Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Football Hotties 2: The Wicked Striker

Football Hotties 2: The Wicked Striker

Sofia

5.0
Comment(s)
View
5
Chapters

Misyon ni Cattleya Bautista sa pagpunta sa Germany na kumbinsihin si Liam Aramis na pumirma ng kontrata sa El Mundo Football Club. Kung hindi niya ito mapapapirma ay huwag na lang daw siyang umuwi ng Pilipinas ayon sa pinsan niya na manager ng club na si Pierro Dantes. Pero di lang basta ayaw pumirma ni Liam sa kontrata. Hindi na ito iginalang ang pagiging assistant manager niya. Pinaghinalaan pa siya nito na handang ialay ang katawan at puri niya dito para lang makumbinsi itong pumirma ng kontrata. Sa huli ay wala na siyang mapagpipilian kundi hamunin ito sa isang beer-drinking contest. Kapag natalo siya, hindi na niya ito kukulitin pang pumirma sa El Mundo FC. And she also owed him a passionate night together. Sa kamalas-malasan ay natalo siya. Di na nga siya makakauwi ng Pilipinas ay nanganganib pa ang puri niya.

Chapter 1 FH 2: TWS 1

Hinapit ni Cattleya ang coat sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Hindi siya sanay sa lamig ng Germany. Nanlalabo na ang mata niya dahil sa nakalatag na makapal na fog sa Hamburg Football Stadium subalit mukhang walang balak magpaawat ang mga manlalaro sa pitch.

Tune up game iyon ng Lüebec Football Club subalit isang partikular na manlalaro ang umaangat sa mga ito. He was fast, cunning and almost fanatic in running after the ball. Buwis-buhay ang terminong naiisip niya tuwing hinahabol nito ang bola. Ito ang pinakamaliit sa mga nagtatangkarang manlalaro doon pero hindi pwedeng balewalain ang kakayahan nito lalo na't ilang beses na itong nakakalusot sa depensa ng kalaban nang di naaagawan ng bola.

He was Liam Aramis. Nasa 5'8" lang ang heigh nito at moreno kaya naman iba itong tingnan kumpara sa nagtatangkaran at mapuputing German na kalaro nito. Purong Filipino ito ngunit nag-migrate ang magulang sa Germany ang tatlong taong gulang ito. Nagsimula itong maglaro ng football noong anim na taong gulang ito at napaka-promising nitong manlalaro lalo na't kakambal nito ang bola. He could play midfielder, forward or striker because of his speed and talent with the ball.

Nakita ang galing nito nang mag-training camp ang national football ng Pilipinas laban sa football team nito. Naging interesado dito ang maraming football club sa Pilipinas pero nagsisuko na ang iba. Isa na lang ang nananatiling matatag at ayaw itong bitawan.

Ito ang misyon ni Cattleya kung bakit siya nasa Germany. Kailangan niya itong makumbinsi na maging bahagi ng El Mundo Football Club, isang primera klaseng football club sa Pilipinas na pag-aari ng pinsan niya na si Pierro Dantes. Siya naman ang personal assistant nito at assistant manager ng El Mundo. Kaya naman obligado siyang dalhin pabalik ng Pilipinas si Liam para mabuo ang vision nito na gawin ang El Mundo na pinakamalakas na football club di lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya, at kung posible ay sa buong mundo.

Natulala siya nang makita kung paano nitong kawitin ang bola mula sa paa ng kalaban. Itinakbo nito ang bola papunta sa goal. Sobrang bilis nito at kahit ang mga kalaban ay saglit na natulala sa pangyayari. Tinisod ito ng isa sa defender at sumirko ito. Natutop niya ang bibig dahil mukhang nasaktan subalit nagawa nitong bumangon. Ilang takbo lang ay nasa possession na muli nito ang bola. Hinarap nito ang natigagal na goalkeeper. Sa bilis ng pangyayari ay di na niya nakita kung paano ito naka-goal. Ang indikasyon na naka-goal ito ay nang gumalaw ang net at naghiyawan ang mga kakampi nito.

Di niya napigilang pumalakpak nang makita ang performance ni Liam. It was impressive.

"Huwag kang uuwi sa Pilipinas nang hindi kasama si Liam Aramis. Don't disappoint me."

Napangiwi siya nang maalala ang sinabi pinsang si Pierro Dantes bago siya umalis ng Pilipinas. At iyon ang ayaw niyang mangyari – ang madismaya ito sa kanya. Her cousin was her hero. Ito ang nag-iisang pamilya niya. Ulila na siya sa mga magulang. Namatay ang mga ito sa isang aksidente nang mahulog sa bangin ang bus na sinasakyan ng mga ito papuntang Bicol noong labingwalong taong gulang siya. Mula noon ay si Pierro na ang nag-alaga sa kanya. Pinag-aral siya nito at nang makatapos ay ginawa nitong kanang-kamay. Malaki ang tiwala nito sa kanya lalo na sa pagpapatupad ng mga gusto nitong gawin sa negosyo nito. Sa ngayon ay nakasentro ang atensiyon nito sa football club. At bilang assistant manager ng team, obligado siyang maipatupad ang vision nito kung hindi ay magkaka-problema siya ng malaki dito. Ayaw niyang nagagalit si Pierro. Kailangang maiuwi niya sa Pilipinas si Liam Aramis sa kahit anong paraan.

Pero hindi niya alam kung anong magagawa niya para kumbinsihin si Liam na maglaro para sa El Mundo. Ilang beses na itong kinausap ni Pierro, tinaasan ng talent fee, inalok ng matitirhang condo at kung anu-anong benefits pero parang walang anuman na makakumbinsi dito na maglaro para sa El Mundo. Hanggang siya na mismo ang isugo ni Pierro para kausapin ang manlalaro.

"Walang pwedeng tumanggi sa isang magandang babae," sabi pa ng pinsan na nakangisi sa kanya at umiinom ng brandy. "I trust you,

Di niya alam kung makukumbinsi niya si Liam na isa siyang magandang babae. Ang taas niya ay 5'3" lamang. Mistulang gatas at kape ang kulay ng balat niya. Laging nakatirintas ang mahaba niyang buhok. She was always formal and businesslike. Wala siyang interes sa mga lalaki at may pagkasuplada pa. Even the staffs and players of El Mundo called her Tiger Boss. Mas tigre daw kasi siya kaysa sa pinsang si Pierro. At di siya tipong pang-Binibining Pilipinas ang ganda na pwedeng umakit kay Liam na bumalik ng Pilipinas. Hindi niya alam kung paano magagawa ang misyon niya. Kahit na maghubad siguro siya sa harap nito ay di siya nito papansinin.

Di nagtagal ay natapos na ang practice. "Liam, you have a fan waiting for you over there,'" sigaw ng teammate nitong Scottish na si Bryant na katabi niya sa bleachers ng stadium. Di ito naglaro sa game dahil sa injury nito. Mabuti na lang at nakakwentuhan niya ito at nabanggit niya na si Liam ang pakay nito.

"A fan?" tanong ni Liam. Lumapit sa kanya si Liam at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nag-init ang buong katawan niya. Nangangatog na siya sa lamig lalo na nang nagsimula nang bumagsak ang ulan pero natutunaw siya sa titig nito. His gaze was intense, like a lion eyeing a gazelle.

Maraming guwapong football player siyang nakilala na iba't iba ang lahi. Hindi guwapo si Liam na pwedeng ihilera sa mga supermodels at matinee idol. Pero napakalakas ng sex appeal nito. It was so weird. Kahit kailan ay di pa niya ginamit ang salitang sex appeal. Di naman kasi siya tinatalaban noon. Pero mukhang sa kauna-unahang pagkakayaon ay naapektuhan siya.

Nakangiting lumapit si Liam sa kanya. "Good afternoon. Bryant said you are looking for me."

Inilahad niya ang nanlalamig na palad. "Good afternoon. I am Cattleya Bautista, the assistant manager of El Mundo FC. Pierro Dantes sent me here to negotiate your contract with us."

Inilagay nito ang kamay sa likod ng ulo nito. "Wow! You really want to have me so badly. Pinadalhan pa nila ako ng babae para kumbinsihin akong maglaro sa El Mundo." Pumaswit ito. "Pakiramdam ko tuloy napaka-espesyal kong player."

Nagsalubong ang kilay ni Cattleya. Hindi niya gusto ang pahiwatig nito. "Excuse me. Di ako basta babae. It's as if El Mundo is prostituting me to convince you to sign. I am the assistant manager of El Mundo and I am a very decent woman. Disente rin ang kontratang inaalok namin sa iyo."

She was starting to hate Liam Aramis. Kung hindi lang talaga ito kailangang papirmahin ng kontrata ay baka binigwasan na niya ito. Subalit kailangan niya ng mahabang pasensiya kung gusto niyang maiuwi ito sa Pilipinas.

Inilahad ng binata ang mga kamay. "No contract, baby. I won't sign for El Mundo."

Binigyan ito ni Cattleya ng matamis na ngiti sa kabila ng nakakangatog na panahon at nanginginig siya sa inis dito. "Baka naman pwede ko pang mabago ang isip mo. How about dinner? I am staying at a nice hotel." Ibinigay niya dito ang card ng hotel at ang numero ng kuwarto niya sa likuran pati na rin ang roaming number niya. "I'll expect you tonight."

Continue Reading

Other books by Sofia

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book