/0/27036/coverorgin.jpg?v=0f6d3647ca44acbe5af48c743c7297ea&imageMogr2/format/webp)
June 10, 2020
NAAALALA mo pa ba?
Ngayon ay araw ng Miyerkules, Hunyo 10, 2020. Ngayong gabi gaganapin ang kauna-unahan kong pagdalo sa tinatawag nilang malaking event na kadalasang ipinagdiriwang ng mga estudyanteng kagaya ko, ang Highschool Night Celebration.
Kasama ko si mama ngayon papunta sa covered court namin, doon kasi napagdesisyunan ng mga SSG officers na magdiwang ng HSC. Suot ko lamang ang aking kulay dilaw na fit na t-shirt at nakamaong pants.
Kahit naman kasali ako sa The Beans, hindi ko pa rin talaga kayang magsuot ng mga bestida. Ang The Beans ay ang lugar para sa isang katulad kong manunulat. Dito namin ipinapasa ang mga articles na ginawa namin. Kami rin ang nagpapaalam sa mga kapwa namin estudyante kung ano na ang mga nagaganap sa loob ng campus. Sports Editor ang position ko roon, ayon din sa napag-usapan namin kanina sa SSG office, kailangan daw na nakabestida kaming lahat.
Hindi ko nagawa ang pangako ko sa kanila. Wala na rin naman akong magagawa dahil nandito na kami sa court ni mama. Kasalukuyan pa'ring naghahanda ang mga estudyante at naglilibut-libot sa mga perya. Naalala ko nga palang malapit na rin ang fiesta rito sa amin. Pinagmamasdan ko lang sila habang nakasunod ako sa likod ni mama. Nahihiya rin ako sa mga kasama kong officers din dahil ang ilan sa kanila ay nakasuot ng magagandang dress habang ako ay hindi.
Ngumingiti na lamang sila sa'kin kaya mas lalo akong napayuko. Nagtaka naman ako dahil lumampas kami sa court kaya tinanong ko si mama kung saan siya pupunta. Natigilan na lamang ako nang may makitang pamilyar na tao.
Nakaupo siya sa baba ng river gangplank malapit sa kinatatayuan namin ni mama. Railings naman ang nasa likod niya at sa baba namin ay isang ilog. Nakasuot siya ng kulay abong damit at nakaitim na maong pants habang nakayuko at nakatingin sa pula niyang sapatos. Walang pagbabago. Siya pa rin ang lalaking iyon na minsan ko nang hinayaang sakupin ang puso ko.
Pilit ko mang iwasang hindi siya sulyapan ay hindi ko magawa. Para niya akong namagnet, kahit pilitin kong diretso lang ang tingin ko ay hindi ko mapigilang hindi siya titigan.
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib na kanina pa nagwawala. Unti-unti na rin akong nakaramdam ng kaba. Napapikit ako sa inis. Hindi ko na dapat siya sinulyapan. Bakit kahit malayo siya ay kilalang-kilala ko pa rin siya?
Marahil ay tama nga ang sinasabi nila. Kapag kilala mo o mahalaga sayo ang isang tao, kahit gaano pa karami ang mga taong makikita mo sa iisang lugar, makikita at makikilala mo pa rin ang taong iyon na naging parte na ng iyong buhay.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ilang beses ko na bang sinabi ngayong taon na nakamove-on na ako sa kanya? Ilang beses ko na bang niloko ang sarili kong wala na akong nararamdaman sa kanya?
Nagkamali ako.
Hindi pala ganoon kadali ang lahat.
Dahil simula ng mga araw na hindi ko na siya nakikita. Habang tumatagal, akala ko mababawasan ang nararamdaman ko.
Nagkamali ako.
Akala ko magiging masaya ako at makakalimutan ko na siya dahil ginawa niya ang bagay na iyon. Niloloko ko lang pala ang sarili ko. At napatunayan ko ito ngayong gabi.
Habang pinagmamasdan ko siyang nakayuko at nakatingin sa kanyang pulang sapatos. Habang papalapit nang papalapit na kami sa gawi niya. Hindi pa rin naaawat ang puso ko sa pagkabog ng sobrang bilis.
Walang saysay ang lahat ng panloloko ko sa aking sarili.
Nagkamali ako.
Dahil sa halip na makalimutan ko siya ay mas lalo ko lang siyang minahal.
Nagkamali ako.
Dahil akala ko ay wala na akong nararamdaman para sa kanya. Mali na naman ako. Hindi ko akalaing masisira ang mga plano ko. Akala ko ba ay handa na akong makita siyang muli? Na ayos lang sa'kin kahit hindi ko na siya nasisilayan sa bawat sandali?
Limang buwan na ang nakalipas simula nang huli ko siyang makita. Ngunit hanggang ngayon...bakit mahal ko parin siya? At mas lalo ko pang minamahal?
Napahinto na lamang ako at tiningnan siya. Hindi naman siya makagalaw at nanatiling nakatingin sa sapatos niya. Alam ko. Ramdam kong naramdaman niya rin ang presensya ko. Ngunit kagaya ng dati, balewala pa rin ito sa kanya. Hindi siya umangat ng tingin.
Naikuyom ko ang aking palad.
Nasa harapan ko na siya pero wala pa rin siyang balak na gumalaw. Napakagat na lamang ako ng aking labi. Tanggap ko na rin naman hindi ba? Bakit ba napaka assuming ko?
"Ashianna..."
Napatingin naman ako kay mama nang tawagin niya ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinigilan ang sariling huwag siyang lingunin. Nauna na ulit sa paglakad si mama samantalang ako ay nagdadalawang isip pa kung lilingon ba ako o hindi.
Paano kung sinulyapan niya na pala ako? Edi sayang 'yon! Hindi ko na napigilan ang aking sarili at muli ko siyang sinulyapan. Ganoon na lamang ang pagbagsak ng aking balikat nang makitang wala na siya sa river gangplank.
Simula nang mangyari iyon ay nawalan na ako ng gana sa celebration. Para na akong lantang gulay ng umakyat sa stage para sa panata naming mga officers. Wala na rin akong pakealam kung ako lang ang nakamaong pants sa lahat ng mga kasama ko. Nasa unahan pa man din ako. Tutok na tutok pa sa'kin ang nakakasilaw na ilaw galing sa harapan ko kaya hindi ko na magawang tingnan ang mga taong nakatingin sa'kin o sa amin ngayon.
Natapos ang aming panata kaya napagdesisyunan kong magpahangin muna sandali. Pumunta akong muli sa river gangplank dala ang pag-asang makikita ko siyang muli roon.
/0/26263/coverorgin.jpg?v=20220422143327&imageMogr2/format/webp)
/0/26745/coverorgin.jpg?v=ed90fb2910ee0e103a92d9ec68179a65&imageMogr2/format/webp)
/0/37413/coverorgin.jpg?v=7adbf33baf992074b75d483830360ec0&imageMogr2/format/webp)
/0/26711/coverorgin.jpg?v=ff2c5d52ee2695f05fa7aab50b98eab4&imageMogr2/format/webp)
/0/26659/coverorgin.jpg?v=20240905135537&imageMogr2/format/webp)
/0/73577/coverorgin.jpg?v=5257ecacde21d18f2c43ed0c2b372386&imageMogr2/format/webp)
/0/70467/coverorgin.jpg?v=46b521779c1b59b0a88694668a94d7a0&imageMogr2/format/webp)
/0/26984/coverorgin.jpg?v=20230306115502&imageMogr2/format/webp)
/0/27269/coverorgin.jpg?v=20220620092324&imageMogr2/format/webp)