Login to MoboReader
icon 0
icon MAG-TOP UP
rightIcon
icon Kasaysayan ng Pagbasa
rightIcon
icon Mag-log out
rightIcon
icon Kunin ang APP
rightIcon
The Amorous Intruder

The Amorous Intruder

Sofia

5.0
Komento(s)
603
Tingnan
55
Mga Kabanata

Simple lang ang misyon ni Riva sa pagsugod sa bayan ng Rosario – gusto niyang pigilan ang kasal ng paborito niyang pinsang si Ernest sa kasintahan nitong gold digger na si Estrella. Ginamit lang naman ito ng babae para mabayaran ang utang ng Villa del Carmen. Pero sa kalaliman ng gabi ay isang guwapo at matipuno pero lasing na lalaki ang pumasok sa kuwarto niya at tinangka siyang halikan. At tinawag siya nitong Estrella at mahal na mahal daw siya nito. Ang lalaking ito ba ang makakatulong sa kanya para mapigilan ang kasal ng pinsan niya o ito ang lalaking liligalig sa nahihimbing niyang puso?

Chapter 1 TAI: 1

"Apple, please do come. Pigilan mo ang pagpapakasal ni Kuya Ernest sa babaeng 'yon. Pera lang ang habol niya kay Kuya Ernest. You still care for him, right?" pagmamakaawa ni Riva sa ex-girlfriend ng pinsan niya. Nakasakay siya sa kotse papuntang liblib na bayan ng Rosario.

Habang biyahe ay walang tigil siya sa pagtawag sa mga naging girlfriend ni Ernest at mga babaeng interesado dito. Sa kasamaang-palad ay si Apple na ang pinakahuli sa listahan niya. At tinawagan niya ito dahil sa desperasyon. Tinanggihan na kasi siya ng iba at best wishes na lang daw sa Kuya Ernest niya.

Noong isang linggo lang ay nabasa niya ang text message nito. Nagmamakaawa itong balikan ni Ernest kahit daw maging mistress lang ito. Ito na lang ang pag-asa niya.

"Ano naman ang mapapala ko kapag pinigilan ko ang kasal niya?" tanong nito sa kabilang linya.

Bumilang siya ng sampu bago ito sagutin. Gusto niyang maubusan ng pasensiya dito. Gusto niyang isipin na nang-iinis lang ito pero sadyang mahina yata ang pick up nito. Iyon din ang rason kaya inayawan niya ito para sa pinsan niya.

"You can have him back, of course. You are still not over him, right? Chance mo na ito para bumalik siya sa iyo," pangungumbinsi niya dito.

"It's true that I still love Ernest in a way. Pero kapag napigil ko ang kasal nila at bumalik siya sa akin, ako ulit ang aawayin mo. Remember, sabi mo hindi ako bagay sa handsome and respectable cousin mo because I am a dimwit at kasing liit lang ng utak ng ipis ang utak ko. Will you take that back?"

"Okay. I am sorry for calling you a dimwit. Hindi rin kasing laki ng utak ng ipis ang utak mo."

Darn! Kailangan niyang lulunin ang lahat ng sinabi niya noon, even if she really meant those words. Ganito pala ang pakiramdam ng desperada. Kakainin niya ang sarili niyang salita para sa pinsan niya.

Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan nito. "You know what's the problem with you, Riva dear? You think so highly of your cousin. No one is good enough for you when it concerns him. Ernest is such a nice man. He is my most generous lover. That's why I want to wish him well on his wedding. I hope he will have a good life."

Napamaang siya. Anong sinasabi nito? Hindi ito pupunta sa Rosario? "Hindi mo ako tutulungang pigilin ang kasal nila?"

"Why should I? I am leaving for Bali with my German boyfriend. Masaya ako para kay Ernest. So good luck on your scheme. I don't want to be a part of it."

"Apple, wait. Please." She suddenly felt helpless. She didn't know what to do.

"One piece of advice, Riva. Get a life. Masyado kang obsessed sa pinsan mo. Mag-boyfriend ka kaya o makipag-date. Tatandang dalaga ka niyan. Just call me if you need help. I know a lot of men. Think about it." At pinutol nito ang tawag.

"Bitch! Bitch!" paulit-ulit niyang usal at hinampas ang manibela. Gigil niyang hinatak ang headset mula sa tainga at lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.

Naalimpungatan ang bestfriend niyang si Renzie. Ito ang kapalitan niya sa pagmamaneho sa mahabang biyaheng iyon. "Sino naman ang kaaway mo diyan?"

"Si Apple."

Umayos ito ng upo. "Tinawagan mo? Di ba sa lahat ng naging girlfriend ng Kuya Ernest mo siya ang pinaka-kinaayawan mo? Inaway mo?"

"No. I asked her to stop the wedding. Ayaw daw niya dahil may bago na siyang boyfriend at paalis na sila papuntang Bali."

"Good for her."

"At ang nakakainis pa, sabi niya makipag-date daw ako sa ibang lalaki para hindi puro si Kuya Ernest ang inaalala ko."

"May tama naman talaga siya doon. Di ka na bumabata. You should date and have fun. Malay mo may hunkilicious na magsasaka or mangingisda sa nayon na pupuntahan natin. Grab na!"

Matalim niya itong sinibat ng tingin. "Tumahimik ka na nga diyan. Hindi ka naman nakakatulong sa problema ko."

Humikab ito at inunat ang dalawang kamay. "Sino ba kasi ang nagsabing problemahin mo ang mga bagay na hindi mo naman problema?"

"Kung problema ni Kuya Ernest, problema ko rin iyon," giit niya at huminga ng malalim.

Natural lang na alalahanin niya ang Kuya Ernest niya. Nang mamatay ang Papa niya pitong taon na ang nakakaraan ay ito na ang nag-take over sa business nila at nag-alaga sa Mama niya at sa kanila ng nakababata niyang kapatid na si Emarie. Ito na ang tumayong tatay niya at kuya. Kundi dahil sa pangangalaga nito ay baka kung saan na sila pinulot na mag-iina. Pinrotektahan sila ni Ernest mula sa mga taong gustong magsamantala sa kanila pati na ang mga gustong manligaw sa kanilang magkapatid. He was also her mentor when it comes to business. Hanggang ngayon ay iginigiya siya nito hanggang handa na siyang hawakan ang kompanyang itinayo ng namayapa niyang ama.

Magpatuloy sa Pagbasa

Iba pang mga aklat ni Sofia

Higit pa

Magugustuhan mo rin

Lihim na Anak ng Lalaki, Kahihiyan ng Babae sa Madla

Lihim na Anak ng Lalaki, Kahihiyan ng Babae sa Madla

Gavin
5.0

Ako si Aliana Donovan, isang resident physician, na sa wakas ay muling nakasama ang mayamang pamilyang nawalay sa akin mula pagkabata. Mayroon akong mapagmahal na mga magulang at isang gwapo't matagumpay na fiancé. Ligtas ako. Minamahal ako. Isa itong perpekto, ngunit marupok na kasinungalingan. Nabasag ang kasinungalingan isang Martes nang matuklasan kong ang fiancé ko, si Ivan, ay wala sa isang board meeting kundi nasa isang malawak na mansyon kasama si Kiera Reese, ang babaeng sinabi nilang nagkaroon ng mental breakdown limang taon na ang nakalipas matapos akong subukang i-frame up. Hindi siya kahiya-hiya; nagliliwanag siya, hawak ang isang batang lalaki, si Leo, na humahagikgik sa mga braso ni Ivan. Narinig ko ang kanilang usapan: si Leo ay anak nila, at ako ay isang "placeholder" lamang, isang paraan para makuha ang gusto nila hanggang sa hindi na kailanganin ni Ivan ang koneksyon ng pamilya ko. Ang mga magulang ko, ang mga Donovan, ay kasabwat dito, pinopondohan ang marangyang buhay ni Kiera at ang kanilang lihim na pamilya. Ang buong katotohanan ko—ang mapagmahal na mga magulang, ang tapat na fiancé, ang seguridad na akala ko'y natagpuan ko na—ay isang maingat na itinayong entablado, at ako ang tangang gumaganap sa pangunahing papel. Ang kaswal na text ni Ivan, "Kalalabas lang ng meeting. Nakakapagod. Miss na kita. See you at home," habang nakatayo siya sa tabi ng kanyang tunay na pamilya, ang huling dagok. Akala nila kaawa-awa ako. Akala nila tanga ako. Malalaman nila kung gaano sila nagkakamali.

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat