Kapag Pag-ibig Defies Ang mga Tuntunin

Kapag Pag-ibig Defies Ang mga Tuntunin

Angela

5.0
Komento(s)
76.7K
Tingnan
126
Mga Kabanata

Upang maoperahan ang ama, pumalit si Helena sa kapatid na ikakasal sa lalaking may kapansanan sa pandinig. Sa gabing pangkasal, nang maghubad siya, tinabig siya ng salitang:"Puro negosyo lang ito." Nabuhay siya sa takot sa mga biglaang pagbabago ng kanyang ugali. Ngunit nang lahat ay nang-api sa kanya, siya naging pinakamabangis niyang tagapagtanggol. Nang malapit nang magwakas ang kontrata at nagsimula nang mag-empake si Helena, napaluha ang lalaki:"Huwag kang aalis..."

Bida

: Alden Wilson at Helena Ellis

Kabanata 1 Mr. Wilson, Kailangan Ko Ng Pera

"Maghuhubad ka ba, o gusto mong ako na ang gagawa para sa iyo?" Ang boses ng lalaki ay puno ng panghahamak, at ang tunog lang nito ay sapat upang makaramdam ng tensyion si Helena Ellis.

Kusang nanigas ang kaniyang katawan nang dahan-dahang bumukas ang zipper ng kaniyang damit at maramdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kaniyang balat. Dahil sa sobrang pagkataranta, sinaklot niya ang tela ng kaniyang damit at hinarap ang lalaki, sinalubong ang mga mata nitong matamang nakatitig sa kaniya.

"Nakasuot ka ng damit na hindi kailanman naging para sa iyo. Si Emily dapat ang may suot niyan." Ang mga salita ng lalaki ay matalas at walang kapatawaran, tumagos sa kaniyang dibdib at humiwa sa kaniyang puso.

Ang lalaking nasa harap ni Helena ay si Alden Wilson, ang tagapagmana ng pinakamalaking imperyo ng negosyo sa Cheson. Hindi siya ang dapat na naging asawa ni Alden. Sa orihinal na plano, si Emily Simpson na kaniyang kapatid sa ina ang dapat nitong pakasalan. Ngunit si Emily ay biglang naglahong parang bula bago ang araw ng kanilang kasal, kaya napilitan si Helena na pumalit rito.

Nagsimula ang lahat nang hindi inaasahang lumitaw sa kaniyang pintuan si Gemma Simpson, ang inang matagal nang nawalay sa kaniya at halos hindi niya nakasama o nakausap habang siya ay lumalaki. Sa halip na pagbati, ang unang lumabas sa bibig ni Gemma ay isang utos na pakasalan ni Helena si Alden kapalit ni Emily.

Mahigpit na hinawakan ni Gemma ang mga kamay ni Helena at nagsumamo, "Helena, pakiusap pumayag ka nang magpakasal kay Alden. Alalahanin mo ang iyong ama. Paano mo matutustusan ang gastusin sa nursing home? Lalo lamang tataas ang kaniyang mga bayarin. Tulungan mo si Emily kahit sa pagkakataong ito lang, at ang pamilya Simpson na ang bahala sa mga bayarin ng iyong ama."

Agad na tumanggi si Helena nang walang pag-aalinlangan.

Ngunit kinabukasan, wala na ang kaniyang ama. Kinuha ito ng pamilya Simpson ng walang anumang babala. Ginamit nila bilang sandata laban sa kaniya ang kaniyang ama, na noon ay marupok na dahil sa lumalalang demensya. At iyon mismo ang dahilan kung bakit suot ni Helena ang damit pangkasal na hindi naman para sa kaniya, at kung bakit pinilit siyang bigkasin ang isang panatang para sa iba.

Wala na siyang ibang pagpipilian. Ginawa niya ang dapat niyang gawin. Ang kaniyang ama ang kaisa-isang taong tunay na nanindigan para sa kaniya. Kaya hinding-hindi niya ito pababayaan.

Pilit isinantabi ni Helena ang masasakit na alaala, ibinaba ang ulo, at atubiling kinausap si Alden na nakatayo sa harapan niya. "Mr. Wilson, ang ipinagkasundong kasal na ito ay pormalidad lamang para sa negosyo. Ako man o kahit sinong iba ang mapangasawa mo, wala ring pinagkaiba."

"Huwag kang umiwas ng tingin kapag nakikipag-usap ka sa akin," sagot ni Alden sa malamig at matalas na tono. Gamit ang matatag niyang kamay, itinaas niya ang baba ni Helena, siniguradong magtagpo ang kanilang mga tingin.

Noon lamang may napansin si Helena sa likod ng tainga nito. Isa iyong maliit na aparato. Makinis. Banayad.

Isang iyong cochlear implant.

Si Alden pala ay may kapansanan sa pandinig. Ito ba ang dahilan kung bakit umalis si Emily bago pa man ang kasal?

"Ngayong alam mo na kung bakit tumakas ang kapatid mo, gusto mo pa rin ba akong pakasalan?" Ang mga labi ni Alden ay kumurba sa isang maigting at sarkastikong ngiti.

Kakarating lang niya mula sa ibang bansa, kaya karamihan sa mga tao ay hindi pa alam ang balita tungkol sa pagkawala ng kaniyang pandinig na nangyari dalawampung taon na ang nakalilipas.

"Papakasalan kita," tugon ni Helena, pilit tinatakpan ang andap ng pagdududa sa kaniyang mga mata.

"At ano ang iyong dahilan?" tanong ni Alden sa mababa at matatag na boses. Nagbago ang kaniyang ekspresyon, dumilim ito nang unti-unting nawala ang mapaglarong maskara.

Huminga nang malalim si Helena, muling pinanumbalik ang kahinahunan ng isang tagapagbalita. "Sinabi sa akin ng mga magulang ko na ang kasal na ito ay magtatagal lamang hanggang makumpleto ang proyekto ng pagpapaunlad. Pinangakuan ako ng buong kabayaran ng pamilya Wilson, pera na magiging akin lamang. Mr. Wilson, magiging tapat ako sa iyo. Kailangan ko ng pera."

Higit pa sa pera ang makukuha ng pamilya Wilson mula sa kasal na ito. Para kay Helena, hindi ito tungkol sa ambisyon o kasakiman. Hindi siya naghahangad ng kayamanan o katayuan. Ang gusto niya lang ay kung ano ang napagkasunduan.

Kailangan niya ang perang iyon upang matiyak na mapanatili ang maayos na pangangalaga sa kaniyang ama.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Alden bago niya sinabing, "Hindi ka rin nahihiyang sabihin ang gusto mo, noh?"

Maraming babae ang nagtangkang lumapit sa kaniya para sa kaniyang kayamanan, ngunit walang sinuman ang naging kasing-tapang ni Helena na magsabi ng totoo nitong layunin.

"Kung tinatawag natin itong isang transaksyon," malamig niyang dagdag. "May karapatan pala akong suriin kung ano ang binabayaran ko."

Biglang nanigas ang buong katawan ni Helena. Namutla ang kaniyang mukha, nagbara ang hininga sa kaniyang lalamunan, at nanlalambot ang kaniyang mga braso na bumagsak sa kaniyang tagiliran.

Ipinahihiwatig ba nito na sisimulan nila ang kanilang kasal sa pagtatalik?

Isang alon ng pagsisisi ang bumalot sa kaniyang dibdib. Hindi pa nga niya nahalikan ang dati niyang nobyo sa loob ng apat na taon. Paano niya maibibigay ang sarili sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala?

Lalong bumigat ang hangin sa paligid nila, halos sinasakal na siya. Nanlabo ang kaniyang paningin at bumigay ang kaniyang mga tuhod. Pakiramdam niya ay malapit na siyang bumagsak sa sahig.

Ngunit bago pa siya bumagsak, niyakap siya ng dalawang malalakas na braso, hinila siya sa isang yakap.

Ikinagulat ni Helena ang hindi inaasahang init mula kay Alden. Unti-unti, nagsimulang gumaan ang bigat sa kaniyang dibdib.

Hindi pa siya nakaramdam ng ganito sa buong buhay niya. Kahit nagkaroon siya ng nobyo na tumagal ng apat na taon, hindi siya kailanman naging matalik sa sinumang lalaki. Sa bawat pagtatangka ng pisikal na pagkakalapit, napapasinghap siya.

Gayunpaman, ang mga haplos ni Alden ay may kakaibang bisa, nagpapakalma sa bagyong nagngangalit sa loob niya.

Habang nakasandal sa matigas at matatag nitong dibdib, ramdam niya ang init nito sa kaniyang pisngi, ang tibok ng puso nito ay dumadagundong sa kaniyang tainga.

Bahagyang hinaplos ng mga daliri ni Alden ang nakalantad na balat ni Helena, at ang banayad nitong haplos ay nagpalito sa kaniya. Nang inihanda na ni Helena ang sarili para sa higit pa, biglang lumayo ang mga kamay ni Alden nang walang anumang babala.

"Gaano katagal ka nang ganito?" mahinang tanong ni Alden.

"Hindi... Hindi ako sigurado," tugon ni Helena sa boses na mahina at walang katiyakan.

Ipinaliwanag ng isang doktor na hindi ito kayang pagalingin ng gamot dahil nagmula ito sa kaibuturan, isang bagay na matatag na nakaugat sa kaniyang isipan.

Tumawa si Alden, mahina at mapanuya. "Talagang naniniwala ang pamilya Simpson na ang pagpapares sa isang babaeng tulad mo sa isang lalaking may kapansanan, katulad ko, ay isang magandang kasunduan."

Walang salitang lumabas sa bibig ni Helena. Sa halip, mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang damit, nilalabanan ang unti-unting tumataas na takot sa dibdib.

Balak ba ni Alden na ipagpaliban ang kasal? Kapag ginawa niya iyon, paano na ang ama ni Helena? Nilinaw ng pamilya Simpson na walang tulong kung walang kasal. Ang malala pa, baka hindi na nila muling ipakita sa kaniya ang kaniyang ama.

Magpatuloy sa Pagbasa
Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat
Kapag Pag-ibig Defies Ang mga Tuntunin
1

Kabanata 1 Mr. Wilson, Kailangan Ko Ng Pera

11/06/2025

2

Kabanata 2 Nakuha Mo Na Siya Sa Mapanlinlang Mong Plano

11/06/2025

3

Kabanata 3 Humingi Ka ng Paumanhin sa Kanya

11/06/2025

4

Kabanata 4 Nakakarinig Na Ba Siya

11/06/2025

5

Chapter 5 Patuyuin ang Buhok Ko

11/06/2025

6

Chapter 6 Kasal Na Ako

11/06/2025

7

Kabanata 7 Nagawa Ko Ng Maayos Ang Trabaho Ko Bilang Bridesmaid

11/06/2025

8

Chapter 8 Ang Tungkulin ng Isang Asawa

11/06/2025

9

Chapter 9 Ang Dalagang Nangangailangan ng Tulong

11/06/2025

10

Chapter 10 Ang Password Ay Ang Petsa Ng Kasal Natin

11/06/2025

11

Chapter 11 Dalawang Sorpresa

11/06/2025

12

Chapter 12 Ang Pamilyang Morrison

11/06/2025

13

Chapter 13 Huwag Kang Lumagpas Sa Linya

11/06/2025

14

Chapter 14 Saan Nanggaling Ang Magarang Sasakyan na 'Yon

11/06/2025

15

Chapter 15 Ang Paghihiganti ni Stacey

11/06/2025

16

Chapter 16 Hindi Iyan Mangyayari Kailanman

11/06/2025

17

Chapter 17 Pagluhod Para Tulungan si Helena sa Pagsukat ng Sapatos

11/06/2025

18

Chapter 18 Patas Na Tayo

11/06/2025

19

Chapter 19 Juliet na Rosas

11/06/2025

20

Chapter 20 Kailangan Mong Baguhin Ang Pagtawag Mo Sa Akin

11/06/2025

21

Chapter 21 Ang Regalo ni Frida

11/06/2025

22

Chapter 22 Magkasama Buong Gabi

11/06/2025

23

Chapter 23 Di-inaasahang Init

11/06/2025

24

Chapter 24 Matulog Na Tayo

11/06/2025

25

Chapter 25 May Napakahalagang Pagbabago Sa Likod Ng Mga Matang Iyon

11/06/2025

26

Chapter 26 Nawala Ang Kwintas

11/06/2025

27

Chapter 27 Wala Tayong Pupuntahan Ngayong Gabi

11/06/2025

28

Chapter 28 Hindi Ko Kinuha Ang Iyong Kwintas

11/06/2025

29

Chapter 29 Binigyan Kita ng Pagkakataon

11/06/2025

30

Chapter 30 Pagkatapos ng Lahat, Asawa Niya 'Yon

11/06/2025

31

Chapter 31 Nawala at Natagpuan

11/06/2025

32

Chapter 32 Nakaupo Sa Kaniyang Kandungan

11/06/2025

33

Chapter 33 Fine Dining Na Restawran

11/06/2025

34

Chapter 34 Masaya Kami ng Aking Asawa

11/06/2025

35

Chapter 35 Ang Pamilyar Na Lasa

11/06/2025

36

Chapter 36 Pangalawang Pagkikita

11/06/2025

37

Chapter 37 Pangalan ni Alden

11/06/2025

38

Chapter 38 DInudurog Siya Ni Eleanor

11/06/2025

39

Chapter 39 Ako Na Ang Magbabayad

11/06/2025

40

Chapter 40 Ang Pagdating Ni Dorian

11/06/2025