/0/27083/coverorgin.jpg?v=8dc3fb20a70b1a3c9bc883f1a3543edc&imageMogr2/format/webp)
Papasok pa lang ako sa campus ng may naririnig akong sigawan.
Hindi na ako nagtataka na kilala ang grupo nila Jake ay dahil nga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ngayon kung kaya't maingay na kahit malayo ako rinig ko boses nila.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ng mapalapit ako sa kanila.
Napahinto ako ng nakatitig lang sa kanila.
Hindi kasi ako makaalis ay dahil lahat sila nakaharang lalo't na sa gitna pa si Jake.
Hindi naman kasi maipagkakaila guwapo naman talaga si Jake matangkad habulin ng mga kababaihan. Napahiling na lang ako sa kanila.
Anong nakita nila sa grupo na ito saksakan naman na bully sa mga tao walang kalaban-laban.
Nang mapadaan iyong lalaki ay hindi nito sinasadya mabangga si Jake.
Nakayuko lang ang lalaki ng bigla na lang siya tinulak ng pagkalakas ni Jake.
Natumba ang lalaki sa sahig.
Napatingin lang ako sa kanila ay wala man lang tumulong at pinagtawanan pa nila ito.
Napatingin lang akong masama kay Jake habang si Jake ay nakatingin lang siya sa lalaki ay parang hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya.
Sabagay sana'y naman ako kay Jake bata pa lang kami bully na siya.
Hindi ako nakatiis ay nilapitan ko ang lalaki at tinulungan ko siya tumayo.
Mukhang napa-sama pagbagsak nito ay hindi makalakad ang lalaki.
Hinalalayan ko siya papunta sa clinic.
Nang makarating na kami ay pinaupo ko siya habang hinihintay ang nurse nagagamot sa kan'ya.
Nangalay bigla ang kamay ko, pero hindi ko pinaramdam sa lalaki na masakit ang kamay ko. Napatingin ako sa kan'ya seryoso.
Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinayaan niya ibully siya? Duwag ba siya? Ka lalaking niya tao? Sabagay mahirap kalaban si Jake ay lalo't na kilala at may-ari ng school pinapasukan nila.
"Ok ka lang?" sabi ko sa kan'ya.
Tumango lang siya sa'kin. Ako naman ay napatingin na lang sa relo ko. May 5 mins na lang ay may klase na ako.
"Sige na iwan mo na ako rito. Andito naman si nurse." Napalingon ako sa likuran ko ng mapalapit na si nurse sa'min habang nakangiti ay labas lahat ngipin nito.
Napahiling na lang ako mga babae nga naman nakakita lang ng guwapo ay kinilig ang loka-loka.
Sa bagay ang guwapo naman ang lalaki kung pagmasdan mong maigi.
"Pasensiya na po, may klase pa po kasi ako. Puwede po ba ay ihabilin sa inyo kasama ko?" sabi ko sa nurse.
Habang ang nurse kinilig sa sinabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila ay nagmamadali ako pumasok.
Buti na lang ay nakasalubong ko prof. namin si Ma'am Anne.
Binati ko si Ma'am Anne, napakabait prof namin.
Siya ay ang Prof. namin sa P.E nakangiti pa si Ma'am Anne.
Napatitig tuloy ako sa mukha ni Ma'am Anne, ang lalim ng dimple nito ay may matangos na ilong, medyo may makapal na kilay.
Ito ang isang bagay na inaasam ng mga kababaihan ay iyong medyo makapal ang kilay tapos ang tangkad niya ay para siyang model na anong oras ay puwede siya panlaban sa Miss Universe sexy at maganda manamit.
Nagulat na lang ako ng tapikin ako ni Ma'am Anne.
Sa hiya ko ay bigla ako nakatalikod na sinampal ko ang mukha ko. Nakayuko ako nagpaalam kay Ma'am Anne, nauna pa akong umalis.
Palapit na ako sa assign chair ko ng mapatigil akong nagulat sa tabi ng chair ko si Jake.
Hindi ko siya kayang tingnan pakiramdam ko ay may nagawa akong mali sa kan'ya.
Nakatitig pa siya sa'kin kinabahan tuloy akong umupo.
Natakot ako baka isa akong sa mabully niya. Kahit na magkakilala kami never pa akong lumapit at makipag-tsismisan sa kan'ya.
Nang makita ko si Ma'am Anne, papasok na sa amin room ay hindi na ako nagdalawang isip umupo sa tabi niya.
Sa haba ng discussion ni Ma'am Anne, parang wala akong maintindihan hanggang sa umalis na si Ma'am Anne.
Takot at kaba ang naramdaman ko kapag katabi ko si Jake hanggang sa mga sumunod na prof. Gano'n pa rin ang naramdaman ko na kahit isa wala akong maintindihan itinuro sa'min.
Bigla akong nakaramdam ng gutom.
Nauna akong lumabas hindi ko kayang makita si Jake at ang mga grupo nito.
Lumabas ako sa campus ay may nakita kasi akong malaking puno sa labas ng Campus, napalapit ako roon ay dahil sa maganda naman siya dito na ako tumambay ay namalagi at kumain ng tanghalian araw-araw ay may dala akong baon.
Hindi ako nakikipag-kaibigan ay dahil takot ako sa nakaraan.
Magpahinga muna ako ng ilang oras nang tumunog ang phone ko nagulat ako.
Napatingin ako sa relo ko 10 minute na lang 1pm na.
Bumalik na ako sa campus nang bigla akong nagtaka ay lahat sila masama nakatingin sa'kin.
Hindi ko na lang sila pinapansin ipinagpatuloy ko paglalakad ko nang may humila sa'kin mga babae ay hindi ko kilala.
"Ang lakas naman banggahin ang mo F7," sabi ng nakared na babae nakajacket.
Ang init-init na nga nakajacket pa ito, sabi ko na lang sa isip ko.
Hindi ko na lang siya pinapansin. Walang mangyayari kung papatulan ko sila tulad noon.
Bigla akong buntong hininga.
Ihahakbang ko lang paa ko ng bigla ako sabunutan ng nakawhite.
Sa tangkad niya ay hindi ko siya kaya.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
Narinig ko ang bawat tawanan nilang lahat.
Unti-unti kong minulat mga mata ko ng makita ko sa harap ko ang F7.
Seryoso lang silang nakatingin sa'kin.
Ang tanging nagawa ko lang mapalunok habang palapit sila sa'kin, pero nagulat ako na nalampasan nila ako.
Nagmamadali akong umalis nang patalikod na sila sa'kin.
Pumasok na ako sa room ng bigla ako napatigil. Oo nga pala! Katabi ko nga pala si Jake. Ang malas naman ng araw na ito ay Iyong taong iniiwasan mo ay siyang makakatabi mo.
Kinuha ko na lang note ko exam namin sa math mahina pa naman ako rito.
Bakit kasi Civil Engineering kinuha ko? Wala kasi akong choice ito kasi gusto ng parent ko. Ako naman taga sunod sa kanila. Ayaw kong matulad sa ate ko ng minsan suwayin niya ang parent ko.
Pabalik-balik ako sa note ko, inaral ko ang bawat formula ay may humila sa note ko.
Napatingin ako sa likuran ko si Raygie nakangiti lang siya. Sa grupo nila tanging si Raygie lang ang mabait.
"Pahiram ng note mo?" sabi ni Raygie. Tumango na lang ako sa kan'ya
Wala naman akong magagawa hawak niya ang note ko.
/0/53496/coverorgin.jpg?v=20240724105443&imageMogr2/format/webp)
/0/28788/coverorgin.jpg?v=20220728085102&imageMogr2/format/webp)
/0/26263/coverorgin.jpg?v=20220422143327&imageMogr2/format/webp)
/0/26786/coverorgin.jpg?v=20220415102725&imageMogr2/format/webp)
/0/26506/coverorgin.jpg?v=20220415102701&imageMogr2/format/webp)
/0/99088/coverorgin.jpg?v=96b1a4251a181b9da753299c41fbb61f&imageMogr2/format/webp)
/0/27863/coverorgin.jpg?v=efc711b2de15abd8942f4f673874bebc&imageMogr2/format/webp)
/0/26292/coverorgin.jpg?v=20220415102702&imageMogr2/format/webp)
/0/27037/coverorgin.jpg?v=20230306115519&imageMogr2/format/webp)
/0/45065/coverorgin.jpg?v=20251216183436&imageMogr2/format/webp)
/0/26522/coverorgin.jpg?v=3da88ca6c056e0eace7f7ed9371d7a28&imageMogr2/format/webp)
/0/26489/coverorgin.jpg?v=238dad0e4b0de2a48bf39a48cb811d8f&imageMogr2/format/webp)
/0/26538/coverorgin.jpg?v=20220801153424&imageMogr2/format/webp)
/0/26633/coverorgin.jpg?v=20220423102118&imageMogr2/format/webp)
/0/27414/coverorgin.jpg?v=20220505120820&imageMogr2/format/webp)
/0/27552/coverorgin.jpg?v=20220526092215&imageMogr2/format/webp)
/0/26997/coverorgin.jpg?v=e0c983dd1550feac50ab9ab2ec906b5d&imageMogr2/format/webp)
/0/27149/coverorgin.jpg?v=20230306115515&imageMogr2/format/webp)