A women love SciFi adventure in love romance
Isang panibagong araw sa liwanag ng silangan isang dalaga ang nakatira sa isang liblib na lugar. Laan ang kanyang pangalan
Kumusta syi magandang umaga bati niya sa kanyang alagang pusa ngunit may mata ng isang lobo. Lumapit Ito saya kanya at inihayag ang isa sa kanyang apat na paa. Ngumiti ang dalaga nang makita ang isang nagniningning na kulay Kristal na porselas na alam niyang ginawa nito buong gabi upang maging pananga niya sa mga taong umaakyat sa kanilang lugar tuwing mangangailangan ng mga kahoy at mga prutas na sagana sa kanilang tirahan.
Tuwing taglagas ang panahon makikita rito ang ibat ibang namumunga na mga punong kahoy gayon din and ibat ibang mga paruparo. Sa gabi naman makikita ang mga alitaptap sa tuktok ng mga punong kahoy. Ganung din ang mga ibon sa umaga kasabay ng mga ibat ibang hayop na makikita isang sulok ng lugar.
Binansagan ito ng mga taong nakatira sa malapit na LAGASLAAN kung saan pwedi silang kumuha ng mga bunga ng punong kahoy tuwing taglagas lamang na panahon. Hindi nila makaakyat ang lugar na ito kung hindi taglagas na panahon.
Pagbaba niya ng kanyang tahanan lumapit naman sa kanya ang kayang bantay na si shu isang ibon na kulay ginto ang mga pakpak at inihayag nito kanyan pakpak. Ngumiti muli siya upang tangapin ang kanyang panibagong kasuutan para sa araw na ito mula ulo hangang paa isang iglap makikita ang kulay gintong kasuutan na nagpatingkad sa kanyang kagandahan masasalamin dito ang kagandahan ng kalikasan na walang kahambing.
Paglingon niya sa bakuran nakita niya ang kulay bughaw na alaga na kahawig ng isang aso ngunit masasalamin ang mata ng isang kuwago matulin ito at mahusay na tagabantay at matalino inihayag nito ang kanyang likod upang makakuha ng balahibo na gagamitin niya bilang sandata sa araw na iyon. Ginamit niya ang kanyang tinig lumapit ang kanyang tatlong mahuhusay na "HAYA" ang ibig sabihin tagabatay ng lupa tubig, at hangin. Inihayag ng mga ito ang kanilang himig upang maging protekyon niya saan man siya makarating ay maririnig at matutuntun siya ng mga ito upang siya at tulugang at bantayan.
Other books by Nylenej Aicelem Ortsaced
More