/0/36431/coverorgin.jpg?v=20230112170417&imageMogr2/format/webp)
"Laura dali tignan mo ito!" Tawag ni Lea sa akin habang sabik na ipinakita ang mga nakuha niyang shells sa dalampasigan.
Ngumisi agad ako at lumapit sa kanya habang bitbit ang paper bag na nilagyan ko rin sa mga shells at bato na napulot ko kanina.
"Ang ganda naman nyan..."
Namamanghang sabi ko habang siya naman ay ngumiti ng abot tenga.
Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na hugis puso na medyo may biyak na rin sa kilid dahil siguro sa hampas ng naglalakihang alon sa dagat, ganun paman hindi parin nawala ang ganda nito dahil sa unique nitong kulay.
"Sayo na yan Lau..." Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya.
"Alam kong hilig mo ng mga ganyan, at isa pa hindi ako mahilig sa mga... Alam mo na" sabi niya sabay kibit balikat.
Hindi na ako nag-dalawang isip na kunin sa kanya ang shell na bigay niya at masayang ngumiti, dati pa lang nakahiligan ko ng mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego para gawing bohemian Jewelry at palamuti sa mga kurtina.
"May sabi-sabi raw na uuwi na silang Don Anton at Donya Mathilda mamaya... o baka bukas" Natigilan ako at humarap kay Lea. Ngumisi naman ito at hindi pinansin ang pagkabigla ko "at syempre kasama raw si Senyorito Sebastian... diba crush mo yon Laura?"
Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko.
Humahagikhik na tumawa lang si Lea sabay akbay sa akin.
"Naalala pa kaya tayo ni senyorito?... Halos isang taon rin silang hindi naka-uwi dito sa Costa, naalala ko pa dati na parati ka lang nakatingin sa kanya sa malayo tuwing bibisita siya dito"
"Siguro hindi na...at tsaka crush lang naman ito simpleng pag-hanga dahil ang bait niya sa atin"
Pabirong tinulak lang ako ni Lea sabay pabirong umirap.
"Ang sabihin mo mabait at tsaka gwapo... At sa ganda mong iyan, sigurado akong naalala ka niya no, sa rami-rami ba naman ng mangliligaw mo, tanging si Senyorito Sebastian lang ang nakakuha ng interest mo... Kaya kung ako sayo, ako na ang gagawa ng first move, malay mo Laura ikaw pala ang hinihintay niyang mapangasawa"
Natigilan agad kami ng biglang may sumigaw mula sa itaas ng cliff habang kumakaway sa amin.
"Lea! Laura?!... Hinahanap na kayo ni Madam Isa"
malakas na sigaw ng aming kaibigang lalaki na si Lukas.
"Alam mo, Isa pa yang si Lukas... Matagal ka na rin niyang gusto, kaso ang torpe nga lang."
Pabulong niyang sabi sabay napaunang lakad.
"Anong pinagsasabi mo..." Natawa ako at agad nang hinila si Lea patakbo sa hagdanan paakyat sa itaas ng cliff kung saan nakatayo at naghihintay si Lukas.
"B-bakit raw..." Hinihingal kong tanong habang hawak-hawak ang kamay ni Lea na hininingal na rin.
"H-hindi ko alam..."
sabay iwas ng tingin niya sa akin at nanguna ng lumakad.
Pagkarating namin sa likod ng mansion ng mga Del Fuego agad naming nakita si Madam Isa, na nagkasalubong ang kilay, bakas rin sa mukha niya ang pagka-irita.
"Saan kayo nangaling?" Naiiritang bungad niya sa aming dalawa ni Lea.
"Ngayon o bukas ang uwi nilang Don at Donya Mathilda kasama ng mga senyorito! Tumulong nga kayo kung hindi sisisantihin ko talaga kayo..." Galit na sigaw niya.
Napayuko naman ako at agad itinabi ang paper bag kong saan nakalagay ang mga shells ko na napulot, nilagay ko rin doon ang wallet ko kasi wala akong mapaglagyang bulsa.
"B-break p-pa kasi namin...ma'am" pangatwiran ni Lea, pero hindi na kami pinakingan ni Madam at nag-martsa na sa malapit na hardin at sumigaw ulit.
"Laura! Diligan mo ito, ikaw Lea doon ka sa harap ng mansion at ikaw naman Lukas sa mga kabayo ka, magsikilos na nga kayo at ako'y natataranta na"
Agad naman naming sinunod si Madame Isa, kahit pa may pagka-masungit siya at strikta na mayordoma, ay hindi na namin yon binibig-deal dahil sa laki na rin ng tulong niya sa aming pamilya dahil sa pagpayag niyang manarbaho kami dito sa Mansion ng mga Del Fuego.
Ang pamilyang isa sa mga makapangyarihan at mayaman sa buong lalawigan dito sa Batangas, Isa rin sila sa may ari ng mga naglalakihang plantation dito at ekta-ektaryang lupain ng may mga tanim na mga ubas na ginagawa nilang wine, sabi pa nila na hindi lang ang pag-eexport ng wine ang negosyo nila dahil ang pamilya nilang senyora Mathilda ay may-ari rin ng isa construction firm sa maynila na siyang pinapatakbo ng kanyang panganay na anak na noon paman ay hindi ko pa nakita o nakilala.
Nang natapos na ako sa pagdidilig ng mga halaman ay winalis ko na lang ang ilang mga natirang tuyong dahon sa bermuda grass, it's almost 6PM na kaya malapit na rin ang out ko kaya pagkatapos ng pag-wawalis ay agad ko ng niligpit isa-isa ang mga gamit na pang-hardin na naiwan ng ibang trabahante kanina sa pagtri-trim ng damo.
Nang makitang malinis na ang area ko ay nagmadali na akong lumapit sa kay Madam Isa na ngayo'y naka-upo na sa isang ratan na bangko sa harapan ng portico habang nagpa-paypay sa kanyang sarili.
"Madam, tapos na po ako..."
Nilingon niya muna ako bago tinignan ang likuran ko kong saan ang nilinisan na hardin. Ismid niyang tinignan ang orasan sa kanyang kamay at nagtaas ng kilay.
"Pwede ka nang umuwi, pero bukas kailangan mong mag early-in dahil baka maging busy tayo dahil sa pagdating nilang ng mga amo natin..."
Tumango naman ako at tinignan pa niya ako ng isang beses at lumingon na sa ibang nagtra-trabaho sa di kalayuan.
Na-una na akong umuwi at nagpa-alam na kila Lukas at Lea, hindi pa sila pinauwi ni Madam dahil hindi pa sila tapos sa kanilang ginagawa.
Habang naglalakad pauwi naisip ko na hindi na muna dumaan sa dalampasigan gaya ng nakasanayan ko at nagshort-cut na lang sa routa kong saan ang bahay namin dahil sa pagod ko.
"Ma..." Tawag ko pagpasok sa bahay.
/0/26523/coverorgin.jpg?v=20220520094937&imageMogr2/format/webp)
/0/28917/coverorgin.jpg?v=20220622232601&imageMogr2/format/webp)
/0/74244/coverorgin.jpg?v=20250519001310&imageMogr2/format/webp)
/0/26332/coverorgin.jpg?v=20220415102710&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=20220618211404&imageMogr2/format/webp)
/0/27057/coverorgin.jpg?v=20221205095725&imageMogr2/format/webp)
/0/27188/coverorgin.jpg?v=20220523140425&imageMogr2/format/webp)
/0/26779/coverorgin.jpg?v=20220524085556&imageMogr2/format/webp)
/0/26241/coverorgin.jpg?v=20230214115900&imageMogr2/format/webp)
/0/27714/coverorgin.jpg?v=20220527140047&imageMogr2/format/webp)
/0/26521/coverorgin.jpg?v=20220609161942&imageMogr2/format/webp)
/0/26666/coverorgin.jpg?v=20221003095340&imageMogr2/format/webp)
/0/27361/coverorgin.jpg?v=20220507191548&imageMogr2/format/webp)
/0/26660/coverorgin.jpg?v=20220519144256&imageMogr2/format/webp)
/0/27306/coverorgin.jpg?v=20230508100622&imageMogr2/format/webp)
/0/26848/coverorgin.jpg?v=20230221175039&imageMogr2/format/webp)
/0/27599/coverorgin.jpg?v=20220513120846&imageMogr2/format/webp)
/0/28847/coverorgin.jpg?v=20220619070926&imageMogr2/format/webp)
/0/26591/coverorgin.jpg?v=20221114075232&imageMogr2/format/webp)