Si Katherine Grace Yuzon isang kilalang writer sa Pilipinas at tagapagmana ng kanyang lolo na ai Rodelio Yuzon, na naghahangad lamang ng simpleng pamumuhay. Masayahin, matalino, matapang na babae at mabuting kaibigan si Katherine subalit may katigasan ng ulo kaya parating sermon inaabot sa kanyang lolo. Dahil sa kanyang katayuan sa buhay, nangananib ang kaligtasan ng dalaga kaya muling nag-hire si Mr. Yuzon ng bagong bodyguard na magaling, maprinsipyo at mapagkakatiwalaan na si Luke Gabriel Bustoz . Isa sa rason kung bakit nawalan na ng laya si Katherine sa mga nais niyang gawin. Mabuti naman nagkita muli sila ng kanyang college friend na si Denzel Haze Villarosa na isa namang recording artist na matagal nang may gusto sa dalaga. Gagawin niya ang lahat para mapunta sa kanya ang atensyon nito. Paano kung dumating ang panahon na susubok sa kanilang kakayahan at nararamdaman, kaya pa bang ipaglaban ang pag-ibig sa isa't isa? Pipiliin pa ba isaalang-alang ang mga bagay na mas mahalaga kaysa sa propesyon o kapwa igigiit na ipaglaban anuman ang maging patutunguhan nito?
Kasalukuyang nagsusulat ng nobela si Katherine nang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Kath, are you busy?" tanong ng pinsan niyang si Arianne matapos ipagbuksan niya ito ng pinto.
"Yes. Why?" balik na tanong ng dalaga nang makaharap niya ang pinsan.
"Gusto ka raw makausap ni Lolo Delio," tugon kaagad nito sa kanya.
"Tungkol saan?" tanong naman uli ni Katherine. Wala siyang ideya kung bakit siya ipapatawag ng kanyang lolo sa opisina niyo dahilan upang siya'y mapaisip.
"Hmmm! Tungkol raw sa bagong ini-hire niyang personal bodyguard mo," diretsahaang sagot ni Arianne.
"What? Hays, si lolo naman. Sinabi ko na sa kanya noon na hindi ko na kailangan ng bagong bodyguard pa. Ayos naman si Kuya Fred ah!" naiinis na saad ni Katherine.
"Mabuti pa, mag-usap na lang kayo ni lolo." Isang positibong payo ni Arianne dahil iyon ang pinakatamang gawin para maging malinaw ang sa pagitan ng kanilang lolo.
"Sige kausapin ko na lang," sambit na lang ni Katherine saka lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo sa opisina ni Mr. Rodelio.
"Good afternoon, Lo," walang ganang bati ng dalaga kay Mr. Yuzon na may pitongpu na edad.
"Maupo ka muna, apo," saad ng kanyang lolo habang pumipirma ito ng mga papeles sa mesa. Tumititig sa kanya saka muling nagsalita, "Gusto ko sana makilala mo ang magiging bagong personal bodyguard mo."
"Sinabi ko naman po sa inyo noon na ayos na sa'kin si Kuya Fred?" dismayadong sagot ni Katherine. "Hindi ko na rin po kailangan ng bagong bodyguard, lolo. Sapat na sa'kin sila Kuya Fred at dapat nga eh mabigyan niyo rin ako ng kalayaan paminsan-minsan. Hindi 'yong ganito na parati akong napapaligiran ng mga personal bodyguards sa tuwing lalabas ng mansion." May mahabang pangangatwiran rin ang iginawad ng dalaga sa matandang lalaki.
"Pero mas magaling itong nakuha kong magiging bodyguard mo at higit sa lahat, maaasahan rin. Mas mapoprotektahan ka niya kahit saan. Kabisado niya bawat galaw at isip ng mga tao sa paligid kaya madali lang niya mapansin kung may panganib na darating," malinaw na pahayag ni Mr. Rodelio sa kanyang apo. Alam niya kung ano mas makakabuti para kay Katherine kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang dalaga laban sa mga taong nais saktan ito.
"Di ba gano'n, si Kuya Fred?" tanong ni Katherine.
"Magkaiba sila ng abilidad, apo. Kung papansin mo ang lalaking kinuha ko ay mas mahusay siya. Hindi ka magdadalawang-isip sa kanya," muling paliwanag ng matanda. "Mabuti pa nga papasukin ko na siya rito."
Tinawagan ni Mr. Rodelio ang kanyang executive secretary upang ipaalam rito na papuntahin na ang bagong hire niyang personal bodyguard sa kanyang opisina. Hindi nagtagal kaagad pumasok ang isang binata na may matikas na pangangatawan, may katamtamang taas at kulay ng balat.
"Luke Gabriel Bustoz!" sambit ng matanda sa buong pangalan ng binata. "Maupo ka."
"Salamat," seryosong sagot ni Gabriel.
"Siya ang tinutukoy kong bagong personal bodyguard mo, apo," nakangiting sambit ng matanda sa dalaga. "Gabriel, siya nga pala si Katherine Grace Yuzon na apo kong pagsisilbihan mo."
"Nothing different," reklamo ng dalaga. "With Kuya Fred. I think I don't need an another bodyguard, lolo." Habang tinititigan niya ang lalaki na nasa kanyang harapan. Seryoso ang itsura nito at halata sa kanya ang pagiging strikto.
Huminga nang malalim si Mr. Rodelio, "Makinig ka sa akin, apo. Kailangan mo ng isang tulad ni Gabriel para sa iyong kaligtasan. Hindi ako papayag na gano'n na lang dahil ikaw ang susunod na magmamay-ari ng negosyo na aking pinatatakbo at ninety percent ng aking kayamanan sa'yo mapupunta na," patuloy ang matanda sa pagkukumbinse.
"Ikaw lang higit na pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ganitong mga bagay. Sana naman mapakinggan ang sinasabi ng lolo," nakikiusap na paliwanag ni Mr. Rodelio kay Katherine.
"Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Nag-trained ako dati ng basic taekwando as a self-defense sa pagdating ng panahon na kakailanganin kong depensahin ang sarili kahit di na ako umaasa sa ibang tao para ipagtanggol ako." May kataasan ng boses subalit nanatili pa rin ang paggalang ni Katherine sa pakikipag-usap sa kanyang lolo.
Matigas pa rin ang ulo ng dalaga at ipinipilit niya pa rin ang kanyang sariling kagustuhan pero hindi nagpatinag ang matandang lalaki sa kanya. Mahal na mahal siya nito kaya di hahayaan na mawala lang sa isang iglap mga pinaghirapan niya ng maraming taon.
"Hindi gano'n kadali apo. Hindi isang ordinaryong tao o grupo ang nais humamak sa atin kundi isa ring maimpluwensyang tao katulad rin natin."
Hindi susukuan ng matanda na paliwanagan ang kanyang apo. Kailangan niya na siya ang masunod pa rin. Alam niya ang mas nararapat para kay Katherine. Noon pa man nang mamatay ang ina ng dalaga, wala siyang ibang inisip kundi ang kapakanan at kaligtasan nito.
"Sige na, Mr. Bustoz!" mabilis na tumango ang binata dahil alam na niya ang susunod na gagawin. Pupuntahan na niya ang magiging kanyang silid kasama ang isa sa mga katiwala ng matanda sa mansion. Tanging si Katherine at Mr. Rodelio na lamang ang naiwan sa opisina.
"Mauna na po ako, Mr. Yuzon," magalang na pahayag ni Gabriel sa matandang lalaki saka siya tinanguan nito at lumabas na rin.
Nanatili pa rin ang pag-uusap nila Katherine at ni Mr. Rodelio.
Muling nagsalita ang dalaga, "Please, Lolo Delio," sinubukan niyang makumbinse ito subalit nabigo na siya.
"Buo na aking desisyon at wala ng mababago roon. Mabuti pa, bumalik ka na lang muna sa kwarto mo Katherine. Marami pa ako aasikasuhin dito." wika ni Mr. Yuzon.
Hindi na nilingon ng matanda ang kanyang apo hanggang kusa ng umalis na lang ang dalaga.
"Pasensya na talaga, apo," saad ng matanda sa kanyang isip nang saglit tumitig sa pintuan kung saan nakalabas na si Katherine ng kanyang opisina.
Kaninang malapad ang ngiti sa mga labi ay ngayon ay napalitan ng pagkadismaya ang mukha ni Katherine.
"Ano nangyari, Kath?" tanong kaagad ni Arianne sa kanya pagkapasok pa lamang sa silid nito.
"Hays! Buo na talaga desisyon ni lolo. Wala na'kong magagawa pa," sagot ng dalaga.
"Sundi mo na lang siguro si lolo," aniya ni Arianne.
"I have no choice," pahayag ni Katherine nang may kasamang paghinga niya nang malalim. "Dapat pinanganak na lang akong mahirap atleast di ganito na parati akong babantayan kahit saanman magpunta."
"Kaso isinilang kang mayaman," dagdag pa ni Arianne.
"I regret it, Rian!" sambit ni Katherine nang may panglulumo na makikita sa kanyang mukha.
Nakabalik na rin ang dalaga sa kanyang silid. Naupo sa silya at sinubukang ipagpatuloy ang isinusulat niyang nobela. Subalit, hindi siya mapalagay dahilan para tumigil siya sa pagtitipa sa keyboard ng computer. Nawalan na siya ng gana sa pagsusulat.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Hudyat na may nag-text sa dalaga mula sa kanyang mga fanreaders.
From: Elaine
Pssst! Uy, Miss Lady Green.
Gora ka ba mamaya?
Katherine: Saan?
From: Elaine
Secret muna. Gagala sana tayo mamayang gabi eh.
Nag-message din sa kanilang groupchat si Jane.
From: Jane
Pwede ka ba mamaya?
Katherine: Pag-iisipan ko muna dahil nag-hire si lolo ng mas mahigpit na bodyguard kaya not sure kung makakasama talaga.
From: Jane
Ay sayang naman, Lady Green!
Sumali din si Therese sa kanilang usapan.
From: Therese
Tsk, minsan lang naman tayo nagkikita Miss Kat.
From: Elaine
Uy, girl ba't mo siya tinawag na pusa. Luh ka!
From: Thersese
Ano naman mali doon, noh? Saka mas comfy ako tawagin siya sa gano'ng pangalan. Kayo nga tinatawag niyo siyang Lady Green na masyadong sagrado ang pangalan.
Katherine: Ayos lang 'yan atleast may sarili kayong code name na itatawag sa'kin kaya madali kong malaman na ikaw 'yan, Therese. Oks din sa'kin na Lady Green itawag niyo tutal pen name ko naman 'yon.
From: Therese
Thanks.
From: Elaine and Jane
Okie.
Katherine: Well, titignan ko mamaya talaga kung makakalusot pa. I will text any of you na lang later.
From: Therese
Ibang klase ang diskarte 'yan. Sana maging successful.
From: Jane
Sana nga.
Katherine: Sige guys, bye. Text ko na lang agad kayo later.
Pagkalipas ng mahigit isang oras, nakagawa ng paraan si Katherine upang makatakas kaya nagmamadali siyang lumakad palayo sa kinaroroonan ng mansion. Sandali siya tumitigil sa labas ng isang convenient store upang i-text ang kanyang mga kaibigan.
From: Katherine
Nandito na'ko. Saan na kayo?
From: Jane
Nakasakay na kami ng taxi. Saan ka?
From: Katherine
Nasa iisang convenient store dito sa village namin.
From: Jane
Sige, papunta na kami diyan.
Mga ilang minuto pang nanatili ang dalaga hanggang sa may humintong taxi sa bandang gilid ng store. May lumabas na isang babae, si Jane at sumunod na rin sina Elaine at Therese.
"Paano ka nakatakas?" tanong kaagad sa kanya ni Elaine. "Di ba sabi mahigpit ang security sa mansion niyo?"
"Wala kayong tiwala sa abilidad ko?" Tinaasan niya ng kilay kanyang mga kaibigan.
"Ibang klase ka talaga, Lady Green," saad naman ni Jane.
"Kaya nga hangang-hanga ako kay Miss Kath na kahit sa totoong buhay nagagawa niya talaga 'yong mala-aksyon sa nobela," Labis na papuri na iginawad naman ni Therese sa kanya.
"Halata nga eh, haha!" sambit ulit ni Jane.
"Ano, let's go? Medyo mahaba ang biyahe natin," Biglang singit naman ni Elaine sa usapan habang nakapamaywang ito.
"Sige.." sabay sabi ng tatlo.
Nang makarating na sila sa kanilang pupuntahan, bigla na lamang tumindig ang mga balahibo ni Katherine sa buong katawan matapos mabasa ang karatula sa itaas ng isang establishment.
D&Z disco bar, ang pangalan ng nasabing establisimento. Kumunot ang kanyang noo nang magsalita siya, "Papasok tayo diyan?"
"Bakit, ano problema Lady Green?" agarang sagot ni Elaine.
"Diyan ba talaga tayo papasok?" muling tanong ng dalaga. "Bakit hindi niyo sa'kin sinabi sa bar tayo pupunta?"
"Bakit first time mo ba makapunta sa ganito, Lady Green?" tanong din sa kanya ni Jane.
"Oo kaya kinilabutan ako bigla," sabay yakap ni Katherine sa kanyang sarili.
Umakbay sa kanya sina Elaine at Jane, "Huwag ka mag-alala, Lady Green kami ang bahala sa'yo."
Tinititigan ng dalaga ang dalawang kaibigang nakaakbay sa kanya.
"Kundi patay kami sa lolo mo," nakangiwi pang saad nina Elaine at Jane.
"Thanks pero- " Nag-alinlangan pa rin si Katherine kung sasama pa talaga siya sa mga kaibigan o uuwi na lang. Alam niya kung ano mayroon sa ganoong establishment pati mga taong pumapasok doon.
"Don't tell me na uuwi ka kaagad," pahayag ni Jane na tinatansa ang magiging sagot ng dalaga.
"Lady Green, sumama ka na. I know na mag-e-enjoy ka sa loob," paliwanag din ni Elaine.
"Tama si Elaine, Miss Kath. Di mo pagsisihan ang sumama sa'min."
Wala na ngang nagawa si Katherine kundi ang sumang-ayon na lang kaysa umuwi kaagad. Sayang naman ang porma niya na halos trenta minuto niya ito pinagpilian. Huminga siya nang malalim bago tuluyang nakasok sa loob ng bar.
Malakas ang tugtugan kaya't di mo kaagad maririnig ang kausap mo kapag nagsasalita. Maraming tao na mas bata pa sa kanya ang sumasayaw sa gitna ng dancefloor na nakaagaw ng kanyang atensyon.
Maya-maya pa ay nakahanap na sila ng magandang pwesto at umorder ng makakain.
"Ano gusto niyo?" tanong ni Elaine sa kanila.
"Kahit ano na lang sa'kin," naiilang na sagot ni Katherine.
"Drinks?"
"Kahit pineapple juice na lang sa'kin," muling saad ng dalaga na hindi pa rin mapalagay sa kanyang kinauupuan.
First time niyang makapunta sa ganito dahil kahit kabataan niya hindi siya sumubok na pumasok sa isang bar at ngayon lang talaga niya nasubukan.
Mga ilang sandali ay nakarating na rin ang inorder nilang pagkain. Kumain lamang ng paunti-unti si Katherine habang nakikipagtsismisan sa mga kaibigan.
Trentang minutong lumipas nang matapos silang kumain at nagyaya sina Jane at Elaine na sumayaw sa dancefloor.
"Sayaw tayo?" tanong ni Elaine.
"No, dito lang ako. Kayo na lang," nahihiyang sagot pa ni Katherine.
"Ikaw, Therese?"
"Dito lang din ako kasama ni Miss Kath," pagtanggi din ni Therese na sumamang sumayaw.
"Sige, punta na kami doon," saad ni Jane. "Bye, see you later guys."
Mahigit dalawang oras na rin nanatili si Katherine sa loob ng bar. Tanging sa panonood sa mga sumasayaw ang kanyang ginagawa habang nakikipagkwentuhan kay Therese at kung minsan kina Jane at Elaine kapag huminto mga ito sa pagsayaw.
"Miss Kath, natapos mo na ba iyong nobela na sinusulat mo nakaraan?" biglang tanong ni Therese sa kanya nang makaalis ulit ang dalawa.
"Hindi pa eh," sagot ni Katherine habang hinihigop ang juice na kanina pa niya inorder.
"Pwede ko ba malaman kung ano title?" Bakas sa mukha ni Therese ang pagkasabik na malaman kung ano ang sinusulat ni Katherine na nobela.
"Secret na lang muna. Malalaman mo soon kapag naipasa ko na sa publishing house."
Gusto ng dalaga na maging suspenseful ang pagsabi niya tungkol sa nobela na sinusulat.
"Sige na, Miss Kath," pilit na pahayag ni Therese.
"Hindi pwede kaya nga surprise. Basta, soon magugulat ka na lang,"
Hindi na nagpumilipit pa si Therese sa ikaapat na beses na sabihin sa kanya ang nilalaman ng kwento na isinulat ni Katherine.
Maya-maya ay binalak ng dalaga gumamit ng banyo.
"Therese, pwede mo ba akong samahan pumunta ng C.R?"
"Sure, tutal naiihi lang din ako eh," sagot ni Therese.
Inubos muna ng dalawa ang drinks bago iniwan ang kanilang pwesto. Pagkalabas nila roon ay may nakasalubong si Katherine na di kilalang lalaki. Amoy alak din ito.
"Hi, Miss!" bungad ng lalaki sa kanya. "Pwede ba kitang maisayaw?" Paluray-luray na ang tindig nito habang nakikipag-usap kay Katherine.
Mabilis siyang tumanggi nang bigla silang pinalibutan ng mga pitong kalalakihan. Kumapit sa kanya si Therese habang siya naman ay tinatansa ang mga ito.
"Aba, tumatanggi ka ah!" maangas na saad ng lalaki.
Muntik na sana siyang bastusin nito kundi pa dumating sila Gabriel at iba pa niyang bodyguard na pinagsusuntok na mga kalalakihan. Nakaagaw-atensyon sa mga roon ang nangyari.
Nang nakabulagta na ang mga lalaki kaagad na hinila ni Gabriel si Katherine sa braso.
"Hinahanap ka na ng lolo mo," pahayag ni Gabriel na di inaalis ang paghawak niya sa braso ni Katherine. Narinig niya itong nagsalita kaya sandali silang tumigil sa paglalakad.
"Sandali lang. Magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko," sambit niya kay Gabriel subalit hindi siya pinakinggan at diretso lamang naglakad palabas ng bar.
"Therese, ikaw na lang bahala magsabi sa kanila," bilin na lang ng dalaga sa kasamang kaibigan.
"Sige, Miss Kath!"
Tumango na lang si Katherine bilang tugon hanggang sa nakalabas na sila ng bar.
Nang makauwi sila ng mansion, kaagad na pinagalitan ni Mr. Rodelio ang kanyang apo.
Napabuntong-hininga ang matanda, "Ano ba pumasok sa isip mo para magpunta sa bar na 'yon, Katherine? Nagawa mo pa talaga tumakas para lang do'n?"
"Hindi ko po alam na bar ang pupuntahan namin, lolo. Pumayag lang din ako sumama dahil akala ko gagala lang kami kung saan pero di sa ganoong lugar," mahabang paliwanag ni Katherine subalit hindi ito pinaniwalaan.
"Anong hindi alam, apo?" dugtong pa ni Mr. Yuzon. "Napakadelikado ng lugar na 'yon para sa'yo at maiimpluwensyahan ka pa ng di maganda."
"I'm just want to be happy, lolo. Gusto ko lang maging malaya kahit isang oras lang."
Nais ipatindi talaga ng dalaga ang kagustuhan niya na magkaroon ng kalayaan katulad ng mga babaing kasing edad lamang niya. Maging masaya na kasama lamang mga kaibigan na walang kasamang bodyguard. Subalit, hindi iyon malinaw sa kanyang lolo.
"Happy? Papaano ka magiging masaya sa gano'ng sitwasyon?" muling saad ng matanda. "Katherine, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa'yo at sana maintindihan mo rin. Kung sa tingin mo hindi ka rin masaya sa mga lahat binibigay ko, ano pa ba dapat gawin ni lolo?"
Kahit gaano man katigas ng ulo ni Katherine, hindi niya ito susukuan. Hangga't may kailangan puunan, iyon ang ibibigay niya.
"Gusto ko po ng kalayaan, lolo. Maibibigay niyo ba sa'kin 'yon?"
"Hindi ko maibibigay ang kalayaan na gusto mo, apo dahil noon pa man alam ko na hindi ka magiging tulad ng mga iyong kaedaran."
Matapos ang isang oras na pagtatalo ng kanyang lolo ay muling nagri-replay sa isipan ng dalaga ang sinabi nito sa kanya subalit hindi niya pa rin matanggap iyon at maging kanyang kapalaran.
Dalawang linggo nang lumipas, isa si Katherine na kasama sa isang award-winning event. Sa isang oras niyang paghihintay ay sa wakas natawag na rin kanyang pangalan. Maraming tao ang pumalakpak nang siya ay tumuntong sa stage. Ilan sa kanila ay mga fans din niya. Napangiti siya dahil roon. Mga ilang sandali ay bumaba na rin siya ng stage hawak ang isang napakalaking trophe na isa sa pinaka-bestselling author sa buong Pilipinas. Nagtungo sila sa lugar na puno rin ng mga taong kumakain.
"Hay, salamat makakain na rin tayo. Kanina pa ako nagugutom eh," parinig ni Arianne sa kanya.
Pagkatapos nila kumain, kasalukuyan silang naglalakad palabas nang may mga kilalang tao sa entertainment industry ang lumapit kina Katherine.
"Can we talk with Miss Yuzon please?" tanong ng isa sa pinakasikat na direktor sa bansa na si Mrs. Vega kasama pa ang iba pang director at producer.
"Yes po," mabilis na tugon ni Katherine.
Ipinag-usapan nila ang gagawin sanang novel adaptation na isa sa kanyang sinulat. Umabot iyon ng halos trentang minuto ang kanilang pag-uusap.
Matapos kausapin ni Katherine ang mga ito muli siyang bumalik sa kaninang kinaroroonan nila. Wala si Arianne roon kaya kanyang nilibot ang paningin hanggang sa may tumawag sa kanya.
Si Arianne na pala. "Kath, may naghahanap sayo. Gwapo eh!" Kilig na kilig na sambit ng kanyang pinsan.
"Sino?"
Chapter 1 1: New Bodyguard
09/11/2024
Chapter 2 2: College Friend
09/11/2024
Chapter 3 3: A Trip With Him
09/11/2024
Chapter 4 4: The Armed Men
09/11/2024
Chapter 5 5: He Saved Her
09/11/2024
Chapter 6 6: Unknown Number
09/11/2024
Chapter 7 7: Bad News
09/11/2024
Chapter 8 8: Competition
09/11/2024
Chapter 9 9: Rodelio's Birthday
09/11/2024
Chapter 10 10: Secrets
09/11/2024
Chapter 11 11: Heartbreaks
09/11/2024
Other books by Roseandtulips31
More