/0/72162/coverorgin.jpg?v=59e9d603c81e4cf6a55456e7bf40d4f6&imageMogr2/format/webp)
Pangarap na parang ka'y dali lang makuha o matupad na akala mo lahat instant na pag nagustuhan mo ay mayroon ka na agad. Na parang isang hiling na hindi mo alam kung magiging totoo ba o sadyang pinapaniwala mo na lang ang sarili mo sa mga bagay o pangyayari na wala kang kasiguraduhan kung mayroon nga ba.
Katulad ni Alexa isang babaeng pangarap maging isang writer ng isang publishing book pero wala pang natatapos na isang istorya uumpisahan pero walang gitna at wakas kumbaga sa isang drawing na naumpisahan pero hindi na kayang tapusin upang makita ang resulta sa huli kung maganda ba o hindi ang pagkakagawa.
Si Alexa ,ay 26 na ang edad nagtapos naman siya ng kursong Hotel and Restaurant Management, pero pagsusulat talaga ang gusto, pero mukhang hindi naaayon sa gusto niya ang takbo ng tadhana dahil kung mayroon man siyang natapos na isang libro ay hindi naman tinatanggap dahil hindi maganda ang daloy ng istorya. Kaya laging bigo sa tuwing umuuwi siya.
" Oh! Hindi na naman nakapasa yang istorya mo no?" tanong ng kaibigan niyang si Lexie.
Malungkot na tumango lang siya sa kaibigan." Sinabi ko naman kasi sayo magtrabaho ka na lang kaysa pinag-aaksayahan mo ng panahon 'yang mga libro mo, at least pag nagtrabaho ka kumikita ka, e diyan wala lagi ka na lang umuuwi ng gabi dahil lang sa paghahanap ng tatanggap diyan," mahabang sermon nito kay Alexa.
" Alam mo naman na kahit may natapos akong kurso ay pagsusulat talaga ang gusto ko," sagot niya sa nanghihinang boses.
" Suportado naman kita kung saan ka masaya pero ang sa akin lang naman magpahinga ka naman halos araw-araw kang laman ng kalye at gabi pang umuuwi."
" Oo na hindi mo na ko lalabas ng bahay mayroon pa naman akong pending na isang istorya wala pa sa kalahati 'yon magsusulat na lang ako," nakangiti ng sagot niya.
Iiling-iling na lang ang kaibigan sa pagbabago ng mood nito na kanina ay parang nalugi, ngayon kung makangiti ay parang wala lang.
" Kumain na nga tayo anong oras na." Aya sa kanya nito.
" Sige sunod ako magpapalit lang ako ng damit." At pumasok na ng kwarto niya.
Pumasok si Alexa sa kwarto niya at ang unang makikita ay ang mga kalat na papel sa higaan at sahig, lahat ng gamit nitong pirasong papel sa paggawa ng plot ng story niya ay nagkalat.
/0/27057/coverorgin.jpg?v=a81bffe223c3c0e48e2f3c48b3cf39ec&imageMogr2/format/webp)
/0/26848/coverorgin.jpg?v=ea3d7aacd3d7405e47197365e5474dd6&imageMogr2/format/webp)
/0/26612/coverorgin.jpg?v=20220517072226&imageMogr2/format/webp)
/0/27037/coverorgin.jpg?v=ed35a4908d568a1753663ca11db34ee5&imageMogr2/format/webp)
/0/27039/coverorgin.jpg?v=084784193e9c2a56dde696b1ff28d770&imageMogr2/format/webp)
/0/26755/coverorgin.jpg?v=20230915175136&imageMogr2/format/webp)
/0/26977/coverorgin.jpg?v=24acb062b15f2cb0c460710fb45190b2&imageMogr2/format/webp)
/0/70456/coverorgin.jpg?v=8df20b5082b6c88819871db162477951&imageMogr2/format/webp)
/0/27414/coverorgin.jpg?v=20220505120820&imageMogr2/format/webp)
/0/34535/coverorgin.jpg?v=24899412ccdcea7d1204ccc06249fb43&imageMogr2/format/webp)
/0/27314/coverorgin.jpg?v=7443ff79b0e5b3d79ff2bc2ddfaee4f6&imageMogr2/format/webp)
/0/27036/coverorgin.jpg?v=0f6d3647ca44acbe5af48c743c7297ea&imageMogr2/format/webp)
/0/26332/coverorgin.jpg?v=607d73e821f45eef5d0855559125454b&imageMogr2/format/webp)
/0/27239/coverorgin.jpg?v=acfc285d81c092abe01053e81b54265c&imageMogr2/format/webp)
/0/27188/coverorgin.jpg?v=20220523140425&imageMogr2/format/webp)
/0/26779/coverorgin.jpg?v=20220524085556&imageMogr2/format/webp)
/0/26241/coverorgin.jpg?v=f969d8c0a8eaf55e0ecc7b36a5d35b0a&imageMogr2/format/webp)
/0/27714/coverorgin.jpg?v=20220527140047&imageMogr2/format/webp)
/0/26521/coverorgin.jpg?v=4b969aa6e7f8781cd45300acba3a7df5&imageMogr2/format/webp)