Isa lang naman ang hinahangad ko sa buhay kun'di ang makasama ang aking mga mahal sa buhay ā masayang manirahan sa payak at tahimik na lugar ā ngunit bakit mo ito kinuha sa akin? Kinuha mo ang lahat-lahat sa akin, binaboy, at pinagmukha mo akong mahina. Hindi ko alam kung tao pa ba ako o isa mo lang laruan. At ngayon, may gana kang humingi ng kapatawaran sa akin? Sa kabila ng lahat? Kaya mo bang ibalik ang lahat ng buhay na mga kinuha mo sa akin sa oras na humingi ka ng tawad? Kahit kailan, hindi ko ito matatanggap. Gagawin ko ang lahat upang ang hustisya ay mapasaakin at ipapakita ko sa buong mundo kung gaano kalakas ang babaeng iyong minamaliit.
Noong unang panahon, may isang magandang babae ang naninirahan sa kalagitnaan ng gubat. Kasama ang kan'yang kasintahan ay masaya silang nagsama at hinarap ang buhay. Ngunit ang kanilang payak na pamumuhay ay masisira nang may isang taong gusto pabagsakin ang babae.
Kilala ang babae sa kagalingan n'ya sa paggawa ng medisina, marami na ang kaniyang natulungan at napagaling kaya naman kilala siya sa buong bayan.
Kinalat ang nasabing tao ng mga masasamang paratang upang pabagsakin ang babae. Sa kasamaang palad marami ang kaniyang napaniwala.
Sa isang tahimik na araw, sinugod at kinuha ang babae ng mga taong bayan na hindi nalalaman ng lalaki at siya ay pinagbintangang mangkukulam. Pinag-isipan siya nang masama ng mga taong kaniyang tinulungan at nakasama nang matagal kumpara sa isang taong unang beses lang nila nakilala na hangad lang ay ang kasikatan at salapi.
Habang dinadakip ang babae, ang siyang pagkuha ng mga medisina ng lalaki sa tahanan ng babae upang pag-aralan, angkinin, at gamitin nang lalo s'yang sumikat.
Sa gitna ng plaza, tinali ang buong katawan ng babae sa isang nakatayong malaki at matabang kahoy. Ito'y napapaligiran ng mga punong-kahoy. Panay ang tutol ng isang kaawa-awa at inosenteng babae sa mga sakdal na binato sa kaniya. Sa kasamaang palad, ni isa ay walang nakinig sa kaniya bagkus ay isinisigaw ang mga kasinungalingan.
"Mangkukulam!"
"Sunugin siya!"
"Salot sa lipunan!"
"Patayin! Patayin!"
Mga sigaw na kaniyang narinig habang umiiyak at nagmamakaawa sa kanila. Hanggang sa may isang lalaking sumulpot at pumigil sa kanila. Nakilala ang lalaki sa pagiging nobyo ng babae kung kaya pinag-isipan siya nang masama.
"Isa siyang alagad ng mangkukulam!"
"Patayin ang katulad nila!"
"Huwag hayaan na manatili silang buhay!"
"Mga kampon ni Sitan!"
Nang dahil doon, sinaksak at pinatay nila ang kasintahan ng babae at hinayaan ang katawan sa sahig.
"Hindi! Mahal ko!" sigaw at iyak ng babae sa kan'yang nobyo. Sumigaw siya nang may pagtangis, hindi dahil sa mga masasakit na salitang natanggap niya kun'di kung paano lang patayin ng mga natulungan niya ang nag-iisa niyang kayamanan na hindi inaalam ang katotohanan.
Pagkatapos ay sinunog na nila ang babae at nagdiwang sa kanilang nakita.
Habang unti-unting nilalamon ng apoy ang katawang ng babae. Nag-iwan siya ng mga kataga, "Ang tanging hangad ko lang ay matulungan kayo, pero bakit ito ang ginanti ninyo sa akin? Ni pera o tulong wala ako hiningi sa inyo, pero bakit ang kamatayan ng minamahal ko ang ibinigay niyo sa akin? Pagbabayaran niyo ang lahat na ito. Ang lahat ng mga ginawa niyo sa akin, ang sakit at hinagpis na aking nadama ay ibibigay ko sa inyo. Sinusumpa ko na magiging impiyerno ang buhay niyo!" Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng apoy.
Ang lahat ay natahimik sa kan'yang sinigaw, ngunit nawala rin iyon nang makita nila ang sunog na katawan ng babae ay unti-unting gumalaw. May lumabas sa sunog nitong katawan na isang anino na hugis niya - matutulis na mga kuko, mabibilog na mga mata, labi; ang lahat na iyon ay kulay itim na nakapangingilabot. Lahat ng mga taong nakasaksi ay natakot sa bagong anyo ng babae.
"Ito naman ang gusto niyo, p'wes... ibibigay ko sa inyo ang lahat ng mga paratang ninyo sa akin," mariin niyang bigkas sa mga tao.
Inilahad n'ya ang kaniyang kanang kamay, sabay no'n ang biglaang paghaba ng mga kuko niya na tumurok sa mga katawan ng mga taong naroon. Bukod pa roon ay may itim na apoy siyang pinalabas sa kaliwang kamay at iyon ay hinagis sa kan'yang paligid. Ang lahat ng mga gamit at taong natamaan ng apoy ay mabilis na naging abo.
Sa gitna ng kaguluhan, nilapitan niya ang walang buhay na kasintahan at binulungan. Nag-iba ang hugis ng katawan ng lalaki at bigla itong naging malaking halimaw. Itim din ang kulay nito at may malapad at malaking katawan. Mahahaba at matutulis ang mga kamay at paa nito gano'n na rin ang mga ngipin, tila ba hindi siya naging isang tao noon.
Sa tulong niya, napagtagumpayan nilang linisin ang buong bayan kasama ang taong nag-umpisa ng gulo. Kinuha ng babae ang kaluluwa ng lalaki at iyon ay kinain. Sa loob ng babae, binigyan niya ng habang-buhay na parusa ang lalaking sumira ng lahat.
Pagkatapos masira ng magkasintahan ang bayan, bumalik sila sa dati nilang tahanan at sinara ang gubat upang manatili silang manirahan nang payapa. Habang-buhay silang nanirahan sa gitna ng gubat - malayo sa mga tao.
Simula nang ako'y maliit pa, ang kuwentong ito ay palagi ko naririnig kay mama.
Noong una, hindi ko maunawaan ang babae sa ginawa niyang pagpatay sa mga tao. Masyado ako nakatuon sa babae at sa kaniyang paghihiganti, ang paghihiganti niya ay hindi makatarungan dahil mali ang pamamaraan niya.
"Masama naman po kasi ginawa ng babae sa kuwento, bakit naman po n'ya pinatay sila? Puwede naman po na patawarin na lang sila. Hindi naman po tama na pumatay ng tao," sabi ng maliit na batang Minerva.
Tanda ko pa noon na tinawanan ako ni mama dahil sa mga reklamo ko at pinisil ang ilong ko. "Alam mo, anak, tama naman ang sinabi mo. Siguro sa ngayon, hindi mo muna maiintindihan ang dahilan ng babae sa kuwento - ang rason kung bakit niya ginawa iyon sa mga tao," tugon niya. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. "Matulog ka nang mahimbing, anak."
Nagmadali ang batang ako na kunin ang kumot na nasa tiyan ko at pinikit ang mga mata. Tinabihan ako ni mama at kami ay sabay natulog. Niyakap ko nang napakahigpit si mama sa kadahilanang palagian ko s'yang nakikitang umiiyak habang hindi kami nakatingin ng mga maliliit kong kapatid.
Hindi ko noon maunawaan ang dahilan ng kaniyang pag-iyak at pagtatago ng nararamdaman niya sa amin; hanggang sa tinipon kaming tatlo sa sala, kasama ang dalawa kong kapatid na mas maliit pa sa akin. Pitong taon gulang pa ako noon at limang taon naman ang sumunod samantala apat na taon naman ang bunso.
Sa edad na pitong taon, iniwan na kami ni papa. Namatay si papa na matabunan sila ng gumuhong yelo habang ginagawa ang misyon mula sa duke na namumuno sa amin. Doon ko na lang nalaman sa likod ng pag-iyak ni mama. Nalaman ko rin na ang matapobreng duke na namumuno sa amin ay hindi man lamang binigyan ng kaunting tulong ang mga taong kumuha ng kan'yang misyon at inangkin ang tagumpay ng totoong gumawa. Nagsakripisyo sila at marami ang namatay, subalit ni isang tulong ay hindi niya maibigay, inangkin pa niya ito. Lalong tumaas ang kaniyang katungkulan dahil ginawaran ng pangaral ng hari ang duke. Simula noon, wala na akong tiwala sa mga may matataas na posisyon sa lipunan dahil gagamitin ka lang nila para sa pangsarili nilang kagustuhan.
Tahimik naming dinaos ang lamay ng mga taong nagbuwis ng buhay upang akyatin ang nagyeyelong bundok at patayin ang halimaw na namamalagi roon. Kita ko sa aking paligid ang mga panaghoy ng mga naiwang pamilya ng mga taong nakahimlay at ang mga sugatan na kasamahan nila.
Wala ni isa sa tauhan ng duke ang dumalo sa lamay upang kahit papaano ay mabigyan ng respeto ang mga taong namatay.
Galit na galit ako sa kan'ya na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa akin. Habang ako ay lumalaki kasama ang mga maliliit kong kapatid na walang ama, siya ay nagpapakasasa sa kayamanang kaniyang ninakaw at pinagyayabang ang mga nagawa(?) niya para sa hari.
Alam ng mga tao kung sino ba talaga ang gumawa ngunit paano naman namin iyon sasabihin, kahit sa hari, ang katotohanan dahil isang hamak na mahirap lamang kami na naninirahan sa maliit na bayan. Tanging pagsasaka lamang ang pangunahing hanap-buhay ng nakararami, binebenta nila sa karatig na bayan na libo-libong milya pa ang layo sa amin. Kaya ang ilan ay nangangaso o kumukuha ng mga misyon sa mga mayayaman gaya ng trabaho ni tatay noon upang may mapangtustos sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa edad na 14, kasama sina Kitara - ang sumunod sa akin - at Liam ay tulong-tulong kaming magkakapatid upang harapin ang pang-araw-araw naming buhay.
Sa aming munting bayan, kilala ako sa kakaiba kong hitsura. Ako lang ang natatanging may gintong buhok at asul na mga mata. Maraming nagsasabi na isa raw akong diyosa na bumaba sa kaulapan ngunit agad ko naman itong tinatanggi.
Kung isa man akong diyosa, hindi ko sana hinayaan na mawala sa amin si papa - napigilan ko sana s'ya huwag tanggapin ang misyon o 'di kaya nasa malalambot kaming ulap na masaya at tahimik na naninirahan. Tinanong ko si mama tungkol sa kakaiba kong hitsura ngunit miski siya ay hindi niya alam ang rason.
"Hmm... Siguro, marahil, isa kang biyaya ng diyos sa amin," sagot ni mama sa akin na may ngiti sa labi. "Alam mo kasi noon, ilang taon na kami nagsasama ng papa mo pero kahit anong gawin namin ay hindi pa kami nabibiyayaan ng anak. Ilang beses na kaming humiling kay Bathala ganoon din ang diyosa ng pag-ibig, paglilihi, at pagsilang, kay Mapolan. Lahat ng ritwal ay ginawa na namin upang madinig kami ng mga diyos. At sa isang mapagpalang araw, nagbunga ang aming pagsisikap.
"Sobrang galak nga ang nadama namin no'ng pinanganak ka, akala ko nga nanganak ako ng isang diyosa sa sobrang ganda mo, anak." At saka siya tumawa nang mahinhin at pinagpatuloy ang pagtatahi ng damit. "Mas lalo kami pinagpala nang madagdagan pa kami ng mga supling na may malulusog na pangangatawan - ang mga kapatid mo. Tunay ngang mahal tayo ng diyos pero hindi ko naman aakalain na may kapalit ang lahat na ito."
Napansin ko na lamang na huminto si mama at may isang luhang pumatak sa kaniyang mata. Agad ko s'yang nilapitan at niyakap.
"Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin pinagsisisihan na dumating kayo sa aming buhay." Pagkasabi niya ay hinarap niya ako at hinawakan ang mga braso ko. "Pakiusap lang, anak, alam ko na may kinikimkim kang poot sa ating duke pero, pakiusap lang, huwag mo sana kainin ka ng poot na iyan at makagawa nang masama."
Nanatili lang ako tahimik dahil mahirap gawin ang pakiusap ni mama sa akin. Tumango lamang ako bilang pagsagot at sabay niya akong niyakap. Kahit hindi sinasabi, nananatili pa rin ang galit ko sa kan'ya. Mawawala lamang ito kung mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Hindi ko lang matukoy kung paano lalo na't mas makapangyarihan siya kumpara sa amin.
Chapter 1 KABANATA I: POOT
30/03/2022
Chapter 2 KABANATA II: GALAW
30/03/2022
Chapter 3 KABANATA III: SIGAW
30/03/2022
Chapter 4 KABANATA IV: BUHAY
30/03/2022
Chapter 5 KABANATA V: TANGGI
30/03/2022
Chapter 6 KABANATA VI: NANAY
30/03/2022
Chapter 7 KABANATA VII: LIBING
30/03/2022
Chapter 8 KABANATA VIII: PAMILYA
30/03/2022
Chapter 9 KABANATA IX: KARWAHE
30/03/2022
Chapter 10 KABANATA X: SAKOP
30/03/2022
Chapter 11 KABANATA XI: BANTA
01/04/2022
Chapter 12 KABANATA XII: IMAHE
02/04/2022
Chapter 13 KABANATA XIII: DALISAY
03/04/2022
Chapter 14 KABANATA XIV: SIGBIN
03/04/2022
Chapter 15 KABANATA XV: DINIG
03/04/2022
Chapter 16 KABANATA XVI: ILOG
03/04/2022
Chapter 17 KABANATA XVII: MASID
03/04/2022
Chapter 18 KABANATA XVIII: LETRA
07/04/2022
Chapter 19 KABANATA XIX: GRANDORYA
07/04/2022
Chapter 20 KABANATA XX: REYNA
12/04/2022
Chapter 21 KABANATA XXI: PALASYO
12/04/2022
Chapter 22 KABANATA XXII: HARDIN
12/04/2022
Chapter 23 KABANATA XXIII: PAG-AMIN
16/04/2022
Chapter 24 KABANATA XXIV: GINOO
11/05/2022
Chapter 25 KABANATA XXV: MAPANIBUGHO
13/06/2022
Chapter 26 KABANATA XVI: SALAMANGKERO
03/07/2022
Chapter 27 KABANATA XXVII: SABAY
06/07/2022
Chapter 28 KABANATA XXVIII: PULA
15/08/2022
Chapter 29 KABANATA XXIX: PAGPAYAG
05/09/2022
Chapter 30 KABANATA XXX: KATAPATAN
06/10/2022
Chapter 31 KABANATA XXXI: DAMIT
16/10/2022
Chapter 32 KABANATA XXXII: PIYESTA
26/10/2022
Chapter 33 KABANATA XXXIII: PANAUHIN
04/11/2022