Love Unbreakable
Comeback Of The Adored Heiress
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
Moonlit Desires: The CEO's Daring Proposal
Bound By Love: Marrying My Disabled Husband
Who Dares Claim The Heart Of My Wonderful Queen?
Return, My Love: Wooing the Neglected Ex-Wife
Best Friend Divorced Me When I Carried His Baby
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
Married To An Exquisite Queen: My Ex-wife's Spectacular Comeback
Noong unang panahon, may isang magandang babae ang naninirahan sa kalagitnaan ng gubat. Kasama ang kan'yang kasintahan ay masaya silang nagsama at hinarap ang buhay. Ngunit ang kanilang payak na pamumuhay ay masisira nang may isang taong gusto pabagsakin ang babae.
Kilala ang babae sa kagalingan n'ya sa paggawa ng medisina, marami na ang kaniyang natulungan at napagaling kaya naman kilala siya sa buong bayan.
Kinalat ang nasabing tao ng mga masasamang paratang upang pabagsakin ang babae. Sa kasamaang palad marami ang kaniyang napaniwala.
Sa isang tahimik na araw, sinugod at kinuha ang babae ng mga taong bayan na hindi nalalaman ng lalaki at siya ay pinagbintangang mangkukulam. Pinag-isipan siya nang masama ng mga taong kaniyang tinulungan at nakasama nang matagal kumpara sa isang taong unang beses lang nila nakilala na hangad lang ay ang kasikatan at salapi.
Habang dinadakip ang babae, ang siyang pagkuha ng mga medisina ng lalaki sa tahanan ng babae upang pag-aralan, angkinin, at gamitin nang lalo s'yang sumikat.
Sa gitna ng plaza, tinali ang buong katawan ng babae sa isang nakatayong malaki at matabang kahoy. Ito'y napapaligiran ng mga punong-kahoy. Panay ang tutol ng isang kaawa-awa at inosenteng babae sa mga sakdal na binato sa kaniya. Sa kasamaang palad, ni isa ay walang nakinig sa kaniya bagkus ay isinisigaw ang mga kasinungalingan.
"Mangkukulam!"
"Sunugin siya!"
"Salot sa lipunan!"
"Patayin! Patayin!"
Mga sigaw na kaniyang narinig habang umiiyak at nagmamakaawa sa kanila. Hanggang sa may isang lalaking sumulpot at pumigil sa kanila. Nakilala ang lalaki sa pagiging nobyo ng babae kung kaya pinag-isipan siya nang masama.
"Isa siyang alagad ng mangkukulam!"
"Patayin ang katulad nila!"
"Huwag hayaan na manatili silang buhay!"
"Mga kampon ni Sitan!"
Nang dahil doon, sinaksak at pinatay nila ang kasintahan ng babae at hinayaan ang katawan sa sahig.
"Hindi! Mahal ko!" sigaw at iyak ng babae sa kan'yang nobyo. Sumigaw siya nang may pagtangis, hindi dahil sa mga masasakit na salitang natanggap niya kun'di kung paano lang patayin ng mga natulungan niya ang nag-iisa niyang kayamanan na hindi inaalam ang katotohanan.
Pagkatapos ay sinunog na nila ang babae at nagdiwang sa kanilang nakita.
Habang unti-unting nilalamon ng apoy ang katawang ng babae. Nag-iwan siya ng mga kataga, "Ang tanging hangad ko lang ay matulungan kayo, pero bakit ito ang ginanti ninyo sa akin? Ni pera o tulong wala ako hiningi sa inyo, pero bakit ang kamatayan ng minamahal ko ang ibinigay niyo sa akin? Pagbabayaran niyo ang lahat na ito. Ang lahat ng mga ginawa niyo sa akin, ang sakit at hinagpis na aking nadama ay ibibigay ko sa inyo. Sinusumpa ko na magiging impiyerno ang buhay niyo!" Hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng apoy.
Ang lahat ay natahimik sa kan'yang sinigaw, ngunit nawala rin iyon nang makita nila ang sunog na katawan ng babae ay unti-unting gumalaw. May lumabas sa sunog nitong katawan na isang anino na hugis niya — matutulis na mga kuko, mabibilog na mga mata, labi; ang lahat na iyon ay kulay itim na nakapangingilabot. Lahat ng mga taong nakasaksi ay natakot sa bagong anyo ng babae.
"Ito naman ang gusto niyo, p'wes… ibibigay ko sa inyo ang lahat ng mga paratang ninyo sa akin," mariin niyang bigkas sa mga tao.
Inilahad n'ya ang kaniyang kanang kamay, sabay no'n ang biglaang paghaba ng mga kuko niya na tumurok sa mga katawan ng mga taong naroon. Bukod pa roon ay may itim na apoy siyang pinalabas sa kaliwang kamay at iyon ay hinagis sa kan'yang paligid. Ang lahat ng mga gamit at taong natamaan ng apoy ay mabilis na naging abo.