Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
5.0
Comment(s)
106
View
7
Chapters

A high-maintained security asylum was built on one of the islands in Batanes. This asylum was funded by the government and well guarded by the elite group of a special task force by the government of the Philippines to serve as a prison cell for those high-class criminals who are tagged as the most insane and most dangerous psychopaths in the history of crime. The Asylum is called Tartarus. The stronghold that only a few powerful individuals have access to. It was built way back in the eighteenth century by the Spaniards as a symbol of their great power towards Filipinos. Jessica Franco aka Jessie is a fresh graduate of Journalism. She was dying to get the story of the century. kaya naman ng maka kita siya ng pagkakataon ay agad niya itong sinunggaban at walang sinayang na sandali. She was so dedicated to proving to them that she have the guts of a true journalist. But less she knew that this will change her life forever. Secrets will unfold, the dead from the grave will speak and history will reveal itself. Together with a newfound stranger, they will uncover the mist of the so-called strongholds of hell. "ENJOY READING EVERYONE"

Chapter 1 Prologue

"Agnes! Bilisan mo! Gisingin mo ang mga bata! I-empake mo lang ang mga mahahalagang gamit! Kailangan natin umalis ngayon din! "

Agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang nanginginig at garalgal na boses ni papa. Dumating na pala ito galing sa trabaho, ang alam ko kasi ay sa susunod na buwan pa ito uuwi dahil sa may kalayuan ang distino nito.

Agad akong bumangon at pupungas-pungas na sumilip sa naka awang na pintuan ng silid namin ni ate. " Tama, si papa nga 'yon, mukhang sinugod niya ang malakas na ulan dahil basang-basa ito." Sa isip ko.

Bababa sana ako para salubungin ito, pero natigilan ako sa sumunod nitong sinabi.

"Agnes..." Papatayin nila ako! Alam na nila na may alam ako. Kailangan na natin' umalis! " Mahigpit na hinawakan ni papa si mama sa balikat at marahang itong niyugyog.

"Ano bang nangyayari Mario? Ano bang sinasabi mo? Pwede bang huminahon ka dahil wala akong maintindihan! " Naguguluhan nitong tanong sa ka biyak.

Dali-daling hinawi pasara ni papa ang mga makakapal na kurtina ng bintana at pinatay lahat ng ilaw, maliban sa maliit na ilaw sa altar na nag bibigay ng dim na liwanag sa kabahayan na sapat lamang upang magka kitaan sila.

Dahan-dahan akong lumabas ng silid namin at tahimik na umupo sa baitang ng hagdan. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni papa dahil halos bumubulong nalang ito. mas malakas pa ang ingay ng patak ng ulan sa aming bubungan kesa sa boses niya.

Nakita kong agad na pumasok si mama sa silid nila, sa pag labas nito bit-bit na nito ang isang traveling bag.

"Igagayak ko na ang mga bata" sunod sunod na tumango si papa. Agad na rin akong tumayo sa kinauupuan kong baitang ng hagdan at sinalubong si mama.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko rito. "Bakit po tayo aalis?" Kahit madilim naaninag ko ang pamumutla ng aking ina. Marahil nagulat ito sa bigla kong pag sulpot.

Bago pa man ito makasagot ay may narinig kaming mga sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. Hindi pinatay ang mga makina nito, sa halip ay lalo nilang iningayan ang silinyador ng mga sasakyan nila at sadyang itinutok ang head light ng mga sasakyan sa bahay namin dahilan para lumiwanag sa loob. Kasunod non ay ang sunod-sunod na katok sa pinto.

Mahigpit akong niyakap ni mama. Ramdam na ramdam ko ang nangangatog nitong katawan. Sumenyas si papa na walang mag iingay. Dahan dahan kaming bumaba ni mama at lumapit kay papa. Kitang kita ko ang pag bunot ni papa ng baril na naka sukbit sa kanyang likod at marahang ikinasa iyon.

Lalong lumakas ang mga katok sa pintuan. Niyayanig nito ang buong kabahayan, para itong magigiba.

" Ma, ano pong nangyayari? Bakit po nakapatay ang mga ilaw? "

Napalingon kaming lahat sa nag salita. Si kuya Carlos pala yon. Mukhang nagising din sila ni ate Beatrice dahil sa ingay. Magkasunod silang bumaba galing kwarto.

Muli kaming sinenyasan ni papa ng huwag maingay. Tumigil na ang sunod-sunod na pagkatok, sumunod roon ay ang magagaan na yabag na pumalibot sa bahay at saglit pa'y umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril na nagmula sa labas. Mahigpit na yumakap si Ate Beatrice kay Mama. Tatlo na kaming tila mga dagang bahag ang buntot na nag sisiksikan sa isang sulok habang nakadapa. Lalong humigpit ang pag kakahawak ni papa sa kanyang baril. Parehas sila ni kuya Carlos na nakadapa sa sahig. Tahimik ngunit mabilis na gumapang si papa sa soffa namin sa sala, at mula sa ilalim nito nakita kong may kinuha itong isa pang baril na pina dausdos nito sa tiles para kay kuya.

"Isama mo ang mga bata, tumakas na kayo, dumaan kayo sa likod." Mando ni papa sa mahinang boses. Sunod- sunod na umiling si mama. Hindi na ito makapag salita. Puro hikbi lang ang maririnig mula sa kanya.

"Carlos, protektahan mo ang mama at mga kapatid mo. Kahit na anong gawin niyo huwag kayong titigil sa pag takbo!" Pabulong ngunit madiin na utos ni papa kay kuya.

Mabilis na pumasok si mama sa kwarto nila ni papa. Pag labas nito buhat na nito ang bunso naming kapatid na mag tatatlong buwan pa lamang. Tulog na tulog ito, walang ka muwang-muwang sa mga nangyayari.

Tila bumagal ang takbo ng oras ng makita kong bumuga ng dugo si mama. Hindi ko alam kung anong nangyari, napaka bilis ng mga kaganapan.

Nakikita kong bumubuka ang bibig ni papa, ngunit isang matinis na tunog lamang ang naririnig ko sa tenga ko. Ultimo, sarili kong boses, hindi ko marinig.

Humagulgol ako ng makita ko si ate Beatrice na nakabulagta sa sahig. Naliligo ito sa sarili niyang dugo, mulat na mulat ang mga mata nito at basa ng mga luha. Maging si kuya Carlos ay naka dapa at wala na ring buhay.

Hinawakan ako ni mama sa balikat. Hirap man maingat niyang ipinasa sa akin ang bunso kong kapatid.

"E-Ella, tumakas na kayo... yu-yung kapatid mo huwag mong pababayaan."

Muling kumawala ang masaganang dugo sa bibig ni mama. Unti unting nag mapa ang pulang likido sa suot nitong puting pantulog. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, hindi ko maiwasang hindi pumalahaw ng iyak.

Marahan na gumapang si Papa palapit sa amin. Hinawakan ng mga kamay niyang nanlalagkit sa dugo ang mga kamay kong nanlalamig sa takot. Nag tama ang mga mata namin na kapwa walang patid sa pag luha.

"Papa... Tu-ma-yo po ka-yo, tatakas po ta-tayo." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko at pilit siyang hinihila patayo.

"Emily... Emily..." Mahina nitong bulong.

Muling bumalik ang huwisyo ko ng marinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa harap at likod na pintuan, Mukhang pilit nilang niraransak ang mga pinto namin. Sumisiwang ang liwanag mula sa butas ng pintuan, ding-ding, at bintana namin na likha ng mga bala.

Agad binitiwan ni papa ang mga kamay ko at tumango-tango. Nangangatog man ang mga tuhod ko lakas loob akong tumayo at madaling umakyat sa kwarto namin ni ate Beatrice. Hindi ko na inabala pang isara ang pintuan ng silid namin, mas mainam na 'yon para di nila isipin na may tao sa loob.

Mula sa baba ay rinig kong sapilitang bumukas ang pintuan namin. Lalong lumakas ang kabog ng dib-bid ko ng marinig kong sunod-sunod na pumasok ang mga di kilalang armadong lalaki.

"Tatlo ang patay sir" kumpirma ng isa.

"Check every room. Halughugin niyo ang lahat ng sulok ng bahay. Take some variables, make it look like a robery. " Mando ng isa na siguro ay leader nila.

"Ano ang gagawin ko?" Pigil na pigil ako sa pag hikbi, kabog ng puso kong takot na takot ang tanging naririnig ko.

Madali kong binuksan, ang bintana ng kwarto namin. Buhat ang bunso kong kapatid, maingat akong dumaan dito at buong ingat na muling isinara ang bintana. Wala na akong ibang maisip pa na pwede naming pag taguan. Siguro naman hindi nila iisipin na may nag tatago sa bubong.

Pasasalamat ko at malakas ang buhos ng ulan. Dahil dito hindi kapansin-pansin ang mga ingay ng yabag ng pag hakbang ko sa bubungan. Sumandal ako sa pader sa labas ng silid namin ni ate Beatrice. Pigil na pigil ako sa pag hikbi habang mahigpit na yakap ang bunso kong kapatid na tahimik pa ring natutulog. Tahimik akong nag darasal na sana huwag itong magising at umiyak.

Mula sa salamin na bintana ng kwarto namin nakita kong tumatagos ang mga pulang ilaw na kung di ako nag kakamali ay mga laser. Minsan na akong nakakita non kay papa, kinakabit niya iyon sa baril niya para daw di makawala ang target.

Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang tunog ng isang cell phone. Mula ito sa loob ng silid namin ni ate Beatrice. Agad tumigil ang tunog ng sagutin ng taong nasa loob ang tawag. Ayon sa laki ng boses nito, nakaka siguro akong lalaki 'yon.

"Okay men, clear the area!" Mando nito sa mga kasamahan matapos nitong babaan ang kausap. "Grandma wants us back in camp."

Narinig ko ang mga papalayo nilang mga yabag. Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan, bago sila umalis isang malakas na putok ng baril ang muling umalingaw-ngaw sa loob ng bahay.

Kahit na anong pigil ko, hindi ko magawang pigilin ang pag palahaw ng hagulgol ko. Alam ko, ang huling putok ng baril na iyon ay para kay papa. Padausdos akong napaupo. Tila tinakasan ng lakas ang tuhod ko. Tanaw na tanaw ko sa kinaroroonan namin ang isa-isang pag alis ng mga sasakyan na may lulan sa mga taong walang awang pumatay sa pamilya ko. Umiiyak kong tinitigan ang munti kong kapatid na ngayon ay gising at umiiyak. Tila nakaramdam ng kalungkutan ang paslit. Mahigpit ko siyang niyakap, at sabay kaming humagulgol.

Gumuhit ang kidlat sa kalangitan. Lalong lumakas ang buhos ng ulan.Tulad namin, tila nag luluksa ang langit sa malagim na trahedya na naganap .

Continue Reading

You'll also like

The 5-time Rejected Gamma & the Lycan King

The 5-time Rejected Gamma & the Lycan King

Werewolf

4.9

COALESCENCE OF THE FIVE SERIES BOOK ONE: THE 5-TIME REJECTED GAMMA & THE LYCAN KING BOOK TWO: THE ROGUES WHO WENT ROGUE BOOK THREE: THE INDOMITABLE HUNTRESS & THE HARDENED DUKE *** BOOK ONE: After being rejected by 5 mates, Gamma Lucianne pleaded with the Moon Goddess to spare her from any further mate-bonds. To her dismay, she is being bonded for the sixth time. What’s worse is that her sixth-chance mate is the most powerful creature ruling over all werewolves and Lycans - the Lycan King himself. She is certain, dead certain, that a rejection would come sooner or later, though she hopes for it to be sooner. King Alexandar was ecstatic to meet his bonded mate, and couldn’t thank their Goddess enough for gifting him someone so perfect. However, he soon realizes that this gift is reluctant to accept him, and more than willing to sever their bond. He tries to connect with her but she seems so far away. He is desperate to get intimate with her but she seems reluctant to open up to him. He tries to tell her that he is willing to commit to her for the rest of his life but she doesn’t seem to believe him. He is pleading for a chance: a chance to get to know her; a chance to show her that he’s different; and a chance to love her. But when not-so-subtle crushes, jealous suitors, self-entitled Queen-wannabes, an old flame, a silent protector and a past wedding engagement threaten to jeopardize their relationship, will Lucianne and Xandar still choose to be together? Is their love strong enough to overcome everything and everyone? Or will Lucianne resort to enduring a sixth rejection from the one person she thought she could entrust her heart with?

Chapters
Read Now
Download Book