/0/26977/coverorgin.jpg?v=24acb062b15f2cb0c460710fb45190b2&imageMogr2/format/webp)
Umihip nang malakas ang hangin, dahilan para liparin ang ilang hibla ng aking buhok. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pang ayusin dahil paniguradong magugulo lang naman ito uli.
Tahimik akong nakaupo at nagbabasa sa damuhan ng school field ng may bigla akong narinig na nagsalita.
"Hi, Shane!"
Mula sa librong aking binabasa ay umangat ang aking tingin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang sophomore high school student na nakatayo sa harap ko. Alanganin itong ngumiti, sabay lahad ng kanyang kanang palad na bahagya pang nanginginig. "A-Ako nga pala si L-Lester."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo."
Halatang natigilan siya nang dahil sa sinabi ko. Bakit? Eh, totoo naman.
Napakurap siya bago muling ngumiti. Pansin ko rin na may kung ano siyang tinatago mula sa kanyang likod. "Oo nga naman. Pero gusto ko lang sana—"
Humihikab na sinara ko ang librong binabasa. Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at pinagpagan ang likod ng aking kulay maroon at checkered na palda. "Pasensya na, ha. Mag-aaral pa kasi ako. If you'll excuse me."
Nagsimula na akong humakbang paalis at hindi na siya muling nilingon pa. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakalayo ay muli siyang sumulpot sa harap ko.
Tumungo siya bago dahan-dahang nilabas ang kanyang kaliwang kamay na kanina pa nakatago mula sa kanyang likod. Mas lalong kumunot ang noo ko nang bumungad sa 'king paningin ang tatlong tangkay ng pulang rosas.
"P-Para sa 'yo. Sana t-tanggapin mo," nauutal niyang saad.
/0/26811/coverorgin.jpg?v=f3aa76b5246de26fbcffdfebf0074de5&imageMogr2/format/webp)
/0/70456/coverorgin.jpg?v=20251124000634&imageMogr2/format/webp)
/0/26755/coverorgin.jpg?v=20230915175136&imageMogr2/format/webp)
/0/27594/coverorgin.jpg?v=7bffb628e70745a68e9e09dc5de9d222&imageMogr2/format/webp)
/0/28897/coverorgin.jpg?v=20220809133934&imageMogr2/format/webp)
/0/27613/coverorgin.jpg?v=20220722100646&imageMogr2/format/webp)
/0/27080/coverorgin.jpg?v=0261f35f17c93d2e3266cc3a877711ce&imageMogr2/format/webp)
/0/26782/coverorgin.jpg?v=20220429114745&imageMogr2/format/webp)
/0/56185/coverorgin.jpg?v=20240508102927&imageMogr2/format/webp)
/0/45070/coverorgin.jpg?v=20251222083112&imageMogr2/format/webp)
/0/27057/coverorgin.jpg?v=a81bffe223c3c0e48e2f3c48b3cf39ec&imageMogr2/format/webp)
/0/27566/coverorgin.jpg?v=20220924222823&imageMogr2/format/webp)
/0/59303/coverorgin.jpg?v=20241101174740&imageMogr2/format/webp)
/0/26252/coverorgin.jpg?v=20220415102738&imageMogr2/format/webp)
/0/29397/coverorgin.jpg?v=dbadfe8150377681ba1521cae9427531&imageMogr2/format/webp)
/0/49769/coverorgin.jpg?v=653b9f521b2d7163edce39c951482a5f&imageMogr2/format/webp)
/0/36385/coverorgin.jpg?v=20230825103310&imageMogr2/format/webp)
/0/26966/coverorgin.jpg?v=f73f03691959a23e23660ddfec3c4129&imageMogr2/format/webp)
/0/28917/coverorgin.jpg?v=20220622232601&imageMogr2/format/webp)