No Prince Charming

No Prince Charming

Sofia

5.0
Komento(s)
476
Tingnan
43
Mga Kabanata

For Nadia, her job is her world. Dito niya napapatunayan na kaya niyang mabuhay nang walang lalaki at hindi siya damsel in distress. She definitely doesn't need a Prince Charming. Nabulabog ang organisado niyang mundo nang kailangan niyang maging instructor para sa susunod na tagapagmana ng Deogracias Furniture – si Jameson Deogracias. Narito na ang lahat ng katangian ng lalaking iniiwasan niya. Immature ito, iresponsable at parang hindi seseryosohin ang negosyo ng pamilya nito. At higit sa lahat, wala itong ginawa kundi ang akitin siya. At kung pwede man itong pumasa bilang Prince Charming sa nag-uumapaw na charm nito, di niya ito gugustuhin kahit bayaran siya ng ilang milyon. Pero wala siyang choice kundi ang pakisamahan siya Jameson. Dito nakasalalay ang promotion niya. Pero anong gagawin niya kung itinodo na nito to the nth power ang pang-aakit sa kanya? Matatanggihan ba niya si Jameson kahit alam niyang iiwan din siya nito sa huli?

Chapter 1 NPC: 1

Maya't mayang sinusulyapan ni Nadia ang white gold niyang wristwatch. Dalawang oras nang delayed ang flight na hinihintay niya mula sa San Francisco. Marami nang oras ang nasasayang sa kanya. She was bored to death. Maraming mas importanteng kailangang gawin kaysa ang tumunganga sa airport.

Kumakalam na ang sikmura niya. Mula sa meeting kanina bago mag-lunch ay tumuloy na siya sa airport. She didn't bother with lunch. Traffic papunta sa airport at ayaw niyang magkasalisi sila ng susunduin niya. Mahigpit ang bilin sa kanya na hindi siya dapat masalisihin ng susunduin niya.

"Sana pala nag-drive thru muna ako sa Jollibee at nag-take out ng cheeseburger meal. Mababaliw na ako sa gutom. Ang tagal naman lumabas ng departure no'n," sabi niya at tiningnan ang relo. Magtatatlong oras na siya sa arrival area. Kanina pa dumating ang eroplano pero wala pa rin ang lalaki.

Nag-ring ang cellphone niya. Dali-dali niyang sinagot iyon nang makita na ang boss niyang si Felipe ang tumatawag. "Hello, Sir!"

"Nadia, kasama mo na ba ang anak ko?"

Ito ang presidente at CEO ng Deogracias Furniture, isang malaking kompanya na nagma-manufacture ng mga office and home furniture. Executive assistant siya ng lalaki. She was only twenty-four years old but so much is expected from her. Sa naturang kompanya siya nag-parttime job at kalaunan ay ginawang scholar. Kaya todo-todo ang dedikasyon niya sa kompanya. Kasama na doon ang overtime na walang bayad minsan, di nakakakain sa oras at ngayon naman ay kailangan niyang maghintay sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport para sunduin ang nag-iisang anak nito na si Jameson.

"Not yet, Sir. Dalawang oras na pong delayed ang flight niya. Kalalapag pa lang po ng eroplano. I just have to wait for him."

Narinig niya ang malalim nitong paghinga sa kabilang linya. Nasa America ito at nagpapahinga. Natuklasan na may problema ito sa puso. Kailangan nitong umalis muna ng Pilipinas para takasan ang malaking kompanya nito. At ginagawa niya ang lahat para lang matulungan ito.

"You might find a hard time dealing with my son. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng kapatid ko, hindi uuwi si Jameson diyan at di niya ikokonsidera na hawakan ang kompanya. He is stubborn."

"I survived men who are usually hard to deal with," she answered confidently.

Humalakhak ito. "Ako ba ang tinutukoy mo? I am different. Mahal na mahal ko lang ang trabaho ko, hija. Jameson is in a different league."

Jameson Deogracias, the only son of Don Felipe Deogracias. He was twenty-seven years old, handsome and the happy-go-lucky type. He had a degree in Business Management but he preferred being a bum. YOLO daw ang motto nito sa buhay at kung saan-saang parte ng mundo nagpupunta para maghanap ng thrill.

Naalala niya ang pictures ng lalaki sa social media account nito kung saan may kasama itong babae sa isang beach party pero nakatitig ang mga mata nito sa camera. Sa nang-aakit pa lang nitong ngiti at sa pilyong kislap sa mga mata nito, wala sa itsura nito ang magseseryoso sa buhay. Laro lang ang lahat dito. Hindi ito ang magiging achiever balang-araw. He was just mediocre. Malayong-malayo sa ama nito na sa edad na tatlumpu't dalawa ay naitayo na ang Deogracias Furniture.

"I will make sure that he will take the company seriously," Nadia assured her boss. Umaasa si Don Felipe na baka dahil di nalalayo ang edad niya kay Jameson ay magkakasundo sila at mas pakikinggan siya nito.

"That's why I trust you, hija. Ang mga katulad mo ang dapat na tularan ng anak ko. Matapos ang lahat ng pinagdaanan mo para umangat, sigurado ako na mai-inspire sa iyo ang anak ko. Na ang buhay di pwedeng puro pasarap lang."

Galing siya sa broken family. Isang martir na elementary school teacher ang nanay niya at ang tatay naman niya ay sumama sa ibang mas mayamang babae noong sampung taong gulang siya. Mag-isa siyang itinaguyod ng nanay niya. At dahil doon, maaga siyang natutong lumaban sa buhay.

Habang nag-aaral ay nag-part-time job din siya sa Deogracias Furniture. Noong una ay sales assistant lang siya. Napansin ni Don Felipe ang potential niya. Kinuha siyang scholar. Mula sa tindahan, inilipat siya nito sa opisina.

Sa kabila ng batang edad, mabilis niyang natutunan ang pasikot-sikot sa kompanya. Siya din ang hinihingan ni Don Felipe ng opinion sa mga importanteng desisyon nito sa negosyo. Magaling daw kasi ang utak niya mula sa marketing strategy hanggang sa pagresolba sa mga problema sa field. Kaya naman habang nasa bakasyon ito, sa kanya nito iniwan ang pag-a-assist sa anak nito. Siya ang personal assistant ni Jameson.

Maya maya lang ay namataan na niya ang isang matangkad na lalaki na may malaking backpack. Matangkad ito. Bahagyang moreno ang balat at mukhang komportable sa bawat galaw nito. Nakasuot ito ng shades kaya maangas ang dating. At kahit na may kasabay pa itong foreigner, ito pa rin ang nangibabaw. Nakasuot ito ng white sando na nagpapakita ng lean biceps nito at pantalon na gula-gulanit. Mukha itong survivor ng isang trahedya.

Nilingon nito ang dalawang flight stewardess sa gilid nito. Naghagikgikan ang dalawa. Kilig na kilig. "Jameson, wait!" habol ng isa pang stewardess dito nang malapit na si Jameson sa kanya. Iniwan pa nito ang bagahe para lang mahabol si Jameson.

Tumigil sa paglalakad si Jameson at nilingon ang babae. "Yes, Kaitie?"

Kinagat ng babae ang labi at pinapungay ang mata. "Here is my hotel number." Inilagay nito ang card sa bulsa ng pantalong maong na punit-punit ni Jameson.

Napanganga siya nang kabigin ng babae ang ulo ni Jameson at bigyan nito ng mainit na halik. Naningkit ang mata niya. Ni hindi na nahiya ang mga ito na gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao.

"Uh, thanks!" nausal na lang ni Jameson. Ngumiti ito. Ni hindi man lang ito nailang o naeskandalo na bigla na lang itong hinalikan sa publiko.

Nanghaba ang nguso ng babae at kumindat. "Call me. I will wait for you and I will definitely show you how to have fun."

Nang umalis ang babae ay saka niya ito nilapitan ang lalaki. "Mr. Jameson Deogracias?"

Awtomatiko itong ngumiti. "Oh, hi!"

"I am Nadia Realondo. Don Felipe sent me to fetch you."

Malagkit ang tingin nito nang tingnan siya mula ulo hanggang paa. She was wearing a black matte jersey coat and an A-Line skirt. It was her usual office attire. "Nandito ka para sunduin ako? Bodyguard ba kita? Driver?"

"No!" Taas-noo niya itong tiningnan. "I am an executive assistant for Deogracias Furniture, Sir. I will assist you during your training. Kung anuman ang kailangan mong matutunan tungkol sa kompanya, pati mga schedule ninyo ay ako ang magdedesisyon." Inilahad niya ang palad. "I hope we will have a good working relationship, Sir."

Ginagap nito ang kamay niya. It was supposed to be a formal handshake. Subalit di nito pinakawalan ang kamay niya at malagkit pa rin siyang tinitigan.

"So my father's most trusted man is actually a woman. Oh, now I believe that he really loves me. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang sorpresa niya sa akin, hindi na sana niya ako pinilit na pumunta dito." Pinisil nito ang baba niya at bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. "It is a pleasure to meet you."

Pinigil niyang mapapikit nang mariin. Parang may ibang connotation ang salitang pleasure para dito. He was flirting with her. Ni wala pa silang limang minutong magkakilala.

Binawi niya ang kamay mula dito. "Let me make this clear. I won't be your companion or date of sort. And I definitely won't be your lover. Kaya huwag ka sanang magkakamaling mag-take advantage sa akin. Hindi ako mangingiming baliin ang leeg mo," aniya at ngumiti nang matamis.

Ibinulsa nito ang kamay. "Whew! I'm scared! Ganyan ka ba talaga ka-straight forward sa lahat ng kilala mo?"

"Yes. Para magkasundo tayong dalawa, mas maganda siguro kung magiging totoo ako sa bawat sasabihin ko. And I expect the same from you, Sir." Kailangan niyang ipakita dito na bagamat ito ang anak ng may-ari ng kompanya, siya pa rin ang boss nito. Hindi siya magpapa-intimidate dito. Kahit pa sexual intimidation.

"Mukhang hindi rin ako mahal ni Papa," mahina nitong usal.

Magpatuloy sa Pagbasa

Iba pang mga aklat ni Sofia

Higit pa

Magugustuhan mo rin

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Nakatadhanang Pag-ibig sa Pagbabagong Identidad ng CEO

Fifine Schwan
5.0

Upang matupad ang huling hiling ng kanyang lolo, pinasok ni Stella ang isang madaliang kasal sa isang ordinaryong lalaki na hindi pa niya nakikilala. Gayunpaman, kahit na pagkatapos na maging mag-asawa sa papel, ang bawat isa ay humantong sa magkahiwalay na buhay, halos hindi nagkrus ang landas. Makalipas ang isang taon, bumalik si Stella sa Seamarsh Lunsod, umaasa na sa wakas ay makilala niya ang kanyang misteryosong asawa. Sa kanyang pagkamangha, pinadalhan siya nito ng isang text message, sa hindi inaasahang pagkakataon na nagsusumamo para sa isang diborsyo nang hindi pa siya nakikilala nang personal. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin, sumagot si Stella, "So be it. hiwalayan na natin!" Kasunod nito, gumawa ng matapang na hakbang si Stella at sumali sa Prosperity Group, kung saan siya ay naging public relations officer na direktang nagtrabaho para sa CEO ng kumpanya, si Matthew. Ang guwapo at misteryosong CEO ay nakatali na sa matrimonya, at kilala na hindi matitinag na tapat sa kanyang asawa nang pribado. Lingid sa kaalaman ni Stella, ang kanyang misteryosong asawa ay ang kanyang amo, sa kanyang kahaliling pagkakakilanlan! Determinado na mag-focus sa kanyang career, sadyang iniwasan ni Stella ang CEO, bagama't hindi niya maiwasang mapansin ang sadyang pagtatangka nitong mapalapit sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang loob ng mailap niyang asawa. Bigla siyang tumanggi na ituloy ang diborsyo. Kailan mabubunyag ang kanyang kahaliling pagkakakilanlan? Sa gitna ng magulong paghahalo ng panlilinlang at malalim na pag-ibig, anong tadhana ang naghihintay sa kanila?

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Muling pag-iibigan kasama ang ama ng triplets

Alfons Breen
4.9

Dalawang taon pagkatapos ng kanyang kasal, si Ximena ay nawalan ng malay sa isang pool ng kanyang sariling dugo sa isang mahirap na panganganak. Nakalimutan niyang ikakasal nga pala sa iba ang dating asawa noong araw na iyon. "Maghiwalay na tayo, ngunit ang sanggol ay nananatili sa akin." Ang kanyang mga salita bago natapos ang kanilang diborsyo ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isip. Wala siya roon para sa kanya, ngunit gusto niya ng buong kustodiya ng kanilang anak. Mas gugustuhin pa ni Ximena na mamatay kaysa makitang tawagin ng kanyang anak ang ibang ina. Dahil dito, isinuko niya ang multo sa operating table na may dalawang sanggol na naiwan sa kanyang tiyan. Ngunit hindi iyon ang wakas para sa kanya... Pagkalipas ng mga taon, naging dahilan ng muling pagkikita ng tadhana. Si Ramon ay isang nagbagong tao sa pagkakataong ito. Gusto niyang itago siya sa sarili niya kahit na siya ay ina na ng dalawang anak. Nang malaman niya ang tungkol sa kasal niya, sumugod siya sa venue at gumawa ng eksena. "Ramon,Namatay ako minsan, kaya wala akong pakialam na mamatay ulit. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong sabay tayong mamatay," siya sumigaw, nanlilisik ang tingin sa kanya na may nasasaktan sa kanyang mga mata.//Naisip ni Ximena na hindi siya nito mahal at masaya na sa wakas ay wala na ito sa buhay niya. Ngunit ang hindi niya alam ay nadurog ang puso niya sa hindi inaasahang pagkamatay niya. Matagal siyang umiyak mag-isa dahil sa sakit at hapdi. Palagi niyang hinihiling na mabawi niya ang mga kamay ng oras o makita muli ang magandang mukha nito. Sobra para kay Ximena ang drama na dumating mamaya. Ang kanyang buhay ay napuno ng mga twists at turns. Hindi nagtagal, napupunta siya sa pagitan ng pakikipagbalikan sa kanyang dating asawa o pag-move on sa kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya?

Mga Kabanata
Basahin Ngayon
I-download ang Aklat