Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Traces of Deception

Traces of Deception

Gemorya

5.0
Comment(s)
9
View
5
Chapters

The City of Meisan, her beloved City faced a major tragic, how can she save her city together with her friends if the one who behind those suffering of the people is her dad? "I am Gweyn Antoniette Vimora, the one who unlocks all the secrets, will fight for good, and who promise to risk my life to defend the people in need. Once again, Attonery Vimora at your service."

Chapter 1 Prologue

"Kelan ka ba uuwi ng Pinas? Ilang taon ka na rito ah, abogada ka na Gweyn," sabi sa'kin ng kaibigan ko rito sa U.S. wala akong maisagot sa kanya dahil ako rin hindi ko alam kung kailan ako babalik.

Lagi naman akong may balita sa Pilipinas, kailangan kong makibalita dahil ang tatay ko ang namumuno. President ito ng Pinas, laking tuwa ko noong nalaman kong nanalo siya bilang Presidente, wala man ako noong mga araw na nangongompanya siya, pinaramdam ko naman sa kanya na masaya ako para sa kanya kahit galit siya sa'kin.

He's a good leader, kahit noong isa pa lang siyang Mayor. I missed him, I missed them.

"I don't know, wala pa akong napapatunayan sa tatay ko," sagot ko kay Mira.

Tama, wala pa akong napapatunayan kay dad. Naging abogada nga ako, nakamit ko ang gusto ko pero tutol si dad. He want me to pursue in politics like him, ayaw niyang mag abogada ako. Gusto n'yang sundan ko ang yapak niya sa politika pero hindi ko gusto ang ganitong buhay katulad niya. Kahit ang kapatid ko ay ayaw rin ito, ganoon kami katigas.

"Here," inilapag ni Mira ang mga papel sa harap ko. "That's your new case, kinuha ko 'yan sa firm dahil hindi ka na naman umattend," she said.

Tinignan ko ang mga papel na inilapag niya, naglabas ako ng malalim na hininga dahil panibagong krimin na naman ang aasikasuhin ko.

"Saan ka ba nanggaling kanina?" tanong nito.

"Pinuntahan ko iyong pamilya ng hinawakan kong kaso." Walang gana kong sabi, kakarating ko lang kasi mula roon.

Galit na galt ang pamilyang hinawakan ko dahil hindi ko raw nailabas ang anak nila sa kulongan, damn! Kahit ako naiinis sa sarili ko, mas malakas ang ibidensya ng kabila na pumatay talaga ito.

Ang hirap kaya ipaglaban ang mali! Another lose of mine, kapag natalo ako sa mga kaso na hinahawakan ko, naiinis ako sa sarili ko.

"Why don't you try to handle a case na hindi naman criminal ang ipaglalaban mo?" my friend said. May nahawakan na rin naman ako dati, sa katunayan nga ay nanalo ako. Pero naaawa kasi ako sa pamilya ng mga taong pumapatay, may mga rason sila kung bakit sila gumagawa ng mali. Pagiging maawain ko talaga ang magpapahamak sa'kin.

"I already did, maybe this is the last time na mag ha-handle ako ng ganito," sagot ko. Lumapit siya sa harap at binuksan ang television. Feel at home talaga 'to, siya lang kasi ang nag-iisang pinay na kaibigan ko rito, lahat ay may mga lahi na.

"HALA!" Napatingin ako sa kanya nang bigla itong sumigaw sa harap ng TV.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya na hindi nakatingin dahil binabasa ko ang bagong case na hahawakan ko. Nakakasira ng utak.

"Dali, pumunta ka rito!" sigaw niya ulit. I sighed at tamad akong naglakad papunta sa tabi niya, umupo ako at kinuha ang popcorn sa kamay niya.

"Ano bang sinisigaw mo?" Naiinis kong tanong.

"Look!" she said. Tumingin ako sa pinanuod niya at napaawang ang labi dahil sa nakita sa balita. Fuck!

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Bomb Threat daw, hindi ko alam kung anong pangalan ng lugar, sa Pinas 'yan hindi ba?" mabilis na sabi nito. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at parang tinutusok ang puso ko dahil sa nakita.

Babae ang nagbabalita, sinasabi nito na may mga bombang sumabog at maraming namamatay at nawawala. Naging usok na ang buong lugar.

Hinawakan ko ang pisngi ko at doon ko napagtanto na lumuluha na pala ako habang pinapanuod ang nasa balita.

"Humihingi ng tulong ang bayang Meisan." Natigilan ako sa narinig mula sa babaeng reporter. Meisan? Our place?

Sa oras na'to, isa lang ang nasa isip ko, kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mira nang tumayo ako bigla.

"Book me a flight Mira," I said to her. Napa awang ang labi niya, kumurap pa ito at nagtatakang tinignan ako.

"B-bakit? Nakita mo lang ang balita uuwi kana bigla?" tanong nito. Pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya.

"That place....iyan ang lugar kung saan ako lumaki, that's my place Mira, and I need to do something!" I said.

"By what? What can you do about it Gweyn?" she asked habang sinusundan ako sa kwarto ko.

Ano bang magagawa ko?

Sinimulan kong ilagay ang mga damit ko sa dalawang maletang inilabas ko.

"Sure kana ba r'yan Antoniette?" she asked.

"Sure na ako Mira," sabi ko na hindi pa rin siya tinitignan.

"Ano ngang magagawa mo? Baka mapahamak ka lang din, balita ko masyadong magulo ang lugar na iyon. Look" she said at hinarap sa'kin ang cellphone niya. "There's a girl na nag v-vlog about that place, inilagay niya dito kung anong nangyayari sa lugar na iyom hindi lang bomb threat, marami pang iba!" she said. Hindi ko siya pinakinggan.

"Just book me a flight Mira," I said.

"Ano ngang magagawa mong tulong sa mga tao?" she asked for the third time. I sighed at humarap na sa kanya.

"I'll talk to my dad na tulongan ang lugar na 'yon, I will investigate what is happening to that place!" sigaw ko. Her face softened, alam kong suko na siya dahil hindi niya na talaga ako mapipigilan.

"Okay then, I will book a flight for you pero sasama ako sa'yo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit?" I asked habang nakatingin sa kanya ng may pagtataka.

"I'll help you at saka boring dito, wala akong kasama. Let's go, I'll go to my condo at mag-aayos na rin, bukas na agad ang flight natin," she said and by that umalis na ito. Hinayaan ko na lang, mabuti na rin nang may kasama ako.

KINABUKASAN, maaga ang flight namin kaya maaga rin kaming umalis. "Damn I miss Philippines," Mira said nang nakarating kami sa airport.

I miss here too.

Kagabi, nag-send ako ng e-mail sa Mayor ng Meisan, sinabi ko roon na tutulong ako sa pag iimbistiga. Ngayon ay hindi pa ako ni-re-replyan, siguro busy pa sa nangyayari. Aantayin ko na lang na ako na mismo ang tatawagan.

Hindi ko na pinaalam kay Dad na umuwi ako, ganon din sa kapatid kong si Anthony. Alam kong busy sila at ayaw kong umagaw ng pansin dahil lang sinundo ako ng mga tauhan ni Dad. Ayaw kong makilala ako na anak niya , hindi dahil hindi ako proud sa tatay ko, gusto ko lang din na tahimik ang araw ko kapag nandito ako sa Pilipinas.

"Grabe, ang init pa rin talaga rito," reklamo ni Mira nang nakasakay kami sa Taxi. Balak na lang namin na mag-rent ng condo unit para magkasama pa rin kami.

"Bakit ayaw mo sa bahay ninyo? Sayang naman yung laki ng bahay niyo," she said.

"Tulad ng sinabi ko sa'yo, wala pa akong napapatunayan kay Dad," sabi ko. Mainit pa rin ang dugo ni dad sa'kin, ramdam ko 'yon dahil once in a blue moon niya lang akong kinakausap.

"Gusto ko pa naman makilala ang Pre-" tinakpan ko agad ang bibig niya. Tinignan ko siya ng masama at sinenyasan na baka marinig ng driver. She zipped her mouth to shut.

Kakasabi ko lang na ayaw kong makilala nila na anak ako ng Presidente, ang ingay ng babaeng 'to.

Dahil wala pa kaming mahanap na condo unit napagdesisyonan naming dalawa na kina Mira muna ako.

"Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan?" tanong niya sa'kin.

"Hindi na Mira, babalik din ako rito, kukunin ko lang ang kotse ko.," I said. Pupunta ako sa amin, sinabihan ko na rin ang kapatid ko na uuwi ako, nagalit pa ito dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na nasa Pilipinas na ako.

"Mag-ingat ka, message mo ako kung babalik ka na." I just nodded to her as my response at sumakay na ako ng taxi. Sa labas lang ng subdivision ako bababa, nag-iingat ako sa mga taong hindi ako kilala. Mas mabuti na 'yong hindi nila alam na anak ako ni President Vimora.

"Salamat manong," sabi ko at lumabas na.

Napairap ako nang makita ang kapatid kong nakasandal sa kotse niya. Kulay itim na naman ang suot nito. Naglakad ako papunta sa kanya, nakapaymewang pa ito.

"Damn, ang taba mo." wow! sarap ng bungad.

"Ang panget mo na lalo brother," asar ko pa. Imbis na maasar ang mokong na'to, hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I missed you, Ate." Napangiti ako dahil sa inasta niya. Anim na taon kaming hindi nagkita.

Nasa kotse na kaming dalawa at nagmamaneho na siya papasok sa subdivision.

"Yabang ng kotse mo ah, bili ni dad?" I asked, the last time I checked ay hindi pa ganito ka ganda ang kotse niya.

"Nah, napanalunan ko ito sa karera and beside hindi ko kailangan ang pera ni dad para sa mga luho ko." Napairap na lang ako sa sinabi niya.

Speaking of dad.

"How's dad?" I asked at tinaggal ang shades ko.

"He's doing fine, actually pumunta siya ngayon sa isang lugar, nag do-donate siya ng mga gamot kasama ang ibang medical team," he said. Kaya doon ako napatinginin sa kanya, napangiti na lang ako. Dad is doing his job for his people.

"Pumunta tayo sa Meisan, Glen, tumulong tayo roon." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Nilingon niya ako na may pagtataka sa mga tingin niya, bumalik din naman agad ang attention niya sa harap.

"Meisan? He's not in the Meisan ate, sa ibang lugar siya pumunta." And by that, napawi ang ngiti ko.

"Narinig niyo naman siguro ang balita sa nangyayari roon hindi ba?" tanong ko. Imposible naman na wala silang alam. Nasa balita iyon, ako nga na na sa ibang bansa, nalalaman ko.

"Kaya ba umuwi ka dahil d'yan?" he asked. He knew it! Hindi ako uuwi rito kung hindi mahalaga ang gagawin.

"Answer my question Anthony, alam niyo ang nangyayari roon diba?" I said pero iba ang sinagot niya sa'kin.

"Ate," seryosong banggit niya. "Don't mention Meisan if dad's around."

"Why?" I asked. "It's our city, Glen. We should help, right? Siguro naman busy lang si dad at nasa listahan niya na tutulongan ang Meisan," sabi ko.

"That was before ate, I know you love that City, hayaan na lang natin si Dad sa desisyon niya," sabi nito. Hindi ko gusto ang mga sinasabi niya.

"Why?" I asked again for the nth time.

"Baka gumawa na ng action si dad ngayon, huwag na lang natin siyang pangunahan."

"What are you talking about Anthony? Umuwi ako rito para humingi ng tulong kay Dad para sa city na 'yon, wala nabang silbi ang pag-uwi ko?" I said. Naiinis na sa kanya, kakarating ko lang ganito na agad ang usapan namin.

"Bumalik ka sa states kung ganoon, hindi mo magugustohan ang kayang gawin ng ama natin."

Nanahimik na kaming dalawa nang huminto ang kotse sa harap ng bahay namin. Sinalubong kami ng isa sa body guard at kasambahay.

"Ma'am Gweyn!" masayang bati sa akin ni Manang Tonya.

"Manang!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Siya ang tumayong nanay ko simula noong nawala si mama dahil sa trahedya, bata pa ako noon kaya hindi ko na masyadong maalala ang nangyari.

"Nako, ang ganda mo na lalo anak! Kumusta ka na?" she asked happily.

"I'm fine manang, ito abogada na." Nakangiti kong sabi.

"Natupad mo ang gusto mo, masaya ako sa'yo. Hali ka, panigurado ay sasaya ang mga inday dahil nandito ka na ulit," she said at hinila ako. Napailing na lang ako sa inasta ni manang, ganitong-ganito siya lagi sa tuwing sinasalubong niya ako.

Pagpasok ko sa loob ng malaking bahay na'to, nagkalat ang mga kasambahay, may mga bagong mukha at iba naman ay dati pa. Ngumiti ako sa kanila at sabay-sabay silang bumati sa akin.

"Welcome back Ms. Antoniette!" they said in chorus.

"Maraming salamat po," ganti ko sa kanila, tumingin ako kay manang.

"Manang nasaan po pala ang susi ng kotse ko?" I asked. Ang alam ko kasi ay siya ang pinagbilinan ko sa mga gamit ko dito.

"Nasa kwarto mo iha, mabuti na lang ay sinabi ni Anthony na uuwi ka, naipaghanda ko na ang kwarto mo," she said. Umiling ako kay manang at napawi ang ngiti niya, napalitan ito ng nakakunot ang noo.

"Sa kaibigan ko po ako mag-s-stay manang at maghahanap po ako ng condo na matutuloyan," sabi ko.

"Ayaw mo rito?" malungkot na tanong niya.

"Bibisita naman po ako." Iyon na lang ang sinagot ko.

"Dahil ba kay Guanzon, anak?" she asked. I smiled at her and nodded slightly. Alam niya ang sitwasyon namin ni dad. Umiling ito at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sabik din iyong makasama ka anak, antayin mo muna siya bago ka umalis." Tango na lamang ang sagot ko.

Kakausapin ko si dad tungkol sa dahilan ng pag-uwi ko, pero naisip ko rin ang usapan namin ni Anthony kanina. I doubted, parang gusto kong umatras na makaharap si dad dahil sa sinabi ni Anthony.

Napalingon ako sa labas dahil lahat ng body guard ay umayos ng tayo at lahat ng kasambahay ay bumalik sa mga ginagawa nila. May narinig akong tunog ng bell.

"What's happening?" I asked my brother na nasa tabi ko na.

"He's here" he said nang nakatingin sa labas ng bahay.

Biglang sumaludo ang mga militar na nandito sa taong kakalabas lang sa van. Habang pinagmasdan ko ang taong naglalakad papasok, gusto kong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya.

Napahinto siya sa paglalakad at nagtama ang tingin naming dalawa.

Dad....

He smiled at me and by that biglang nanlambot ang mga tuhod ko. I missed my dad so much.

Naglakad ito papunta sa akin na may ngiti pa rin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko, tumingala ako sa kanya, ramdam kong may luhang pumatak sa pisngi ko.

He hugged me tight na para bang sabik na sabik siyang makita ako ngayon, I hugged him back.

"Dad..."

"Gweyn Antoniette, my princess."

Continue Reading

Other books by Gemorya

More
Chapters
Read Now
Download Book