Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
The Good Wife.
5.0
Comment(s)
View
11
Chapters

Cherry Bueno, 27 years old at may asawa- si Alfred Llaguno. Simpleng babae at mabuting ina na naghahangad ng masayang pamilya ngunit bigo siyang natupad iyon. Hindi akalain na gano'n kanyang kinahihinatnan matapos akala niyang mabuti at mapagmahal na asawa si Alfred. Sa kabila nito, muling nagtagpo ang landas ng kanyang ex-boyfriend na si Jared James Velasco. Umaasa ang binata na magkakabalikan sila dahilan upang lumalala pa ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Maibabalik pa kaya ang dating pagsasama nina Cherry at Alfred o tuluyan ng mawawasak kanilang pamilya at magkakaroon ng malaking pag-asa para kay Jared?

Chapter 1 1

Kasalukuyang tinititigan ni Cherry nang matagal ang larawan nilang mag-asawa sa ibabaw ng maliit na cabinet. Inaalala niya kung gaano kasaya nila noon ni Alfred na ngayong di na niya nararamdaman. Siya ang naging kasama niya noong panahong hiniwalayan siya ng kanyang ex-boyfriend na si Jared. Noong nanliligaw ito ay wala siyang nararamdaman subalit nang tumagal na kanilang relasyon saka niya natutunang mahalin si Alfred. Sa isang taon at kalahati nilang pagiging mag-asawa ay biglang nagbago ito ng pakikitungo at sobrang layo na sa pagkakakilala niya rito.

Napatulo kanyang luha ngunit kaagad niya ito pinahiran gamit ang palad. Suminghot at tumitig sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Tahimik niya lamang pinagmamasdan.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay di namalayang alas-diyes na pala. Hudyat na susunduin niya si Carina sa school nito. Kaagad niyang ginising si Cyprus mula sa pagkakatulog. Binihisan niya ang bata saka siya nagbihis na rin ng pamalit. Napakasimple lamang kanyang kasuotan. Naglagay lamang ng pulbos sa mukha at di nagbalak pang maglagay ng lipstick.

Nang masundo na ni Cherry kanyang panganay ay nagmadali silang naglakad sa sakayan upang makahanap ng jeep o tricycle pauwi. Sa kakaisip niya ay muntikan nang masagasaan ng kotse kanyang anak na si Cyprus.

Laking gulat niya sa pangyayari dahilan upang matulala siya.

"Hoy, Misis. Papatayin mo ba 'yang anak mo?" sigaw ng isang lalaking may-ari ng maroon na kotse.

Kaagad na niyakap ng babae kanyang anak at halos mangiyak-ngiyak. Tumingala siya sa lalaki at nagpakumbaba.

"Pasensya na po kayo."

"Anong pasensya? Eh perwisyo itong ginagawa mo, Misis," giit pa ng lalaki. "Paano kung nabangga ko ang anak mo at ako pa magpa-hospital niyan tsk."

"Pasensya na po talaga. Masyado lang kasi makulit ang anak ko." Paumanhin pa ni Cherry na di mabitaw-bitawan ang batang babae.

"Ok ka lang ba, Cyprus?" tanong niya sa anak na umiiyak dulot ng takot. Alalang-alala si Cherry habang tinitignan niya buong kabuuan ng batang lalaki.

"Sa susunod, ingatan mo 'yang anak mo," muling sigaw pa ng lalaki saka nagpaharurot na ng sasakyan.

Hindi niya namalayan na marami na palang nakatitig sa kanila. Napagbuntong-hininga si Cherry at hinawakan niya nang mahigpit ang bunsong anak.

Nang makauwi na sila ng bahay kaagad niyang tinimpla ng gatas kanyang mga anak. Hila-hila niya ito hanggang kusina.

"Mama..." tawag sa kanya ng anak na babae. May tinuturo ito sa kanya.

"Sandali lang, Carina. Nagtitimpla pa ako ng gatas niyo, ok?"

Magpapatulong kasi ito ng assignment sa kanya. Habang ginagawa niya ito ay ipinapatulog naman niya sa braso ang anak na lalaki na si Cyprus.

Pagkatapos tulungan ang panganay sa takdang aralin nito ay inilapag naman niya ang bunsong anak sa sofa. Nagligpit siya ng mga kalat.

Pagsapit ng ala-singko muli niyang dinala mga anak sa kusina upang magluto ng kanilang makakain mamayang gabi.

Nang matapos na niya ang paghanda ng pagkain ay dumating na rin kanyang asawa na si Alfred. Halatang pagod na pagod ito sa trabaho.

"Tamang-tama katatapos ko lang magluto." Dinaanan lamang siya nito at di pinansin. Nagsalin ng tubig sa baso si Alfred at naupo sa mesa. Ngumiti lamang si Cherry ng pilit.

"Gutom na'ko." Iyon ang naging sagot ng kanyang asawa.

Kumuha kaagad ng kanin sa kaldero saka plato at kutsara ang babae. Sinunod niya ang ulam.

"Ano nga pala itong nabalitaan ko sa mga kapitbahay na muntik na raw masagasaan ang anak natin?"

Huminga nang malalim si Cherry at di niya alam kung paano magpapaliwanag.

"Iisa na nga lang anak ang ibinigay mo sa'kin papabayaan mo pa?" reklamo ni Alfred.

"Masyadong malikot si Cyprus kaya makabitaw siya kaagad sa akin," paliwanag ng babae.

Ngumisi lamang si Alfred sa kanya, "Ang sabihin mo kasi hindi ka marunong mag-alaga ng bata," pamimilosopong tugon nito. "Iyan na nga lang ang gagawin mo di pa magawa ng tama."

Pagkatapos, iniwan na siya ng asawa habang nagpapakain pa ng dalawang anak. Inuna niya mga ito saka siya kumain ng gabihan. Halos late na ng gabi siya nakatulog dahil tinapos niya pa ang paghuhugas ng pinggan at pagpaplantsa.

Kinabukasan, muling bulto-bulto ang mga naiwang gawain sa kanya matapos maihatid sa eskwelahan si Carina. Halos mabaliw na si Cherry kakaisip nang makita ang loob ng bahay.

Sa kanyang pagliligpit ng mga kalat ay biglang pumasok sa isipan niya ang kaarawan ni Carina. Nagawa niyang ngumiti dahil doon. Kaya, dali-dali niyang kinuha ang notebook habang bitbit niya sa braso si Cyprus. Isusulat niya ang bibilhing ingredients para sa lulutuing spaghetti next week sa birthday ng kanyang panganay na anak.

"Hindi ka na nga nagkakauga-uga dito sa bahay, mag-abala ka pang magluto sa birthday ng anak mo?" tukoy ni Alfred kay Carina.

"Sssh. Natutulog na ang mga bata. Pakihinaan mo naman ang boses mo," pagsisita dito ni Cherry. "Anak mo rin siya di ba? Please, huwag mo naman ipamukha kay Carina na di natin siya kadugo."

"Sino ba ang may kagustuhan ampunin siya? Di ba ikaw? Kaya wala akong ibang anak kundi si Cyprus lang." Tumalikod na ito sa kanya na tila hindi interesado kausapin pa ang babae.

Biglang tumulo ang luha ni Cherry sa ganoong approach sa kanya ng asawa. Nakalimot ata itong sila nagdesisyon na mag-ampon at mag-alaga kay Carina.

"Ikaw lang naman ang may gustong umampon ng batang 'yan eh."

Napapikit na lamang ng mga mata ang babae upang di na siya makipagtalo pa kay Alfred. Labis ang sakit ang nararamdaman niya ngayon sa biglaang pagbabago ng treatment sa kanya ng asawa na hindi niya maintindihan ang dahilan.

Nagtungo si Cherry sa palengke sakay ang tricycle. Hindi niya kasi kakayaning bitbitin lahat ng pinamili habang hawak niya ang mga bata. Nang makarating sila sa bahay ay kaagad niya inasikaso mga pinamili.

Kalagitnaan ng kanyang pagluluto at pagmamadali ay nadulas siya sa sahig dahil basa ito. Napansin niyang umaapaw na ang tubig mula sa banyo. Nakalimutan niya palang isara iyon.

"Aray!" Daing niya sa masakit na pagkakabagsak niya sa sahig. Napatitig siya sa mga anak na naluluha. Inaalala niya bago mahulog ang mga ito sa upuan.

Hindi na siya nagdalawang isip na sumigaw pa ulit. "Tulong!" Tatlong beses niya iyon sinambit hanggang sa may isang ginang tumulong sa kanya si Aling Marietta kasama ang anak nitong lalaki.

"Dalhin na natin siya sa hospital," sambit nito nang makitang di makatayo si Cherry. "Ikaw na umalalay sa mga bata, Jake," kanyang utos sa kaisa-isang anak.

"Sige po, Ma."

Unti-unti ng minumulat ni Cherry kanyang mga mata at napansin niya ang kulay puti na ceilings. Napalibot kanyang paningin hanggang sa nalaman niya na nasa hospital na pala siya. Nakita niya si Aling Marietta ang nagbabantay sa kanya.

"Mabuti, gising ka na." Nang makitang naimulat ni Cherry kanyang mga mata.

"Sina Cyprus at Carina?"

"Nasa bahay namin. Binabantayan muna siya ng anak ko. Huwag ka mag-alala sa kanila." Maayos na paliwanag ni Aling Marietta. "Papunta na pala asawa mo rito. Tinawagan ko siya kanina."

Tumango lamang si Cherry bilang tugon.

"Kamusta na kalagayan mo?"

"Ayos lang po pero medyo masakit pa rin mga binti ko." Napapadaing pa rin siya sa kurot nito.

"Kung gano'n kailangan mo ng magpahinga nang mabuti.''

Mayamaya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Alfred. Tumayo si Aling Marietta at sandali munang lalabas upang mag-usap ang mag-asawa.

Tinignan ng lalaki ang kabuuan ng kanyang asawa nang may masamang tingin.

"Ano nanaman ba itong kapalpakan ginawa mo ah?"

Sa halip na pag-alala at pangungumusta kanyang matatanggap kundi sermon.

"Imbis sa birthday gift ng anak mo mapupunta ang pera, sa hospital bill pa. Tsk. Kahit kailan wala ka ng ginawang tama," patuloy pang reklamo ni Alfred.

"Aksidente ang nangyari. Wala sinuman may gusto niyon." Naging malumanay pa rin ang naging sagot ng babae.

"Anong aksidente? Sabihin mo puro kapalpakan pinagagawa mo."

Sa kalakasan ng kanilang pagtatalo ay narinig ito ni Aling Marietta dahilan upang pumasok siya ulit. Tinignan niya ng seryoso si Alfred.

"Narinig ko ang pagtatalo niyo sa labas," bungad nito. "Narinig ko kung paano mo di nirerespeto ang asawa mo." Lingon niya kay Alfred. "Nagpunta ka lang ba dito para awayin siya?"

"Ano naman karapatan mo para mangialam sa pagtatalo ng mag-asawa ah?" sagot ng lalaki. "Wala kang puwang dito kaya mabuting umalis ka."

"Alfred..." pakiusap ni Cherry sa asawa.

Tinaasan ni Aling Marietta ng kilay ang lalaki. "Hindi ako aalis dito. Sasamahan ko ang asawa mo."

Napangisi si Alfred. "Mahilig talaga kayo mangialam."

"Nangigngialam ako dahil may pakialam at malasakit ako sa asawa mo. Hindi ng isang lalaki na walang muwang at pakialam sa nangyayari sa asawa niya," giit pa ng ginang. "Ano bang klase ang asawa ka?"

Papatulan na sana ni Alfred si Aling Marietta ngunit mabilis siyang napigilan ni Cherry. Hinawakan niya ito sa braso. Marahang iniwaksi sa kamay ng babae at naglakad palabas ng silid. Kitang-kitang sa mukha ng lalaki ang inis.

"Matagal ko ng alam na gano'n trato sa'yo ng asawa mo," muling pahayag ng ginang. "Bakit mo pa pinagtitiisan 'yan?"

"Mahal ko po ang pamilya ko, Aling Marietta. Nanumpa po ako sa Diyos na habang buhay kami magsasama ni Alfred- sa hirap at ginhawa," paliwanag naman ni Cherry na umaasang magiging mabait ulit sa kanya ang asawa katulad ng dati.

"Pero kung sinasaktan ka na niya ng ganyan bakit mo pa titiisin?"

.

"Siguro po ganoon talaga kapag nagmamahal hanggang mag-tiis ng hirap at sakit," sambit pa ng babae.

"Eh di kaya may ibang babae ang asawa mo? Kaya, ganyan ka niya itrato."

Napatitig si Cherry sa ginang. "Impossible naman po 'yon. Napapagod lang siguro siya."

"Huwag mong i-deny iyon. Subukan mong maghanap ng ebidensiya para malaman mo na hindi nambabae," saad ni Aling Marietta.

Nang gumaling si Cherry buhat ng kanyang injury ay dinala niya kanyang mga anak sa bahay ng ginang.

"Oh, ba't naparito kayo?"

Tumitig muna ang babae sa kanyang anak. "Dito lang kayo sa bahay ni Aling Marietta. Magpakabait kayo."

"May pupuntahan ka ba?" tanong ng ginang

"Oo, Aling Marietta." Sandaling yumuko si Cherry. "Balak ko pong puntahan sa office si Alfred."

"Ok, sige. Basta mag-iingat. Ako na muna bahala sa mga anak mo."

"Salamat po, Aling Marietta."

Napakasimple lamang ang suot ng dalaga papunta sa opisina ng asawa. Papasok na sana siya ng harangan ng gwardya roon.

"Sorry, Ma'am bawal po pumasok."

"Sandali lang naman ako eh. Hahatiran ko lang asawa ko ng pananghalian niya," pakiusap ni Cherry sa security guard.

"Pasensya na kayo, Ma'am hindi talaga pwede," pigil pa sa kanya ito.

Mamaya raw lunchbreak na maaaring kausapin ng babae kanyang asawa at naghintay siya. Trenta minutos siyang naghintay sa guardhouse.

Mayamaya ay biglang nagsilabasan ang ilang empleyado. Hudyat na breaktime na rin.

Sinundan ni Cherry ang asawa nang palihim. Dahan-dahan siyang naglakad at di nagpakita rito hanggang sa marating niya ang lugar na kung saan kakain at tatambay si Alfred pati mga katrabaho nito.

Continue Reading

Other books by Roseandtulips31

More

You'll also like

After Divorce: Loved By The Secret Billionaire CEO

After Divorce: Loved By The Secret Billionaire CEO

Romance

4.8

After a devastating divorce with the man she had been married to for over three years, Rachel thought her life was over. Her family disowned her, they wanted nothing to do with her anymore and she couldn't blame them. She had just divorced David Hart, one of the top successful bachelors in the country and heir to the Hart industries. But they would never understand that she didn't divorce him, he divorced her after she caught him cheating on her with her god-damned best friend! Rachel was just about to end everything by jumping off a bridge when she was saved by the most unexpected person. The boy she once bullied severally in highschool because he always wore ugly glass and was from a poor background, how come that glass make him so hot now? Why was he helping her get revenge on ex-husband who is trying to make her life even more miserable? And most important how did he get so handsome? What exactly does he want from her? ... No, you must want something, anything. If you can really help me get revenge on David and Lana, I can't just let you do it for free". Ethan went quiet for a while. I held my breath waiting for what his request might be. If it was something money could buy, I'll try my best to get it for him even though I was somehow broke right now. "You're right I do want something". He said after thinking for few minutes "What?" I asked slowly. " Until you get your revenge on David, Lana and every other person you want, you will live here". Live here as in...?  " Wha... What are you saying? ". I stammered hoping he wasn't saying what I thought he was saying. I tried to step back but I missed a step and almost fell on the bed but Ethan caught me holding me in his muscular arms.  Ethan moved his face closer to mine be was so close, our nose almost touched. " I want you to be with me! ".

Chapters
Read Now
Download Book