/0/72998/coverorgin.jpg?v=5fb985ea4775ce8fd0bc241a944d48d8&imageMogr2/format/webp)
Cielo
Nakatanga ako at literal na nakaawang ang bibig habang nakatingala sa napakagandang building sa harap ko.
Matapos gumraduate ng kolehiyo ay lumuwas ako ng lungsod sa dalawang dahilan. Una ay para magtrabaho at pangalawa ay para makita ko na ang aking ultimate crush. At ang kompanyang nasa harapan ko ay ang kompanyang nakalagay sa business card na ibinigay nito sa akin noon.
Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito kaya't labis akong natutuwa. Anumang oras ay makikita ko na s'ya. At ngayon pa lang ay grabe na ang kilig na nararamdaman ko. Parang kinikiliti ang sikmura ko paitaas sa puso ko. Hehe!
"Oh my! Si CJ iyon di ba?"
"Oo, s'ya 'yon! Tara, magpa-picture tayo!"
Bigla ay nagkagulo at nagsimulang magtakbuhan ang mga babae sa kabilang gilid ko, kasabay ang kanilang mga nakakabinging tilian. Para silang mga langgam na mabilis na nagsialpasan dahil may masarap na pagkaing nakita. At sobrang dami nila!
"Aray! Aray! Aray!" reklamo ko dahil para lang akong invisible na dumi ng hayop kung bungguin nila.
Inayos ko ang eye glasses ko na muntik ng mahulog. Parang libo ang bilang nila at walang katapusan ang pagbunggo sa kanan at kaliwa kong balikat.
Nanlaki ang mga mata ko nang may isa pang kumpol ng mga babae at mga nagkukunwaring babae ang nagtakbuhan.
"Oh CJ, Bigyan mo ako ng tatlong supling!"
Imbis na makipagsiksikan para makaalis ay napapikit na lang ako ng mariin para ihanda sa mas malaking delubyo.
"CJ! Kyahhh! Ang wafu mo po!"
"Aray! Aray ko po..." nakapikit kong reklamo. "Oh Dios ko, ako'y iligtas mo sa mga babaeng ito."
Ngunit tila ay mas dumami pa ang bilang nila. Walang humpay ang pagbunggo sa magkabila kong balikat.
"Ahhhh!" mahabang sigaw ko at parang kidlat na bumagsak sa semento.
Ngunit kahit nabigla ay agad akong nagmulat ng mga mata dahil nakaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko at kung anong malambot na nakapatong sa aking bibig.
Napakurap ako ng tatlong sunod at halos maduling na sa pagtingin sa mukha ng lalaking nakapatong sa akin.
Malakas na dumagundong ang dibdib ko at nanlaki ang mga mata.
"Shit." Biglang umalis ang lalaki sa ibabaw ko at ang ulo ko ay mahinang umumpog sa semento. Kung intensyon nitong gamitin ang kamay para iligtas ang ulo ko mula sa pagkakumpog sana ng malakas ay salamat na lang dito.
Agad kong hinagilap ang salamin kong napunta sa aking noo at ibinalik sa mata. Mabilis akong tumayo at napatikhim. Tumingin ako dito, diyan at doon. Grabe ito.
"Hooo.." mahinang buga ko ng hangin at tiningnan ang lalaki.
"Naku, Sir Ahlen, ayos lang ho ba kayo?" May lumapit na security guard sa dito ngunit hindi naman ito sumagot, nakakunot lang ang noo nito habang patuloy sa pag pagpag ng suot.
Napatingin naman ako sa kamay nitong may gasgas kaya agad akong lumapit at hinawakan ang kamay nito. Maya ko na lang isipin ang halik.
"May sugat ka, pasensya na ho kayo," paumanhin ko at itinaas ang kamay niya para ihipan sana. Ngunit bigla niya 'yong iwinakli. Nakagat ko tuloy ang labi ko. "Pasensya na ho talaga kayo, kasalanan ko kaya nagkasugat kayo."
"Tsk." Iyon lang ang naging sagot niya at parang walang nagyari akong tinalikuran. Ni hindi manlang yata niya ako tiningnan.
Hindi ako makapaniwalang sinundan s'ya ng tingin hanggang sa makapasok s'ya ng kotse.
Paano naman ang first kiss ko? Hindi ba ito babalik para mag-sorry kahit aksidente lang 'yon? Iyon ang first kiss ko na dapat ay kay Jared ko lang ibibigay. First kiss!
Nagngitngit ang loob ko sa inis. Ngayon ay napunta lang sa wala ang pag-iingat ko! Kainis din ang walang modong lalaking 'yon. Hindi manlang ito humingi kahit simpleng paumanhin!
/0/28803/coverorgin.jpg?v=79ccf8d44104071484bff28691fb0acb&imageMogr2/format/webp)
/0/32397/coverorgin.jpg?v=20220927103532&imageMogr2/format/webp)
/0/26775/coverorgin.jpg?v=20220415102740&imageMogr2/format/webp)
/0/70477/coverorgin.jpg?v=3193cf365d9493326c346fb67f6135e9&imageMogr2/format/webp)
/0/73757/coverorgin.jpg?v=46a19eded35edc89b22caf0c991c6db1&imageMogr2/format/webp)
/0/27083/coverorgin.jpg?v=8dc3fb20a70b1a3c9bc883f1a3543edc&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/27396/coverorgin.jpg?v=20220510180835&imageMogr2/format/webp)
/0/26788/coverorgin.jpg?v=20220601095850&imageMogr2/format/webp)
/0/73578/coverorgin.jpg?v=3d8a0c350a25c21129f0050b8c8bab4e&imageMogr2/format/webp)