ko, at munting pag pisil nito sa kamay ko. Ngunit hindi ako umalis sa pwesto o lumingon manlang sa gawi nito.
Araw-araw ganito kami, gigising ng umaga. Mag tatanim ng kung anu-anong mga buto.
"Hindi ko din alam anak."
Naramdaman ko na lamang ang mainit na patak ng luha mula sa aking mga mata.
Kahit kailan hindi pako umiyak sa harap ni nanay patungkol kay tatay. Hindi din ako nag tatanong sinasarili ko lang. Pero ngayon, hindi ko mapigilan. Hindi naman siguro masamang isantinig kahit minsan ang mga tumatakbong tanong sa utak ko.
Nasasaktan ako. Para kay nanay! Dahil alam ko, ginagawa nya ang lahat para maitaguyod ako, para mapunan ang puwang na meron sa puso ko. Pero hinahanap ko padin ang taong wala. Pero kasi nangungulila ako, nangungulila ako sa kalinga ng isang Ama.
Chapter 1 One
08/05/2022
Chapter 2 Two
08/05/2022
Chapter 3 Three
08/05/2022
Chapter 4 Four
08/05/2022
Chapter 5 Five
08/05/2022
Chapter 6 Six
08/05/2022
Chapter 7 Seven
08/05/2022
Chapter 8 Eight
08/05/2022
Chapter 9 Nine
08/05/2022
Chapter 10 Ten
08/05/2022
Chapter 11 Eleven
08/05/2022
Chapter 12 Twelve
08/05/2022
Chapter 13 Thirteen
08/05/2022
Chapter 14 Fourteen
08/05/2022
Chapter 15 Fifteenth
12/05/2022
Chapter 16 Sixteen
25/05/2022
Chapter 17 Seventeen
08/06/2022
Chapter 18 Eighteen
11/06/2022
Chapter 19 NINETEEN
09/07/2022
Chapter 20 TWENTIETH
09/07/2022
Chapter 21 TWENTY-ONE
09/07/2022
Chapter 22 TWENTYTWO
04/09/2022
Chapter 23 TWENTY-THREE
04/09/2022
Chapter 24 TWENTY-FOUR
04/09/2022
Chapter 25 TWENTY-FIVE
04/09/2022
Chapter 26 TWENTY SIX
02/10/2022
Chapter 27 TWENTY-SEVEN
02/10/2022
Chapter 28 TWENTY-EIGHT
02/10/2022
Chapter 29 TWENTY-NINE
02/10/2022
Chapter 30 THIRTY
02/10/2022
Chapter 31 THIRTY -ONE
27/10/2022
Chapter 32 THIRTY-TWO
27/10/2022
Chapter 33 THIRTY -THREE
14/11/2022
Chapter 34 THIRTY -FOUR
14/11/2022
Chapter 35 THIRTY -FIVE
14/11/2022
Chapter 36 THIRTY-SIX
24/04/2023
Chapter 37 EPILOGUE
24/04/2023
Chapter 38 SPECIAL CHAPTER
24/04/2023