Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
The Man Of My Imaginations

The Man Of My Imaginations

Rapunzelyza

5.0
Comment(s)
81
View
3
Chapters

Laura was having some typical crush problems when Sam- the one she created on her imagination (that looks like her crush too) when she got brokenhearted- showed up to her. But it doesn't seems like it's a coincidence. Sam showed up because he said she called him. He also said he could help Laura from the heartbreak. Maging susi kaya si Sam para maging masaya na siya o ito pa ang magiging dahilan para mas maging magulo ang reality ni Laura?

Chapter 1 Prologue

WAIT, shooting star ba yun?

I looked closely at it and nanlaki ang mata ko nang makumpirmang isa nga iyong shooting star. Pero bakit ganon? Hindi siya ganun kabagal. Hindi rin siya ganun kabilis. Kasi ganun naman ang isang shooting star, 'di ba? Yung isang pikit mo lang, mawawala na. Eh nakakailang pikit na ako, hindi pa rin ito naglalaho sa aking paningin.

But no matter what its pace, hindi ba at shooting star pa rin yun?

My hands unconsciously intertwined with each other as I closed my eyes shut. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga shooting stars, wishing wells... Maski ang 11:11 na sinasabi nila, hindi ko pinapaniwalaan.

I once wished at any of those but none of them granted my wish.

Pero iba kasi ang sitwasyon ngayon. Lahat ng emosyon ko, kinain na ako. Ngayon ang huling pagkakataon na maniniwala ako sa mga ganito. Ngayon uli ako aasang magkakatotoo 'to dahil wala naman akong mapagkakapitan. Sobra na yung sakit na naidudulot ko. Kapag hindi pa natupad, iisipin ko na lang na walang shooting stars at mga 11:11 kuno na nag-e-exist.

Ngayon lang 'to. Susulitin ko na.

"Sana makasama rin kita sa reality ko, Sam...," sabi ko saka nagpakawala ng malalim na hininga. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha pababa sa aking mukha. Hindi ko na pinigilan iyon at hinayaang umagos lang nang umagos na parang waterfalls ang aking luha.

"Sam, please...? Nagmamakaawa na ako. Maging totoo ka na. Hindi ko na kasi kaya, eh. Alam kong ikaw lang din makakafulfill nitong sakit na 'to. Nakakainis na kasi. Ilang beses mo na ako pinagsabihan sa isip ko pero sa kanya pa rin ako bumabalik-balik. Kaya nga ngayon nagbabasakali na ako na... kung sakaling nandito ka sa reality, ligtas na ako sa sakit. Puro saya na lang kasi andyan ka. Yun din naman ang gusto mo, 'di ba? Ang sumaya ako. Kaya kung pwede lang sana, Sam. Pagbigyan mo ako this time... please come true to life," I said between the sobs.

"Please, Sam?" Sinubukan kong muli na mag-salita pero tila ay wala nang lumabas kakahagulgol ko kaya pinili ko na lamang umiyak nang umiyak.

Hanggang sa makatulog ako.

NAGISING ang aking diwa sa pag-tama ng sikat ng araw sa aking mukha. Ramdam ko ang pagmamanhid ng mata nang sinubukan ko itong buksan. Marahil ay dahil na rin siguro sa labis na pag-iyak ko kagabi.

Inihilamos ko ang kamay sa mukha. Pilit na ginigising ang sarili dahil anong oras pa ay magsisimula na ang klase. Ininat ko ang katawan nang maisandal ang sarili sa headboard. Napahikab pa nga ako bago tuluyang binuksan ang mata. Napakurap-kurap pa ako nang makitang ang lahat ng gamit lo sa kwarto ay malinis. Maski ang sahig na dating palaging may nakakalat na papel, nawala. Nailagay sa basurahan ang lahat.

Magtataka pa sana ako nang makarinig ng isang boses.

"Good Morning, Laura."

"Good Morning din- aaaaah! Sino ka?!" Kamuntikan pa akong mahulog sa kama. Buti na lang at nasalo niya ako. Magkalapit tuloy ang mukha namin. At doon ko na siya namukhaan. Nanlaki pa ang mata ko nang ma realize na nasa kwarto ko siya. "Q-Qen? Paanong-bakit- anong ginagawa mo dito?"

Hindi naman talaga ako magugulat kahit na sino pang bumungad sa umaga ko eh. O kahit pa na malaman kong may pumasok sa kwarto ko. Kahit Pulubi, accepted 'yan! Eh ang kaso si Qen 'to! Si Qen! Imposibleng mapadpad ang isang katulad niya sa kwarto ko- maski sa bahay!

I saw how his lips curve into a smile. I used to see him smile but this one is different. Hindi ko alam kung anong pinagkaiba basta parang hindi siya ganon ngumiti. Parang familiar din sa akin ang ngiti niya. "Sorry to burst your bubble but... I'm not Qen and will never be."

Nagtaka naman ako. "A-Ano?"

"Magkamukha lang kami because that's what I supposed to be. Ewan ko ba kung bakit ginawa mo akong kamukha niya eh pwede namang kahit mukha na lang ng iba. Tss."

"Ha? Weyt. Hindi ako makasunod. Ano bang pinagsasasabi mo, Qen?"

"Hindi nga ako si Qen."

"Anong hindi ikaw si Qen? Ikaw kaya si Qen! Kung hindi ikaw e di sino-" I stopped when he placed his finger at my lips. Kumalabog tuloy nang tuloy-tuloy ang aking puso.

"I'm not Qen because I'm Sam. The man of your imaginations." Tuluyan nang nahulog ang aking panga. "It's nice to finally meet you in your reality, Laura."

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book