Dahil nasunugan ng bahay ay nagmagandang-loob ang boss ni Alondra na patuluyin siya sa bakanteng condo. Isang taon na daw walang nakatira doon at kailangang may magbantay para di bahayan ng multo. Nang minsang umuwi siya galing sa trabaho ay nakarinig siya ng lagaslas ng shower at boses ng isang lalaki sa kabilang kuwarto. Kaya bitbit ang kanyang antique na krus ay nagpunta siya sa kabilang silid para mag-alay ng dasal sa kaluluwang di matahimik. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. "Miss, what the hell are you doing?" dagundong ng boses ng lalaking multo. Bigla niyang idinilat ang mata at isang guwapo at matipunong lalaki ang nakatayo sa pinto ng shower room. Hubad ang makisig at basa nitong katawan. At walang ibang tumatakip sa katawan nito kundi isang pirasong puting tuwalya lang. Bumagsak ang panga niya at nanginig ang tuhod niya. Ito na yata ang pinakamakisig at pinakaguwapong lalaki na nakita niya. Kung ganito kaguwapo ang multo, ayaw yata niyang i-exorcise.
Puno ng disgusto si Micah nang igala ang mga mata sa nightclub kung saan siya idinala ng mga kaibigan . Kadarating lang niya mula sa flight niya sa Chile. Dapat ay mag-e-extend pa siya sa Andes region para year-long sabbatical niya.
Dapat ay honeymoon niya iyon kasama ang dating nobyang si Bella subalit hindi na natuloy ang kasal kaya nag-honeymoon siya kasama ang sarili niya. Isang honeymoon na siya lang naman daw ang may gusto. Isang kasalan na napilitan lang nitong ayunan dahil ayaw nitong mapahiya siya nang mag-propose siya sa harap ng maraming mga tao.
Napailing na lang siya at ininom ang brandy na isinilbi sa kanya. Isang taon na ang nakakaraan ngunit malinaw pa rin sa kanya nang araw na di ito sumipot sa kasal nila. It was supposed to be a fulfillment of his dream. Pero nagtanan ito kasama ang bestman niya. That snake!
"Why the gloomy face?" tanong ng kaibigan niyang si Arice at siniko siya. "Come on, buddy! It's your birthday."
Matalim niya itong tiningnan. "At sana nasa Chile pa rin ako ngayon."
"At anong gagawin mo? Magsesenti kang mag-isa sa bundok?" wika naman ni Cougar. "Mas masaya naman kaming kasama sa birthday mo. Aren't you happy that you are back with your cool friends? Mas gusto mo pang kausap ang mga kuliglig kaysa sa amin? I am hurt, man."
Umasim ang mukha niya. "Yeah! You are supposed to be on your deathbed, remember? Na kailangan kong umuwi dahil malapit ka nang mawala sa mundo. But you are as strong as a horse," ngitngit niya at tinungga ang brandy.
Dalawang araw na ang nakakaraan ay tumawag ang mga ito sa Blackberry niya na may satellite phone feature. Katatapos lang niyang mag-hike sa mountainous region ng Andes at in-experience ang Alto Plano. Gusto niya ang mga lugar na wala halos tao at ang natatanaw lang ay kawalan. Na parang doon niya matatagpuan ang sarili niya. Manaka-naka lang siyang nagpaparamdam sa mga kaibigan at nagpo-post ng picture sa social media account para malaman ng mga ito na buhay pa siya.
Pero natarnta siya nang sabihin ni Arice na may malalang sakit si Cougar at bilang na ang mga araw nito. Sa sobrang pag-aalala ay kinansela niya ang tour niya at bumalik agad ng Pilipinas. Sinalubong siya ng mga kaibigan sa airport pa lang. Sa halip na dalhin sa ospital kung saan nakaratay si Cougar ay idinala siya ng mga ito sa Fanta-C nightclub kung saan naghihintay na si Cougar na may nakakalokong ngiti sa mga mata. Wala sa itsura nito ang malapit nang mawala may nagsasayawang mga halos hubad nang babae. At ayon sa sorpresa ng mga kaibigan niya, nakikini-kinita niyang maglalaho din ang damit ng mga ito sa takdang oras.
He was jet lagged. Sa loob ng dalawang araw ay alalang-alala siya na baka di na niya abuting buhay ang kaibigan. Pagkatapos ay malalaman niyang isang kalokohan lang ang lahat. At makakakita pa siya ng mga babaeng nilikha para manlinlang ng mga lalaki.
"Mas gusto mo ba namatay na lang ako?" tanong ni Cougar at sumandal sa couch saka pumikit na parang wala nang buhay. "Okay. I am dead."
"This is not a good joke!" angil ni Cougar dito.
Inakbayan siya ni Steele at tinapik ang balikat niya. "Ginawa lang namin ang magagawa namin bilang tunay na kaibigan. Hindi ka namin maatim na iwang nagse-celebrate ng birthday mo sa gitna ng kawalan."
"Oo nga. Di bale sana kung nambababae ka sa mga pinupuntahan mong lugar. Pero sinayang mo ang mga Latina chicas," wika ni Arice at pumalatak. "We can't let you live like a monk."
"So, take you pick among the girls." Kumindat si Cougar. "Time for some action, man! We want the old Micah back."
Di siya nag-abalang sipatin pa ang mga kababaihan. Wala siyang gusto sa mga ito. He lost his taste with those kind of women. He was actually done with women. Gulo at sama ng loob lang ang dala ng mga ito sa kanya.
Tumungga ulit siya ng alak. This was not his idea of a great birthday. Ang gusto niya ay katahimikan. Di masasakit sa matang mga ilaw, maharot na musika at mas maharot na babae. Before he fell for Bella.
Bella was different from those women. Kababata niya si Bella. Noong una ay di niya ito napapansin. Masyado kasi itong tahimik. He wanted his women flirty and loud. She was shy, very unsure of herself and very fragile-looking. Ito ang klase ng babae na gugustuhing alagaan ng kahit sinong lalaki. Nagustuhan niya ito dahil malambing ito, tahimik at nakatango lang sa lahat ng sabihin niya. Kaya nga nang naisip niyang oras na para magseryoso siya sa babae at gusto na niya ng pamilya, si Bella ang pinili niya. Sa palagay kasi niya ay magiging mabuting maybahay ito.
Pero nagkamali siya. She was also a cheat. Hindi siya ang mahal nito kundi ang bestfriend nito. At kaya lang siya nito sinagot ay dahil gusto nitong pagselosin ang bestfriend nitong matagal na nitong mahal. Di naman daw nito inaasahang magpo-propose siya at mamadaliin niya ang kasal.
"Kung ayaw mo sa ganyang klaseng babae, gusto mo bang tawagan ko ang isa sa mga ex mo?" tanong ni Steele at inilabas ang cellphone.
Pinigilan niya ito. "I said stop it! This is not my idea of fun. Gusto ko lang magpahinga." At kung makakabalik siya sa isang lugar na tahimik. Kahit saan basta walang ingay. Walang babae. Gulo lang ang dala ng mga ito sa buhay niya at sama ng loob.
"Micah, di katapusan ng mundo nang iwan ka ni Bella. She's not worth it. Nagpapatalo ka lang sa kabiguan mo. Kinakawawa mo lang sa sarili mo," sermon ni Cougar. "Marami pang mga babae diyan."
"Ano? Mga babaeng tulad ng mga babae dito?" tanong niya at umiling.
"Kung wala ka mang love life, you could get a sex life for starters. O kaya magpari ka na at ikaw na magbibinyag sa magiging anak namin," sabi ni Steele at bahagyang umindak sa musika. "Pili ka na."
"Ayoko nga ng babae," giit niya.
Nagkatinginan ang mga ito at nababahalang tumutok ang mga mata sa kanya. "Gay bar na gusto mong pasukan?" tanong ni Arice. "Wag ganoon, man! Ipapasok ka na lang namin sa kumbento kaysa magkaganyan ka. O kaya mag-monghe ka sa Tibet. Sagot ko pamasahe mo."
Chapter 1 Dying
11/04/2022
Chapter 2 Home
11/04/2022
Chapter 3 Magkatuluyan kayo
11/04/2022
Chapter 4 Multo
11/04/2022
Chapter 5 Have you gone mental
11/04/2022
Chapter 6 Magnanakaw ng puri
11/04/2022
Chapter 7 Micah Bergonia
11/04/2022
Chapter 8 The Boss
11/04/2022
Chapter 9 After Bella
11/04/2022
Chapter 10 Happy Birthday, Sir
11/04/2022
Chapter 11 Ready ka nang makipag-date
11/04/2022
Chapter 12 Late on first day
11/04/2022
Chapter 13 You represent me
11/04/2022
Chapter 14 Bossy
11/04/2022
Chapter 15 I have a bad feeling
11/04/2022
Chapter 16 Ano'ng problema sa condo ko
11/04/2022
Chapter 17 Domineering and heartless
11/04/2022
Chapter 18 That is nothing
11/04/2022
Chapter 19 Huwag assuming
11/04/2022
Chapter 20 That is unforgivable
11/04/2022
Chapter 21 Marlowe
11/04/2022
Chapter 22 Santa-santita
11/04/2022
Chapter 23 Just the two of us
11/04/2022
Chapter 24 Talented Micah
11/04/2022
Chapter 25 Paano ang ibang irereto
11/04/2022
Chapter 26 Nothing extreme
11/04/2022
Chapter 27 Bestie
11/04/2022
Chapter 28 Maling hinala
11/04/2022
Chapter 29 Final chapter 1.0
11/04/2022
Chapter 30 Final chapter 2.0
11/04/2022
Other books by Sofia
More