The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
Love Unbreakable
Comeback Of The Adored Heiress
Reborn And Remade: Pursued By The Billionaire
Bound By Love: Marrying My Disabled Husband
His Unwanted Wife, The World's Coveted Genius
Celestial Queen: Revenge Is Sweet When You're A Zillionaire Heiress
Moonlit Desires: The CEO's Daring Proposal
The Heiress' Revenge: Abandoned No More
This is Book 2, kung hindi mo pa nabasa ang book 1, please go to my profile and read GODS.
Aria's POV
Nandito ako ngayon sa aming balkonahe at nakatanaw lang ako sa lawa. Pitong taon gulang lamang ako pero alam ko na may kakaiba sa akin. Galing ako sa angkan ng mga healer at mamanahin din ang kapangyarihan pag nasa wastong gulang na ako.
Pero, may kakaiba sa akin. Gabi-gabi, tuwing natutulog ako ay lagi kong napapanaginipan na kinakausap ako ng mga Diyos. Nalaman ko dahil sinabi nila, paulit-ulit at gabi-gabi ito magyayari.
Lagi nilang sinasabi na balang araw, ibibigay daw nila yung anak nila sa akin. Hindi ko naman maintindihan masyado ang mga sinabi nila. Ibibigay nila ang anak nila sa akin? Hindi ko kayang mag-alaga ng bata dahil bata lang din ako at tsaka hindi pa ako marunong.
"Aria, sayo ba ang librong ito?" Tanong ng nanay ko sa akin.
Tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko pagmamay-ari ang librong yan na mukhang luma at ayaw naman bumukas. Parang nakadikit lahat ng pahina nito.
"Hindi mabuksan. Itapon ko na to?" Tanong nito sa akin.
Umiling ako. Nasa panaginip ko na bigay ng diyos ang librong yan at hindi ko daw pwedeng itapon. Pero nasubukan ko na rin itapon yan dati dahil pakiramdam ko ay hindi naman totoo yun at tsaka hindi rin nabubuksan kaya walang silbe. Pero nagugulat na lang ako na tuwing umaga ay nasa mesa ko na libro at bumalik.
Naulit yun at hanggang sumuko na ako at pinabayaan ko na lang at inilagay sa mga lagayan ng libro. Wala din naman akong magagawa dahil kahit itapon ko pa ay babalik at babalik ito.
"Aria! Laro tayo!" Tawag sa akin ng kapatid kong si Juno.
Lumapit naman kaagad ako sa nakakatandang kapatid ko na lalaki dahil syempre laro, paborito ko yun.
???