Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Conquering the Pirate Lord

Conquering the Pirate Lord

Sofia

5.0
Comment(s)
950
View
46
Chapters

Simple lang ang plano ni Jeremie sa pagsama sa cruise. Ang mag-relax bago siya bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga responsibilidad niya sa pamilya niya. Hanggang mapanalunan niya sa isang game ang isang date kasama si Lucian Montecillo, who was also known as the Pirate Lord. He owned Asia's most promising cruise ship. Guwapo sana ito pero suplado at parang may allergy sa mga babae. Ayaw nito sa kanya and the feeling was mutual. Iginigiit nito na kagaya siya ng ibang babae na naghahabol dito na gusto itong akitin at siluin sa kasal. Sa gitna ng paglilitanya nito, she walked out on him. Hindi niya matatagalan ang kaarogantehan nito. "Hey, wait!" Nagulat siya nang humarang sa harapan niya si Lucian. "Yes?" "I am still your prize." Hinapit nito ang baywang niya. Magkadikit na ang katawan nila at gayundin ang mga mukha nila. "Be my date."

Chapter 1 CPL: 1

"Pasensiya na po, Ma'am Jeremie. Hanggang ngayon hindi pa rin po bumabalik si Ma'am Abbie mula sa bakasyon nila."

Humawak siya sa railing ng verandah ng suite ng kuwartong inookupa niya sa cruise ship at anumang oras ay aalis na sila sa international port ng Hong Kong para ikutin ang iba't ibang mga bansa sa Southeast Asia. Pero wala pa rin doon ang isipan niya dahil inaalala pa rin niya ang nakababatang kapatid na si Abbie na nasa Pilipinas.

"Kailan ba ang balik nila ni Monty?" tanong niya.

"Hindi po sinabi, Ma'am. Mukha nga pong nag-enjoy sila doon sa Bukidnon. Sariwa po kasi ang hangin doon."

Parang ayaw niyang maniwala na mae-enjoy ng half-brother niyang si Monty o ng asawa nito na si Dara ang pagbabakasyon sa probinsiya. They were city slickers. Hindi mabubuhay ang mga ito nang di nakakalanghap ng polluted na hangin. At di rin niya alam kung bakit isinama ng mga ito si Abbie. Her sister was just thirteen. Di nito kasundo ang half-bother niya at ang asawa nito. Kaya nag-aalala siya kung bakit isinama pa ng mga ito si Abbie. Masisira ang pag-e-enjoy ng mga ito kung may karay-karay na bata. Isipin pa ng mga ito na pabigat si Abbie.

"Okay lang ba si Abbie? Wala ba siyang sakit?" paniniyak niya.

Nang huli silang magkita ni Abbie nang graduation niya sa Michigan ay namumutla ito at parang laging sumasakit ang ulo. Ang sabi nito ay baka dahil lang sa period nito dahil nagdadalaga na ito. Pero iba ang hinala niya. Di niya maiiwasang mag-alala dahil malapit silang magkapatid sa isa't isa at malayo pa siya dito. Nakiusap siya kay Monty na ipa-check up ito pero ang sabi ay wala naman daw sakit si Abbie.

Oras na umuwi siya ng PIlipinas ay ipapa-check up agad niya si Abbie. Kundi lang marami pa siyang inayos na papeles bago siya nakauwi ng Pilipinas ay marami ay naharap na sana agad niya ang kapatid niya.

"W-Wala po, Ma'am," tanggi ng katulong.

Huminga siya nang marahan. "Sige. Basta kapag dumating na sila, tawagan or i-text mo lang ako." At iniwan niya ang roaming number niya dito. "Huwag mong kalimutan o wala kang pasalubong sa akin."

"Opo, Ma'am."

"At kung anuman ang mangyari diyan, ipaalam mo sa akin."

Mahabang sandali niyang tinitigan ang malawak na dagat. Gustong-gusto na niyang makita ang nakababatang kapatid. Malapit siya dito kahit nine years ang gap nilang dalawa. Pangarap nitong maging ballerina. Subalit nang mamatay ang Mama niya noong edad katorse siya ay ipinadala siya sa boarding school. Kaya sinusulit niya ang bawat bakasyon para makasama niya ito. masama ang loob niya sa Papa niya dahil sa malayo siya pinag-aral samantalang kailangan siya ni Abbie. Ihinahanda siya nito sa pagtulong sa pamamalakad ng Essence Textile.

Nilabanan niya ang pangungulila dahil alam niyang para sa pamilya din nila ang ginagawa niya. Mas mabilis siyang makakatapos ng pag-aaral at mas mabilis niyang makakasama si Abbie.

Tiniis din niyang tumigil sa pag-aaral kahit nang mamatay ang Papa nila nang nakaraang taon. Isang taon na lang naman at ga-graduate na siya. At ngayong graduate na siya, iikot na sa Pilipinas ang buong buhay niya. Di na siya malalayo pa sa kapatid niya. Kailangan lang niyang tapusin ang cruise na iyon.

Pagpasok niya ng kuwarto ay nagulantang siya nang makita kung gaano kagulo ang paligid. Naghambalang ang mga damit kung saan-saan ay nag-aagawan sa isang pirasong nightgown ang kambal na sina Kae at Katie.

"Sa akin 'to! Ito ang isusuot ko sa welcome party!" wika ni Kae.

"Ako ang magsusuot nito. Di na ito kasya sa iyo dahil tumaba ka na," kontra naman ni Katie.

"Ikaw ang tumaba. Di dahil kambal tayo, pakiramdam mo babagayan ka na ng damit na 'to. Akin 'to! Akin!"

"Bitiwan nga ninyo iyan!" saway niya sa dalawa. "Damit lang pinag-aawayan pa ninyo. Parang mga bata! Madami naman kayong damit." Isa-isa niyang dinampot ang damit na nalaglag sa sahig. "Umayos nga kayo."

Kaklase niya ang mga ito sa boarding school. Ipinatapon doon ng amang Congressman para daw maturuan ng grace, poise at tamang asal. Ilang beses nang naparusahan ang mga kambal noong nasa boarding school dahil sa pakikipag-away. Subalit kahit ayaw sa mga ito ng ilang kaklase niya ay nakasundo niya ang mga ito. They were a breathe of fresh air. Kaya kahit na maka-graduate sila sa boarding school at nagpatuloy ng pag-aaral sa magkakaibang unibersidad ay di nawala ang komunikasyon niya sa mga ito. And she treasured them as her friends no matter how insane they are.

Noong isang buwan na ang nakakaraan nang i-set ng mga ito ang cruise na iyon. Ayaw sana niya dahil gusto niyang sa Pilipinas na dumirekta para masimulan na ang pagtatrabaho sa kompanya. Di lang siya makatanggi dahil ang mga ito na ang nagbayad para sa kanya. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang magandang gesture ng mga kaibigan na gusto lang siyang makasama.

"Sino ang mas bagay sa amin na magsuot nito?" tanong ni Kae habang pareho pa ring di pinapakawalan ang damit.

"Wala! Walang pagbabagayan niyan. Pag di kayo titigil, di na ako sasama dito. Tutuloy na ako ng Pilipinas," banta niya.

Sabay na binitiwan ng mga ito ang damit at saka pinag-aayos ang kalat ng mga ito. "Aayos na po," sabi ni Kate. "Ano bang problema mo at parang nasa kabilang dagat ang isip mo?"

"Hindi ko pa rin ma-contact si Monty. Hindi daw alam sa bahay kung kailan siya babalik. Gusto ko lang naman makausap si Abbie."

"Masyado kang maraming iniisip," sabi ni Kae. "Kuya mo na mismo ang nagsabi na magbakasyon ka muna at mag-relax. Hayaan mong gawin din iyon ni Abbie. So let's enjoy and have fun. Meet the boys."

"Boys," usal niya kasabay ng buntong-hininga. Wala sa plano niya na manlalaki sa trip na iyon. Relax maybe but boys were not part of her plans.

"Oo kailangan mo ng spice sa boring mong buhay. Ni minsan hindi ka pa nagka-crush man lang. Wala ka nang inisip kundi ang kompanya ninyo. I am sure hindi mo pinangarap na pakasalan ang kompanya ninyo," sermon ni Kate.

Iwinaksi niya ang kamay. "Naku! Sige na mamili lang kayo ng damit diyan. Huwag na ninyo akong intindihin."

Nagkatinginan ang dalawa at ngumisi. "Mukhang alam na namin kung kanino babagay ang dress na pinag-aawayan namin kanina," sabi ni Kae at sa kanya natuon ang pansin ng dalawa.

Umugong ang sigaw niya nang daluhungin siya ng dalawa.

Continue Reading

Other books by Sofia

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download App