Ang bakasyon ni Justine sa Camiguin kasama sa kaibigan ay ang tanging pagkakataon niya para mailayo ang sarili sa galamay ng istrikta at mahigpit niyang lola. Ito rin ang pagkakataon niya para maging kaakit-akit na babae. Too bad, dahil doon ay nag-clash sila ng guwapo at hot as in laging mainit ang ulo na si Stefan Chung. Parang lagi itong galit sa mga babae na parang lagi itong pagsasamantalahan. Sa muli nilang paghaharap ay siya ulit si Justine – ang conservative at mabait na apo ng lola niya. At ito ang lalaking itinakdang ipakasal sa kanya ng lola niya. Isang malaking gulo kung makakarating sa lola niya kung anong ginawa niya sa Camiguin. At handa siyang gawin ang lahat ng gusto ni Stefan para manatili ang sekreto niya.
"Kailangan ba talagang tumuloy ka pa sa bakasyon na iyan, apo? Puro kasi kayo mga babae lang. Baka mamaya kung anong mangyari sa iyo," nag-aalalang sabi ni Doña Concha na mahigpit ang hawak sa braso ni Justine. Nasa labas sila ng Gate 3 ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Ihinatid siya nito para sa flight niya patungong Cagayan de Oro at kalaunan ay magtutungo na sila ng mga kaibigan niya sa Camiguin sakay ng ferry. Akala niya ay ihahatid lang siya nito pero isang marubdob na drama pala ang gagawin nito.
Daig pa nito ang naghatid ng OFW sa airport at di sila magkikita ng maraming taon.
"Lola, nakakahiya naman po kung ngayon pa ninyo ipapa-cancel ang biyahe namin. Last year pa po namin ito nai-set. As a matter of fact, pagka-graduate ko pa lang ng college three years ago kayo pumayag dito. Ito ang graduation gift ninyo sa akin dahil naka-graduate ako ng cum laude. This is long overdue."
Kasama niya ang mga kaibigang sina Yngrid at Dreamilyn na naging kaibigan niya noong college. Magkakasama sila sa isang org at nagkasundo-sundo kahit na magkakaiba ang kurso. Ang mga ito lang ang pumasang kaibigan niya sa pihikang panlasa ng lola niya.
Overprotective sa kanya ang lola niya dahil siya ang nag-iisa nitong apo na babae. Bukod pa doon ay wala na siyang magulang. Namatay ang nanay niya nang ipanganak siya habang di naman niya nakilala kung sino ang ama niya. Iniwan daw nito ang nanay niya nang malamang buntis ito.
Kaya naman naging mahigpit ito sa kanya. ayaw daw nitong matulad siya sa nanay niya na nagkamali sa pagpili sa lalaki. She died brokenhearted. Kaya naman hanggang ngayon ay di pa rin siya nai-in love. Parang kahit kasi pagde-date ay kailangan pa niyang makasama ang lola niya. Beinte kuwatro na siya pero hindi pa rin siya nito pinagkakatiwalaan na gumawa ng desisyon para sa sarili niya.
"Apo naman kasi. Mindanao ang Camiguin. Sabi mo kasi Bohol Sea lang ang Camiguin na iyan. Mindanao na pala iyon," mangiyak-ngiyak nitong sabi.
"At mababait po ang mga tao doon. Kayo na nga po ang kumausap sa resort na tutuluyan namin pati na rin po sa guide, di ba? Tiniyak ninyo na magiging okay lang ang bakasyon namin. Pati nga ang kilala ninyong general ng PNP sinabi na safe poi yon at walang marahas na insidente ng kahit ano. Napaka-friendly sa mga tourists. Tatlong araw lang naman po akong mawawala. Hindi po matagal iyon. Magkikita rin po tayo." Niyakap niya ito. "Maya't maya rin po tayong magkakatawagan. Everything will be fine."
"Kinakabahan pa rin ako. Hindi mo maiaalis iyon sa akin."
Gusto nang tumirik ng mga mata niya. Parang di na siya makakatakas pa dito nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Halos di kasi siya nawalay sa lola niya. Ayaw nitong mawawala siya sa paningin nito. Kapag nagbabakasyon ay lagi silang magkasama. Hindi nito gusto na magpapalipas siya ng gabi sa ibang bahay. May mga bodyguards din siya noong college siya para daw matiyak na ligtas siya at walang lalaking basta-basta na lang lalapit sa kanya. Nawalan lang siya ng bodyguard nang magtrabaho na siya sa kompanya ng pamilya kung saan lola niya ang major shareholder – ang Paper Reborn. Karamihan ng mga ginagawa nilang papel ay recycled na.
Gaya ng dati ay di siya nahihiwalay sa tabi nito. Napakahabang panahon niya itong kinumbinsi na pabayaan siyang magbakasyon kasama ang mga kaibigan niyang pinagkakatiwalaan din naman nito. Nakakahiya na talaga. Twenty-six years old na siya pero daig pa niya ang elementary student na di pa pwedeng hayaang mag-isa.
Hinila ng Auntie Moira niya ang Lola Concha niya. "Mama, male-late na si Justine sa flight niya." Ito ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata pa lang niya. Saglit lang itong nawala para pamahalaan ang branch nila sa Amerika pero ngayon ay umuwi na para makatulong sa pamamahala ng kompanya. "Hayaan naman ninyong mag-enjoy ang apo ninyo minsan. Matanda na siya. Hayaan ninyo siyang mag-explore at makakilala ng mga boys."
Matalim itong sinibat ng tingin ni Lola Concha. "Anong makakilala ng mga lalaki? Ayokong kung saan-saan lang dumampot ng lalaki ang apo ko."
"Mama naman. Ilang taon na ang apo ninyo. Maano bang pabayaan ninyo siya na makakilala naman ng ibang mga lalaki. Iyon naman ang normal na ginagawa ng mga babaeng tulad ninyo. Tingnan naman ninyo ang apo ninyo. Baka tumandang dalaga iyan."
Namula na ang mukha ni Donya Concha. Kinailangan na niyang gumitna o baka magkainitan lang ang tiyahin niya at lola niya. "Nagbibiro lang po si Auntie Moira, Lola. Mukha ba naman akong dadampot basta-basta ng kung sinu-sinong lalaki?" aniya at pinapungay pa ang mga mata.
"Siyempre naman ako ang pipili ng lalaking nararapat para sa iyo," sabi nito at pinisil ang pisngi niya.
Laging sinasabi iyon ng lola niya. Gusto daw nito na perfect ang lalaking mapipili nito para sa kanya. Ayaw nito nang kung sinu-sino lang ang pakasalan niya o magiging nobyo niya. Dahil din sa pagiging overprotective nito ay natatakot siyang basta-basta makipaglapit sa mga kalalakihan. Ayaw niyang magkamali. Ayaw niyang madismaya ito sa kanya.
Sinenyasan siya ng kaibigang si Yngrid at tumuro sa wristwatch nito. Malapit na silang pagsaraduhan ng counter para sa flight nila. Hinalikan niya sa pisngi si Lola Concha. "Lola, papasok na po kami sa departure area. Baka po ma-late pa kami sa flight namin."
Niyakap siya nito nang mahigpit. "Huwag mong kakalimutan ang bilin ko."
"Opo." Kumalas agad siya dito. "Tatandaan ko po lahat iyon." Paano naman niya makakalimutan kung may listahan pa itong ginawa para sa kanya na ipina-recite pa nito hanggang dumugo ang ilong nbiya.
"Bye, Lola!" sabay na wika nina Yngrid at Dreamilyn at kumaway pa.
"Kayo na ang bahala sa apo ko," bilin ni Lola Concha.
Chapter 1 BHH: 1
09/04/2022
Chapter 2 BHH: 2
09/04/2022
Chapter 3 BHH: 3
09/04/2022
Chapter 4 BHH: 4
09/04/2022
Chapter 5 BHH: 5
09/04/2022
Chapter 6 BHH: 6
09/04/2022
Chapter 7 BHH: 7
09/04/2022
Chapter 8 BHH: 8
09/04/2022
Chapter 9 BHH: 9
09/04/2022
Chapter 10 BHH: 10
09/04/2022
Chapter 11 BHH: 11
09/04/2022
Chapter 12 BHH: 12
09/04/2022
Chapter 13 BHH: 13
09/04/2022
Chapter 14 BHH: 14
09/04/2022
Chapter 15 BHH: 15
09/04/2022
Chapter 16 BHH: 16
09/04/2022
Chapter 17 BHH: 17
09/04/2022
Chapter 18 BHH: 18
09/04/2022
Chapter 19 BHH: 19
09/04/2022
Chapter 20 BHH: 20
09/04/2022
Chapter 21 BHH: 21
09/04/2022
Chapter 22 BHH: 22
09/04/2022
Chapter 23 BHH: 23
09/04/2022
Chapter 24 BHH: 24
09/04/2022
Chapter 25 BHH: 25
09/04/2022
Chapter 26 BHH: 26
09/04/2022
Chapter 27 BHH: 27
09/04/2022
Chapter 28 BHH: 28
09/04/2022
Chapter 29 BHH: 29
09/04/2022
Chapter 30 BHH: 30
09/04/2022
Chapter 31 BHH: 31
09/04/2022
Chapter 32 BHH: 32
09/04/2022
Chapter 33 BHH: 33
09/04/2022
Chapter 34 BHH: 34
09/04/2022
Chapter 35 BHH: 35
09/04/2022
Chapter 36 BHH: 36
09/04/2022
Chapter 37 BHH: 37
09/04/2022
Chapter 38 BHI: 38
09/04/2022
Chapter 39 BHH: 39
09/04/2022
Chapter 40 BHH: 40
09/04/2022
Other books by Sofia
More