/0/26670/coverorgin.jpg?v=85ae602045e4a2f5e21248efd468e01f&imageMogr2/format/webp)
SIMULA
How can you be sure that you love someone?
Kapag ba nararamdaman mo ang mga paru-paru sa iyong tiyan? Kapag ba tumitibok ng mabilis ang iyong puso? Kapag ba masaya ka kapag nakikita mo siya?
O kapag kaya mo siyang bitawan sa panahong ayaw na niyang kumapit?
Sinuklay kong muli ang aking itim na buhok gamit ang aking mga daliri. Iginala ko ang paningin sa mga taong nakasuot ng magagarbong damit at muling pinasadahan ang suot kong white off shoulder dress na abot hanggang tuhod. Ayos naman siguro ang suot ko, no?
Nasa labas pa rin ako ng simbahan , hindi makapagdesisyon kung papasok na ba ako o huwag nalang. Hindi ko alam ngunit para bang ang bigat sa pakiramdam at may kung anong pumipigil sa akin.
It's been 6 years, I think?
Time....really does fly. I was starting to hope that it would pass by a little slowly. Time really does fly by regardless of whether you hold on to it or have it pass by really quickly.
Nakabalik ako sa ulirat nang makarinig ng tunog ng sasakyan at hiyawan ng mga tao. Napalingon ako roon at tama nga ang hinala ko, narito na ang ikakasal.
" Aiana! "
Sinalubong agad ako ni Leasley, ang ikakasal. Malawak ang kaniyang ngiti nang makitang naroon nga ako , na para bang mas excited pa siya sa pagdating ko kaysa sa sarili niyang kasal. Inalalayan siya ng bride's maid para hindi niya maapakan ang mahabang wedding gown.
Noong una ay ayoko talagang pumunta dito ngunit hindi niya ako tinigilan sa pangungumbinsi. Ayoko rin namang maging masama ang loob niya sa akin dahil noong kasal ko ay siya ang pinakamaagang pumunta .
Ngumiti ako nang matamis at pinasadahan siya ng tingin. She is wearing a European style wedding dress with a bouquet of flower in her hand. It suits her very well.
" Ang ganda mo, " komento ko.
Natatawa siyang umirap. " Huwag mo nga akong bolahin! "
Umiling ako at tumawa bago nagpasyang mauna na sa loob dahil magsisimula na ang kasal.
Saktong pagkaupo ko sa pinakagilid ay nag-umpisa ng maglakad ang mga officiants, ring bearer, at kung ano -ano pa. Hindi ko na binigyang pansin ang mga iyon dahil ang pinakahihintay ko ay ang ikakasal. Panghuli ay pumasok ang pinakamagandang bride.
I'll pass her that title now.
Hindi ko maiwasang mag-init ang sulok ng aking mga mata habang pinapanood siyang naglalakad sa altar.
Parang kahapon lang, magkasama kaming kumakain, natutulog, pupunta sa school at nagrereview tuwing may exam. Parang kailan lang noong sinabi niyang hindi siya mag-aasawa kahit kailan.
Napatawa ako sa aking isip. Mabilis talagang lumipas ang panahon.
Kasama na roon ang pagmamahal.
Sana lang.. sana lang ay manatili ang pagmamahal nila habang-buhay. Sana ay makayanan nilang harapin ang mga pagsubok. Sana ay hindi sila sumuko sa isa't isa. Sana lang ay hindi sila dumating sa puntong maiisipan nilang maghiwalay....katulad namin.
"We are gathered here in the presence of God, family, and friends to unite Leasley Ravea and Maximilian Gastrell in holy matrimony. " Panimula ng pari. Tahimik lang na nakikinig ang mga tao roon.
Happines and love was very visible on the bride and groom's eyes.
Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko iyon nasundan dahil todo iyak ako. Grabe, Aiana, hindi naman ikaw ang ikakasal!
Nagpalitan rin sila ng vows, rings, at pagkatapos ay muling nagsalita ang pari. Tahimik ang lahat, at seryosong nakikinig sa kaniyang sinasabi.
" Maraming nagtatanong sa akin ng "father, what is the secret of a succesful marriage?" panimula niya na siyang nakaagaw ng atensyon ko.
I smiled remembering that I was one of the woman who asked him that question. I was full of curiosity back then.
" Love. Mahalin niyo ang isa't isa nang walang katapusan. Marriage...It is not always roses and butterflies. Marriage is not a noun; it's a verb. It isn't something you get but it's something you do. It's the way you love your partner every day." Ngumiti siya habang ako ay tahimik lang na nakikinig. " A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person."
Bahagya akong napailing, tanda ng hindi pagsang-ayon. Mali ka, father. It isn't always love. Love isn't always enough to keep a marriage succesful.
Kahit paulit-ulit na piliin ko ang taong mahal ko, kung hindi niya naman ako pipiliin, anong magagawa ko? Paano kung ako lang ang lumalaban?
Sa huli, ako lang ang talo. Ako lang ang masasaktan habang umaasang pipiliin niya rin ako kahit anong mangyari.
Hindi palaging pagkapit ang sagot.
Ngunit hindi rin dapat palaging pagbitiw ang solusyon.
Nasaan ako?
Pagkatapos ng kasalan ay nagsitayuan ang mga tao upang magpicture taking at makihalubilo .Tumayo na rin ako at lumapit sa nagkukumpulang mga tao roon. Ayoko namang maging kj. This is a happy day.
" Mrs. Cameron! "
Napapikit ako sa itinawag ni father sa akin. Hanga rin ako sa kaniya dahil nakikilala niya pa ang mukha ko gayong isang beses lang kaming nagkita. Siya ang nagkasal sa amin ng asawa ko.
Napapikit ako sa hiya. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya . Hindi rin naman lingid sa kaniyang kaalaman ang nangyayari sa amin ng asawa ko.
Asawa ko. Napatawa ako sa naiisip. Asawa mo pa rin ba, Aiana?
" Hello po, father. " I awkwardly smiled at him.
Malawak ang kaniyang ngiti ngunit hindi ito maitatago sa kaniyang mata na naaawa siya sa akin.
Tumingin siya sa likod ko na para bang may hinahanap. " Hindi mo ba kasama si Caspian? " tukoy niya sa asawa ko.
Malapit sila sa isa't isa dahil pamangkin niya ang asawa ko. Isang beses lang kaming nagkita dahil umalis siya sa bansa ng ilang taon. I think, kakauwi niya lang noong nakaraang buwan.
Umiling ako. " Hindi po, father. Baka po busy.." palusot ko.
Well, totoo namang busy siya. Busy sa ibang babae.
Iwinaksi ko ang nasa isipan. Hindi dapat nito masira ang araw ko. Hanggang dito ba naman?
Malungkot siyang ngumiti sa akin at nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap. He patted my back and somehow, I found comfort. Parang gusto ko tuloy umiyak ngunit nakakahiya naman lalo na dahil hindi kami close.
" Malalagpasan niyo rin yan, hija " payo niya.
Tumango nalang ako bilang sagot, hindi nakumbinsi sa sinabi niya. Hindi na ako umaasang malalagpasan pa namin ito. Hindi na ako umaasang magiging maayos pa ang lahat dahil kahit katiting na pag-asa ay wala akong maramdaman. Alam kong kapag patuloy akong umaasa, patuloy rin akong masasaktan.
/0/27070/coverorgin.jpg?v=c23ed03df5f06d2694b50563fd1343fd&imageMogr2/format/webp)
/0/26679/coverorgin.jpg?v=20220415102713&imageMogr2/format/webp)
/0/26795/coverorgin.jpg?v=20220723145117&imageMogr2/format/webp)
/0/28899/coverorgin.jpg?v=20220617140547&imageMogr2/format/webp)
/0/27613/coverorgin.jpg?v=20220722100646&imageMogr2/format/webp)
/0/27080/coverorgin.jpg?v=0261f35f17c93d2e3266cc3a877711ce&imageMogr2/format/webp)
/0/27594/coverorgin.jpg?v=7bffb628e70745a68e9e09dc5de9d222&imageMogr2/format/webp)
/0/28897/coverorgin.jpg?v=20220809133934&imageMogr2/format/webp)
/0/32397/coverorgin.jpg?v=20220927103532&imageMogr2/format/webp)
/0/26782/coverorgin.jpg?v=69c4d34baead1a1ea6c8d44a8a0241e8&imageMogr2/format/webp)
/0/27044/coverorgin.jpg?v=78ec43be4f346e2f30145b4f5682ca17&imageMogr2/format/webp)
/0/28433/coverorgin.jpg?v=20230803092813&imageMogr2/format/webp)
/0/30449/coverorgin.jpg?v=20220720153443&imageMogr2/format/webp)
/0/42240/coverorgin.jpg?v=20250321103730&imageMogr2/format/webp)
/0/45070/coverorgin.jpg?v=20251222083112&imageMogr2/format/webp)
/0/27519/coverorgin.jpg?v=76653da77b918d746e3a7ac8b9c9f44b&imageMogr2/format/webp)
/0/27132/coverorgin.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00&imageMogr2/format/webp)
/0/45102/coverorgin.jpg?v=b38e6d610cd25f1d0748611f57facea5&imageMogr2/format/webp)
/0/32598/coverorgin.jpg?v=20230214140336&imageMogr2/format/webp)