Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
A Clash With the Knight 1 and 2

A Clash With the Knight 1 and 2

Sofia

5.0
Comment(s)
716
View
115
Chapters

Lancelot "Knight" Valdrez is the most popular young adult writer in the country. Sa edad na labingpitong taong gulang, nakahakot na ito ng mahigit isang milyong follower sa social media, may sold out books, gagawing pelikula ang libro at naimbitahang mag-aral sa Bright Minds Academy, ang paaralan na ilang beses nag-reject dito. Narito na ang lahat. Pero hindi iyon ang tingin dito ni Sylvie dela Paz, ang bagong kaklase ni Lancelot. Hindi karapat-dapat ang lalaki sa Bright Minds Academy o sa kasikatang tinatamasa nito. He is not brilliant. Di niya maintindihan kung paanong naging sikat ang libro nito samantalang puro loopholes, typo error at mali-mali naman ang grammar. It is a major turn off for her. At sa harap ng mga fans nito, di niya pinalampas ang pagkakataon na ipamukha dito kung ano ang tingin niya sa lalaki. Simula na ang giyera. Sylvie is now Public Enemy Number One.

Chapter 1 ACWTK: 1

Sinipat-sipat ni Sylvie ang viewfinder ng DSLR camera niya na naka-focus sa bintana. In-adjust niya ang setting niyon. Wala siyang tiwala sa automatic setting ng naturang camera lalo na't mas nasanay siya sa manual na SLR camera mula pagkabata. At bago siya sumabak sa pagko-cover ng event para sa The Newsmaker, ang school paper ng Bright Minds Academy kung saan siya nag-aaral sa unang taon bilang senior high school.

Isang pribadong school kung saan nag-aaral ang mga anak mula sa mayayamang pamilya sa bansa at mga mga kabataang mahuhusay sa iba't ibang larangan. Hindi niya masasabing "gifted" siya. May kaya ang pamilya niya pero sapat na para makapag-aral siya sa naturang paaralan. Ang bilin ng ama niya, di siya dapat na dumepende lang sa pangalan ng pamilya nila o yaman nila. Kailangang gumawa siya ng sarili niyang pangalan at gawin niya nang magaling ang lahat ng magagawa niya para gumaling pa siya. Kaya nasa headquarters na siya ng school paper maaga pa lang.

Habang abala siya sa pagkakatikot ng camera, pinagbubuti naman ng mga kasama niya sa The Newsmaker ang pagpapaganda. Kuntodo sa pag-aayos ng kilay si Ehra, ang video jock ng website at social media site ng The Newsmaker. Kilay is life ang motto nito. Habang kina-career naman ng videographer na si Thanos ang violet na lipstick nito sabay nag-pout pa sa compact mirror. Nang luminga si Sylvie sa paligid, nag-aayos din ang ibang kasama niya na babae at happy and gay.

Tinapik ni Thanos ang braso ni Ehra. "Do I look perfect?" At pinapungay pa ang mga mata nang ilapit ang mukha sa babae para lalo itong matitigan.

"Mukha kang gothic character sa kapal ng eyeliner mo at ang violet mong lipstick. Ano ba iyan?"

"This is the Gem of Hades look. Ganitong-ganito ang pagkaka-describe ni Knight sa mga prinsesa ni Hades sa Mystic High. At kapag nakita ako ni Knight, mapapansin talaga niya ako."

Tumaas ang isang kilay ni Sylvie. Gusto na niyang magkumbulsiyon mabanggit lang ang pangalan na iyon. Si Knight ang pinakasikat na young adult writer sa bansa. Disiotso na ito at nakapagsulat ng horror story na may milyon-milyong reads sa internet, naisa-libro na pawang sold-out, at malapit nang gawing pelikula ang kwento nito. May milyon-milyon itong followers sa social media. Libo-libo agad ang comments sa isang status nito. At umuulan ng puso ang mga pictures nito na akala mo ay laging may pictorial. May angas ang dating nito pero gusto naman ng mga fans nito.

"Kilig much" ayon sa mga tagahanga nito. Pero may tumalakay ba sa mga ito tungkol sa mismong kwento? May humimay na ba sa bawat bahagi niyon para makita kung ano ang maganda o hindi sa kwento? Wala. Horror ang kwento pero nakakakilig lang ang nakikita niyang komento. Anong klaseng kalokohan iyon? Wala naman kasing maganda siyang nakikita sa kwento. Basura iyon para sa kanya. Di maganda ang pagkakasulat, may butas ang istorya at mali-mali ang grammar at spelling. Pero walang pakialam ang mga tagahanga nito na sige pa rin sa pagbili ng libro. Natunaw na ang utak sa lahat ng pinag-aralan sa school dahil sa kaguwapuhan ni Knight.

Para sa kanya, mas bagay na maging modelo na lang si Knight kaysa manunulat. Mas mabuting mag-endorso na lang ito ng produkto tutal doon naman ito magaling. Hayaan na nito ang mundo ng pagsusulat sa mas magaling sa pagsusulat.

Inilabas ni Ehra ang make up remover at flat cotton. "Clean up your face. Ako ang nasa harap ng camera kaya ako lang ang may karapatan na makakuha ng atensyon niya."

"Emegerd! I am so flattered. Come to think of it. Ganito na nga ang itsura ko pero insecure ka pa rin sa akin? Gosh! One of the prettiest girls in school and she is threatened by moi. Ganoon ako kaganda pala. Thank you. The crown is mine."

"Shut up! Buburahin ko 'yang mukha mo," banta ni Ehra at akmang hahablutin si Thanos.

"Guys, tama na iyan,"saway ng managing editor nila na si Kitty. "Focus on the task at hand. Ayaw naman siguro ninyo na madismaya si Knight kapag nakita kayo na nagsasabunutan dahil sa kanya. That is not so classy at all. Here at Bright Minds Academy..."

"...we must uphold the high values, moral and integrity to be good citizens of the country and the world. So help me God," dugtong nila sa pagre-recite ng bahagi ng vision and mission ng paaralan. Kulang na lang ay itaas nila ang kanang kamay bilang panunumpa para lang ipakita na sinsero sila.

May mga estudyante at mga teacher sa school na matindi ang paniniwala sa vision ng paaralan kaya isinasapuso at isinasabuhay talaga ng mga ito. Palibhasa mula nursery pa lang nasa Bright Minds Academy na nag-aral ang iba sa mga ito. Habang Grade Five na nakapasok ng naturang paaralan si Sylvie. Grade Four siya nang manalo siya sa isang art competition kung saan sponsor ang may-ari ng eskwelahan. Nanalo kasi ang painting niya pati na din sa photo competition. Nagpadala ng invitation sa kanya para doon na mag-high school at gusto pa daw hasain ang talent niya. Her parents didn't want her to miss the chance. Doon niya nakilala ang namayapang nobyo na si Mark Andrew. Nursery pa lang daw ay nasa Bright Minds na ito. At kung buhay pa sana ito, ito dapat ang pinagkakaguluhan at inuulan ng papuri. Pero na itong pagkakataon para makilala sa mundo. Hindi ito kasing palad ni Knight. All his efforts and bright future gone in a puff.

"Ang putla ng blush on mo, sis. Kulayan pa natin," alok ni Thanos kay Kitty.

"Talaga ba? Salamat. Excited na akong ma-meet si Knight."

Biglang nag-fangirling ang masipag at seryoso nilang managing editor. Mukhang may Knight-virus na kumakalat sa paaralan nila at siya na lang ang di tinatamaan.

Sumilip si Sylvie sa bintana. Nasa fourth floor ang headquarters nila. Mula doon ay natanaw niya ang kulumpunan ng mga estudyante ng Bright Minds. May kasama pang elementary at junior high school. Ina-anticipate ng lahat ang pagdating ni Knight.

Nang dumalaw ang presidente ng Pilipinas niya huling beses na nakita niya ang ganito karaming mga tao na nag-aabang at sabik na sumalubong bisita. Presidente iyon ng Pilipinas. Muntik na siyang mag-collapse nang paunlakan siya ng pangulo na mag-selfie. Ipinagmalaki pa niya sa magulang ang selfie nila ng presidente. Iyon ang paborito niyang coverage. At dapat lang naman na ganoon kagarbo ang pagsalubong sa presidente.

Continue Reading

Other books by Sofia

More

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book