Hindi makakalimutan ni Sandy ang huling gabi niya sa Seoul bago siya umuwi ng Pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng lolo niya para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa apartment niya. And that guy stripped infront of her. Nang muli silang magkaharap ay nalaman niyang ito ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. He was Ares Manrique, heir to Pearl of the Orient Bank. At di magandang impression ang iniwan niya dito. Pinalalabas nito na sinamantala niya ang kalasingan nito at babae siya na walang moral at nag-uuwi ng kung sinu-sinong lalaki. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito dahil ito na ang pinakamayabang at pinaka-aroganteng lalaki sa mundo. Pero bakit nang halikan siya nito ay biglang nagbago ang isip niya? He was such a good kisser. And she was willing to spend a hellish forever with him just to taste that kiss over and over again.
Pumailanlang ang malamyos na musika mula sa violin sa maliit na function room na iyon sa isang hotel sa Seoul, South Korea. The classical Broadway song Music of the Night was mesmerizing. Everyone was captivated by the music created by Timothy Cerrudo, a musical genius. At kahit na ilang beses nang narinig ni Ares na tumugtog ang kaibigan ay di pa rin niya mapigilang humanga dito. Nakikita niya kung paanong matulala ang lahat ng tao sa loob ng silid.
Pero wala kay Timothy ang atensiyon niya nang mga oras na iyon kundi sa babaeng nasa mesa sa di kalayuan. The only girl who captivated his heart - Krystianna Agustin. Sampung taon na niya itong hindi nakita nang ganito kalapit. Gaya ng ibang bisita sa okasyong iyon ay nakatitig din ito sa pagtugtog ni Timothy na parang nahipnotismo ito. Ni hindi man lang nito napansin na naroon siya.
He knew she would be here. Nilakasan talaga niya ang loob na pumunta sa birthday celebration na iyon ni Timothy para makita si Krystianna. Matagal na panahon niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Panahon na para maitama niya ang mga pagkakamali niya. Ito na ang huling pagkakataon niya para kaligayahan naman niya ang isipan niya. Para ipaglaban si Krystianna.
Kinapa niya ang kahita sa bulsa niya. An engagement ring. Para sa nag-iisang babaeng gusto niyang pakasalan. Alam niyang siya pa rin ang mahal nito dahil wala pa itong ibang nobyo. Wala itong ginawa kundi magtrabaho para iahon ang pamilya nito sa kahirapan. Ngayon ay matagumpay na sila pareho. Siguro ay maitatama na nila ang lahat. Makakapagsimula silang muli. Maipagpapatuloy na nila ang pagmamahalan nila at handa na siyang ipaglaban ito. Ito na lang ang paniniwalaan niya at wala nang iba.
Bumukas ang ilaw at nagpalakpakan ang mga tao. Nagulat pa siya nang may tumapik sa balikat niya. "Ares, sabi na nga ba't ikaw iyan."
"Dalton," nakangiti niyang bati sa kaibigan at niyakap ito. "Ano? Ilang daang babae na ba ang pinaiyak mo?"
Tumingala ito sa kisame na parang nagbibilang. "Ninety-eight pa lang. Short pa ako ng dalawa para one hundred."
"Ninety-eight official girlfriend. Wala pa diyan ang unofficial," nakangisi niyang sabi.
Babaero pa rin ang kaibigan niya. Isa itong fashion photographer kaya naman iba't ibang lugar na ang napuntahan nito at iba't ibang babae na rin ang nakarelasyon. He had that seductive look that girls of all ages couldn't resist.
Nagulat siya nang may humalik sa pisngi niya. "Hi, Pogi! Miss mo na ako?"
Ihinanda na niya ang suntok nang marinig na boses iyon ng isang lalaki. Natigilan siya sa pagsuntok nang makita ang nakangising mukha ng kaibigan niyang si Princeton na nakangisi sa kanya. "Princeton! Puro ka talaga kalokohan!"
Kinawit niya ang leeg nito ng braso niya at saka ito magaang kinutusan. Nakalimutan niya nang mga oras na iyon na nasa isang formal gathering siya at siya si Ares Manrique na Chief Operating Officer ng Pearl of the Orient Bank na isang matatag na commercial bank sa Asya. Kapag kasama niya ang mga kaibigan. And he never felt this way for a long time. Di siya pwedeng umaktong bata sa harap ng maraming tao lalo na't nakasalalay sa kanya ang kabuhayan ng maraming tao.
"Joke lang iyon," anang si Princeton na isang painter at mahilig sa mas matured na babae. "Tagal mo kasing di nagpakita. Masyado kang busy sa bangko mo. Akala namin iyon na ang pinakasalan mo."
"Mabuti naman di mo ako ipinagpalit sa bangko," singit ni Timothy.
"Happy Birthday," bati niya at kinamayan ito saka tinapik sa likod. "Di ko alam kung anong ireregalo sa iyo.
"You are here. Kumpleto na ang birthday ko. I can say that this is a miracle," anito at pagak na tumawa. "I miss you, cousin."
Nang mga oras na iyon ay alam niyang natawid na nila ang guwang sa pagitan ng pagkakaibigan nila. Sa loob ng ilang taon ay tinikis niya ito dahil pakiramdam niya ay tinraidor siya nito.
Nang maghiwalay sila ni Krystianna ay inaasahan niyang kakampihan siya ng mga kaibigan niya. Siya ang nadehado at niloko. Sa halip na iwasan si Krystianna ay kinupkop pa nito at binigyan ng trabaho bilang assistant ng lolo nito. It was devastating on his part. Si Timothy ang pinakamalapit sa kanya. Inaasahan niya na ito ang unang dadamay sa kanya. Sa halip ay pinili nitong tulungan ang babaeng nanakit sa kanya.
Alam niyang may pagka-santo si Timothy. Ito na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya. Pero sa dinami-dami naman ng tutulungan nito ay si Krystianna pa. Kaya lumayo siya dito. Kahit anong gawin ng mga kaibigan nila na pag-ayusin sila o kahit anong paliwanag nito ay di siya nakinig.
And he was thankful for that. Hindi naputol ang koneksiyon nila ni Krystianna dahil dito. Ang kabutihan nito ang muling maglalapit sa kanila. And he was sure that Timothy would vouch for him.
Chapter 1 YATOFM: 1
11/04/2022
Chapter 2 YATOFM: 2
11/04/2022
Chapter 3 YATOFM: 3
11/04/2022
Chapter 4 YATOFM: 4
11/04/2022
Chapter 5 YATOFM: 5
11/04/2022
Chapter 6 YATOFM: 6
11/04/2022
Chapter 7 YATOFM: 7
11/04/2022
Chapter 8 YATOFM: 8
11/04/2022
Chapter 9 YATOFM: 9
11/04/2022
Chapter 10 YATOFM: 10
11/04/2022
Chapter 11 YATOFM: 11
11/04/2022
Chapter 12 YATOFM: 12
11/04/2022
Chapter 13 YATOFM: 13
11/04/2022
Chapter 14 YATOFM: 14
11/04/2022
Chapter 15 YATOFM: 15
11/04/2022
Chapter 16 YATOFM: 16
11/04/2022
Chapter 17 YATOFM: 17
11/04/2022
Chapter 18 YATOFM: 18
11/04/2022
Chapter 19 YATOFM: 19
11/04/2022
Chapter 20 YATOFM: 20
11/04/2022
Chapter 21 YATOFM: 21
11/04/2022
Chapter 22 YATOFM: 22
11/04/2022
Chapter 23 YATOFM: 23
11/04/2022
Chapter 24 YATOFM: 24
11/04/2022
Chapter 25 YATOFM: 25
11/04/2022
Chapter 26 YATOFM: 26
11/04/2022
Chapter 27 YATOFM: 27
11/04/2022
Chapter 28 YATOFM: 28
11/04/2022
Chapter 29 YATOFM: 29
11/04/2022
Chapter 30 YATOFM: 30
11/04/2022
Chapter 31 YATOFM: 31
11/04/2022
Chapter 32 YATOFM: 32
11/04/2022
Chapter 33 YATOFM: 33
11/04/2022
Chapter 34 YATOFM: 34
11/04/2022
Chapter 35 YATOFM: 35
11/04/2022
Chapter 36 YATOFM: 36
11/04/2022
Chapter 37 YATOFM: 37
11/04/2022
Chapter 38 YATOFM: 38
11/04/2022
Chapter 39 YATOFM: 39
11/04/2022
Chapter 40 YATOFM: 40
11/04/2022
Other books by Sofia
More