/0/26296/coverorgin.jpg?v=d322f51e6d8e19b340bf7dab2ee97f1f&imageMogr2/format/webp)
Chloe's POV
"Brua, dalian mo, kunti pa naman ang dumadaang tricycle pag gantong umaga!" tawag sakin ni Sophie sa labas ng bahay.
Mamamalengke kasi kami ng gulay para bukas. Patakbo akong lumabas ng kwarto ko at halos madapa pa ako dahil sa mga nakaumbok na butil ng bato sa likod ng floor mats ng munting bahay na inuupaan ko.
Napanganga pa ako pagkakita ko sakanya.
"Pasuyo, ikaw muna ang magdala ng basket ko, baka ako'y magkamuscle" sabi niya habang inaabot sakin ang basket na dala niya. Kahit kailan talaga wala na tong ginawa kundi ang maglagay ng kolorete sa mukha niya.
Isinukbit niya ang kamay niya sakin sabay hila, ito naman ako lagi nalang nagpapatangay sa baklang to.
"Manong para" malanding pagtawag niya sa tricycle diver na dumaan sa harapan namin pero dinaanan lang kami kaya natawa ako.
"Bat ka tumatawa?" inis na tanong niya sabay layo sakin ng sarili niya.
"Hindi ka nagmumukhang pinagnanasahan, mukha kang tikbalang hahaha" biro ko sakanya pero inirapan niya lang ako at naglakad papunta sa waiting shed.
"Biro lang beks!" sabi ko sakanya habang hinahabol siya. Sumakay siya sa loob ng tricycle kaya sumakay na rin ako.
Naawa lang ata tong driver na to kaya niya pinasakay hahaha joke.
"Ang ganda mo kasi" nakangising aniya niya habang tinatarayan ako.
"Pareho lang tayo ano ka ba" lambing ko sakanya kaya natawa siya.
"Sabi na nga eh, kaya lang naman ako hindi isinasakay kasi kasama kita hahaha" sabi niya pero ngumiti nalang ako, para sakyan ang kalokohan niya.
Alam niyo yong ngiting natatae tas nanggigigil, yong kulang nalang masabunutan ko ang tikbalang na to.
Biro lang, lab na lab ko kaya yan kahit magkaiba ang lahi este kasarian namin hahaha.
Bumaba kami sa may public market na halo-halo ang mga itinitinda, mga isda, manok, karne, gulay at iba pa. Dumiretso kami sa bilihan ng gulay. Inilabas ko rin yong listahang ginawa ko para sa mga kailangan sa bahay.
"Teh, isang kilo ng carrots" sabi ni Sophie, ako naman kumuha ng petsay at kamatis.
Saktong pangkain ko lang ang binibili ko, minsan pag marami ang niluluto ko binibig-yan ko rin si Sophie, ganon rin kasi ang pamilya niya sakin.
"Beks paabot nga ng bawang at luya" sabi ko sakanya, kumuha naman ito at ibinigay sakin.
"Sa kabila nalang tayo bumili nong mga wala pa" sabi niya kaya tumango ako.
"Sixty pesos, neh" sabi ni ale kaya inabot ko ang limampu at dalawang lima. Inilagay ko yong binili ko sa hawak niyang basket, ganon rin siya.
"Beks, titingin lang ako ng bangus" paalam ko sakanya.
"Isang pirasong bangus kuya, pakilinis narin" sabi ko sa tindero at naglabas ng forty pesos.
Ang maganda kasi dito ay makakamura ka kesa naman sa mga mall. May sapat lang akong pera pasa sa mga bilihin ko.
"Salamat" sabi ni kuya pagkaabot ko ng bayad, tsaka to naman kinuha ang bangus sakanya.
"Tapos na 'ko, may bibilhin ka pa ba?" tanong niya sakin nang saktong magkasalubong kami, umiling naman ako at tinulunagn siya sa pagbuhat ng basket.
"Kumain ka mamayang gabi sa bahay, marami ang lulutuin ni ermat"sabi niya sakin habang pababa kami ng tatlong baitang sa hagdan.
"Sige, tsaka paki sabi narin sa mama mo bukas ko nalang bayaran yong upa"sabi ko sakanya, tumango-tango naman siya.
Bahay kasi nila ang inuupahan ko, ngayon kasi ang araw ng pagbabayad pero bukas ko pa makukuha ang sweldo ko bilang janitress sa isang restau.
"Brua, mauna ka na muna, nakalimutan ko yong sukli, isang daan at higit pa naman yon" sabi niya habang kakamot-kamot at hinahalungkat ang bulsa niya, kaya wala na akong nagawa kundi buhatin ang basket.
Dahil sa bigat ng basket ay patagilid akong naglalakad kaya tumigil muna ako. Yumuko ako at inipon sa isang kamay ko ang buhok ko tsaka ko pinunglot.
May malakas na dumamba sa kanang bahagi ng katawan ko at biglang nag slow motion ang paligid at ganun narin ang pagkabagsak ko. Napahawak ako sa siko ko at inis na tumayo tsaka ko itinulak yong lalaking nakabangga sakin.
"F*ck! What’s wrong with you?!"galit na sigaw niya sakin.
"F*uck your face! You should ask yourself mister.... what is wrong with you!" sigaw ko rin sakanya, sinilip ko pa ang siko ko at sinamaan siya ng tingin.
Palibhasa'y mayaman kaya walang modo at malala pa dahil mukhang adik! Nakakabwisit ang pagmumukha niya, nanggigigil talaga ako. Alisin niyo ang adik na to kundi hindi ako magdadalawang isip na pulutin ang nakalabas na binili kong bangus para isampal sa pagmumuha niya!
"You're brave huh? I’m Ki~~" I cut his own words.
"I don't ca~~" hindi ko rin natapos ang sasabihin ko nang may tumakip sa bibig ko at inilayo ako ng unti sa adik na to. Halos mag wala na ako dahil sa pagkukumawala.
"Sorry…. umuwi na tayo" sabi ni Sophie na naging pabulong nalang ang huling salita.
/0/27685/coverorgin.jpg?v=20220606110112&imageMogr2/format/webp)
/0/28452/coverorgin.jpg?v=669510ce7199d1f659c7c33e5b8ae5da&imageMogr2/format/webp)
/0/27365/coverorgin.jpg?v=20220524224403&imageMogr2/format/webp)
/0/28013/coverorgin.jpg?v=7e4490a7012a21d2dec55231b593a160&imageMogr2/format/webp)
/0/27775/coverorgin.jpg?v=838775e9e95ed85ed2c5e727c6d45fb4&imageMogr2/format/webp)
/0/28543/coverorgin.jpg?v=f0e1c2f2d32c2b9421e39cc83dad24dd&imageMogr2/format/webp)
/0/26353/coverorgin.jpg?v=12d5bcb381af46070f4e112ea8f6d07e&imageMogr2/format/webp)
/0/26687/coverorgin.jpg?v=ee2583cbf3773f6f4b3c1a8e64934930&imageMogr2/format/webp)
/0/26983/coverorgin.jpg?v=20220621000546&imageMogr2/format/webp)
/0/26520/coverorgin.jpg?v=20220415102734&imageMogr2/format/webp)
/0/96220/coverorgin.jpg?v=2a770fb55d449589bb27519ecdbb8f15&imageMogr2/format/webp)
/0/26614/coverorgin.jpg?v=e7546bf3fef45a70c18cb70da557be14&imageMogr2/format/webp)
/0/28803/coverorgin.jpg?v=79ccf8d44104071484bff28691fb0acb&imageMogr2/format/webp)
/0/27298/coverorgin.jpg?v=dbadfe8150377681ba1521cae9427531&imageMogr2/format/webp)
/0/26812/coverorgin.jpg?v=6e864be4eaa0a3e4eab9dcc4ccaefdfe&imageMogr2/format/webp)
/0/70764/coverorgin.jpg?v=abe036607ae70716abe6a90cbe06dd35&imageMogr2/format/webp)
/0/27398/coverorgin.jpg?v=20220615203802&imageMogr2/format/webp)
/0/26933/coverorgin.jpg?v=cae2b2399e6b2388f04314426e7073d9&imageMogr2/format/webp)