Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Dance With Demons

Dance With Demons

Snowmary

5.0
Comment(s)
107
View
3
Chapters

Bata pa lamang si Eurie Rodriguez nang magsimula siyang makakita ng mga hindi pangkaraniwang nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata kaya madalas siyang pinapaalalahanan ng kaniyang mga magulang na huwag lumapit at makipag-usap sa mga ito dahil kapahamakan lamang ang idudulot ng mga ito. Ngunit isang hapon habang papunta si Eurie sa puntod ng kaniyang mga magulang ay biglang lumitaw sa harap niya ang isang kalahating tao at kalahating aso. Dinala siya nito sa Hidden Realm upang maging asawa. Ang lugar kung saan naninirihan ang mga 'di pangkarinawang nilalang tulad ng ispiritu, halimaw, demonyo at diyos. Ayon sa tradisyon ng Hidden Realm ay kailangang makumpleto ni Eurie ang dalawang seals na nasa pangangalaga ng dalawa sa kinikilalang pinakamalakas at nakakatakot na demonyo sa buong lupain upang maging asawa ni Avinar at magagawa niya lamang ito kung pagsisilbihan niya ang dalawang demonyo. Ngunit lingid sa kaalaman ni Eurie ay plinano na ni Avinar ang lahat sa simula pa lamang upang gawin siyang kabayaran sa isang pangako na hindi nabigyan ng katapuran ng dahil sa isang sumpa. Sa pagpasok ni Eurie sa Hidden Realm, anong klaseng mundo ang naghihintay sa kaniya kasama sina Avinar at ang dalawa pang demonyo? Makakaya kaya niyang panindigan ang marka na nakaukit sa kaniya o hahayaan lamang niya ang kaniyang sarili na sumayaw sa saliw ng musika kasama ang tatlong demonyo para lamang mabuhay?

Chapter 1 KABANATA 1

Maliwanag ang sinag ng buwan sa gitna ng malawak na kalangitan na napapalamutian ng mga bituin na animo'y mga brilyantes na kumikinang-kinang. Ang malamig na simoy ng hangin ay banayad na humahaplos sa bawat nilalang na nabubuhay sa gabing iyon. Walang ibang maririnig sa buong kapalibutan kundi ang mga huni ng kuliglig na nagmistulang magandang awitin sa pandinig. Dagdag pa ang mga alitaptap na malayang lumilipad-lipad at yumayakap sa bawat talulot at mga dahon na umiindayog sa tuwing iihip ang hangin. Ang buong lugar ay nagmistulang isang magical place dahil sa tila mahika nitong kagandahan.

Mula sa may di kalayuan ay maririnig ang mahihinang yabag. Isang batang babae na nasa edad pitong taon ang humahagulhol habang sinasambit nito ang pangalan ng kaniyang mga magulang. Tila walang direksyon ang mga paa nito at nagpatuloy lamang sa kaniyang paglalakad hanggang sa natagpuan niya ang kaniyang sarili sa tapat ng isang napakalaking punong-kahoy.

Unti-unting tumila ang mga butil ng luha na umaagos mula sa mga mata ng batang babae. Tiningnan niya ang buong kaanyuan ng puno mula baba hanggang taas. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganito kalaking punong-kahoy na halos kasing taas ng tatlong palapag na mansyon. Ang mga naglalakihang ugat nito ay halos lumabas na mula sa lupa. Marami ding mga baging na pumupulupot sa katawan nito hanggang sa kadulu-duluhan ng mga sanga. Ang mga dahon nito'y halos hindi na makita dahil sa mga alitaptap na nagmistulang makapal na ulap na nakabalot.

Naalala tuloy ng batang babae ang madalas noong sabihin ng kaniyang lolo na ang tirahan daw ng mga engkanto at iba pang mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga mata ay ang mga punong-kahoy na napapalibutan ng maraming alitaptap. Ngunit, sa halip na makaramdam ng matinding takot ay punong-puno ng pagkamangha ang mga mata nito. Pakiramdam niya'y may kung ano sa punong-kahoy na ito na biglang nagpawi sa matinding takot na nararamdaman niya at biglang napalitan ng seguridad.

Sa wakas, pagkatapos ng ilang oras na paglalakad ay nakatagpo na rin ang batang babae ng lugar kung saan siya puwede magpahinga. Nanginginig na ang mga paa niya dahil sa sobrang pagod at pangangalay. Kahit paano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan. Muli niyang pinunasan ang kaniyang mukha pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa puno, ngunit bago pa man siya makalapit ay biglang umihip ang malakas na hangin sa buong paligid. Mabuti na lamang dahil mabilis siyang napakapit sa isa sa mga ugat na nakausli dahil kung hindi ay baka tinangay siya ng hangin.

Dahan-dahang itinuwid ng batang babae ang kaniyang buong katawan. Nagtamo siya ng maliit na scratch sa may kanang bahagi sa may upper portion ng kaniyang kilay dahil tinamaan ito ng matulis na sanga, ngunit ininda niya na lamang ang kirot na nararamdaman at ihinakbang na ang kaniyang mga paa ng biglang lumiwanag ang palibot ng punong-kahoy.

Nakakasulasok ang liwanang nito na halos hindi na maimulat ng bata ang kaniyang mga mata. Maya-maya pa ay may narinig siyang malalaking yabag na papalapit sa kaniyang direksyon na nanggagaling sa nakakasulasok na liwanag. Pinilit niya na imulat ang kaniyang mga mata, ngunit hindi niya magawa. Makalipas ang ilang minuto, unti-unti nang naglaho ang liwanag.

Dahan-dahang iminulat ng batang babae ang kaniyang mga mata nang bigla na lamang tumambad sa kaniya ang isang kakaibang nilalang na sa tanang buhay niya ay ngayon pa lamang niya nakita. Malaki ang pangangatawan nito. Abot hanggang balakang ang kulay puti nitong buhok. Ang mga tainga nito ay parang tainga ng aso. Nakasuot itong kulay pulang kimono na bumagay sa mala-porselana nitong balat. Ang mga mata nito'y kasing kulay ng asul at malawak na karagatan na kumikislap-kislap habang tinatamaan ng sinag ng buwan.

Dahan-dahang ihinakbang ng lalaki ang mga paa patungo sa direksyon ng batang babae. Walang sapin ang mga paa nito, ngunit hindi nito inalintana ang mga naglalakihang ugat na natatapakan ng kaniyang mga paa. Naka-focus lamang mga mata nito sa batang babae, na sa mga sandaling iyon nagmistulang isang istatwa dahil sa labis na pagkabigla.

Nang makalapit na ang lalaki sa tabi ng batang babae ay bahagya nitong ibinaluktok ang kaniyang katawan. Inabot niya ang buhok nito na bahagyang nakausli sa may gilid ng tainga nito pagkatapos ay inilapit sa kaniyang ilong at tila isang aso na inamoy-inamoy ito. Hindi nga siya nagkamali, mortal ang batang ito. Sa loob ng halos talong daang taon na nabubuhay siya sa mundong ito, ngayon lang uli siya nakaamoy ng isang mortal; kay bango, nakakabuhay ng dugo ng isang halimaw. Para bang tinutukso siya nito na tikman ang anong klaseng dugo mayroon ang batang ito.

"Anong ginagawa ng isang mortal na tulad mo sa ganitong lugar? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang pagpasok sa teritoryong ito? Magpasalamat ka dahil hindi ka natiyempuhan ng mga masasamang yokai na umaalu-aligid sa gitna ng kakahuyan." nakangising sabi ng lalaki pagkatapos ay dahan-dahan nitong binitiwan ang buhok ng batang babae.

"Mahilig pa naman sila sa mga mortal dahil sariwang-sariwa ang dugo't laman nila," dugtong ng lalaki habang pinagmamasdan ang mapupula at mugtong mga mata ng batang babae. Hindi nito maintindihan kung bakit wala siyang makita ni katiting na takot sa mga mata ng batang ito. Nangangahulugan ba na hindi ito natatakot sa isang nilalang na tulad niya?

"Bumalik ka na sa lugar na pinanggalingan mo bago ka pa man nila maamoy." Itinuwid ng lalaki ang kaniyang tindig pagkatapos ay tumalikod na, ngunit bago pa man nito maihakbang ang kaniyang mga paa ay nagsalita ang batang babae.

"M-maaari ni'yo po ba akong tulungan na makauwi sa amin? Hindi ko po kasi alam kung saan ang daan pauwi. Sigurado ako na kanina pa sa akin nag-aalala sina mama at papa," sambit ng batang babae habang sapo ang kaniyang dibdib.

Natigilan ang lalaki pagkatapos ay humalakhak nang ubod lakas at nagsabi, "Hindi mo alam kung paano ka rito nakapasok? Nagpapatawa ka ba?"

Umiling-iling ang batang babae. Ang tanging malinaw sa kaniya ay nang magising siya ay natagpuan niya ang kaniyang sarili sa gitna ng kakahuyan. Ilang beses niyang sinubukan na sumigaw para humingi ng tulong, ngunit wala ni isa ang nakarinig sa kaniya maliban sa mga insekto at iba pang hayop na naroroon sa mga sandaling iyon.

"Maniwala po kayo sa akin mister. Please, nagmamakaawa po ako sa inyo. Tulungan ni'yo naman po ako na hanapin ang daan pauwi." Unti-unting namuo ang mga luha sa bawat sulok ng mga mata ng batang babae. Sa pagkakataong iyon ay muli na siyang nakaramdam ng takot pagkatapos niyang marinig ang lahat ng mga sinabi sa kaniya ng taong lobo.

Biglang nagbago ang reaksyon na nakaguhit sa mukha ng taong lobo nang muli itong humarap sa batang babae. Muli nitong ihinakbang ang mga patungo sa direksyon nito ng wala ni anumang salita na lumalabas sa kaniyang bibig. At nang makalapit na siya sa batang babae ay matalim niya itong tiningnan pagkatapos ay dahan-dahan nitong inangat ang kanang kamay ka-level ng bata at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo sa kanang direksyon.

"Hindi ka ba natatakot sa isang tulad ko, bata?" Ngumisi ang taong lobo pagkatapos ay bigla na lamang humaba ang mga kuko nito. Ang mga mata nito'y naging kulay dugo, maging ang mga pangil nito ay humaba pa ng husto na tila ba'y nakahanda ng lapain ang batang babae sa anumang oras.

Ang buong kaanyuan ng taong lobo ay unti-unti nang nagbabago, ngunit sa halip na makaramdam ng matinding takot sa kaniyang mga nasasaksihan ay bigla na lamang na niyakap ng batang babae ang taong lobo dahilan para bumalik ito sa dati nitong anyo.

"Please, huwag po ninyo akong sasaktan. Gagawin po ang lahat ng anumang gusto ni'yo basta ibalik ni'yo lamang po ako kina mama at papa." Tuluyang umagos ang masasaganang luha mula sa mga mata ng batang babae habang yakap-yakap ang taong lobo.

Pagkarinig sa sinabi ng batang babae ay tila may kung anong bagay na bigla na lamang naglalaro sa isip ng demon wolf. Kay sarap pakinggan ng bawat salitang binigkas nito na naging dahilan para mas lalong mabuhay ang kaniyang dugo.

"Sigurado ka ba, bata na gusto mong makipagsundo sa isang tulad ko? Pinapaalala ko lamang sa 'yo na hindi basta-basta ang hihingin ko sa 'yo kapalit ng pangako na ibabalik kita sa mga magulang mo. Ngayon, nakahansa ka ba sa anumang bagay na hihingin ko?"

Dahan-dahang inilayo ng batang babae ang kaniyang katawan mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa demon wolf pagkatapos ay tinangala ito.

"Opo, mister. Nakahanda po ako," sumisingot-singot na tugon niya.

Ngumisi ng ubod lawak ang demon wolf sa naging tugon sa kaniya ng batang babae pagkatapos ay nagsabi, "Very well. Simula sa mga sandaling ito ay pag-aari na kita. Sa oras na tumungtong ko sa edad na bente uno, kukunin kita para maging kabiyak ko." Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito ay kinagat ng demon wolf ang kanang bahagi ng leeg ng batang babae bilang marka ng kanilang kasunduan. Hindi na nagawa pang magsalita ng batang babae dahil bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book