/0/26237/coverorgin.jpg?v=4dc3b6cf3d06dcc5a91b4367e73cc086&imageMogr2/format/webp)
1 new text message received
Unknown Number: poor andrea
Unknown Number: ngayon alam na ni Riguel ang totoo tungkol sayo
Unknown Number: na manloloko ka
Unknown Number: - Kar(m)a
Kumunot ang noo ko pagkabasa. Kahit di ko kilala kung sino yung nag-text sa akin nito ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sino to?
Agad akong nagtipa ng ire-reply, nanginginig pa ang kamay ko sa galit. Kaso binawi at binura ko din pagkatapos.
Wala nga pala akong load pang-reply.
"Andrea?" Tawag sakin ni Meryl. Co-artist ko sa Drama Guild. One of my closest friend nung makapasok ako dito sa TEO.
"Anong problema?"
"Magsisimula na ba tayo sa practice?" Di mapakalimg tinignan ko ang aking relo.
"Ten minutes-"
"Babalik ako."
Narinig kong tinawag ako ni Meryl kaso hindi ko na siya nilingon. Importante yung play na gagawin namin ngayon at ip-present na namin yun next week. Pero wala na akong pakialam. Hindi ako makahinga ng maayos. Agad akong tumakbo papuntang Action Guild, kasi alam kong merong shooting si Riguel ngayon.
Whatever it is, kailangan ko siyang makausap. Baka sakali. Baka sakaling maniwala siya sa side ko. Kung bakit ko siya ginamit. Kung bakit ko siya niloko.
I stopped and went inside from the tent, nagsh-shoot sila mula sa labas. Hinintay ko siya, nagpaikot-ikot, kanina pa ako di mapakali. May ibang naglilingunan sa akin, pinag-uusapan ako, pero di ko na binigyang pansin. Alam ko kung anong tumatakbo sa utak nila. Nag-beep ang phone ko at nakatanggap ng text.
Meryl: San ka na?
I bit my lip. Naririnig ko na ang sigaw ng aming team leader na si Jyka sa isipan ko. One more minute, sabi ko sa sarili.
And there he was.
Saktong pagkapasok niya ng tent ay nagtama ang mga tingin namin. Lahat ng prinactice kong mga salita ay tila umurong sa dila ko.
"Umalis ka na," yun agad ang una niyang sabi.
"Riguel, pwede bang mag-usap tayo?" Hindi niya ako pinansin at naglakad ng walang direksyon. Basta, sa lugar na pwede niya akong iwasan.
"Riguel pwede bang-"
"Hindi na ako maniniwala sayo, Andrea!" Sigaw ni Riguel, galit na galit. "Alam ko na ang totoo!"
"Please, magpapaliwanag ako, Riguel! Pakiusap!" Pinilit ko siyang iharap sa akin kaso galit na galit siya at hindi ko matansya kung anong pwede niyang gawin.
"Ngayon ko lang na-realize...maniwala ka sakin." I begged. "Nung sinabi mong mahal mo ako, naniwala ako." Hinawakan ko ang kamay ni Riguel pero pilit siyang kumakawala sa akin.
"Hindi, Andrea. Kung naniniwala ka talagang mahal mo ko, hindi mo ako gagamitin. Dahil ba basagulero ako ha?!" He bit his lip. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. "Tangina! Doon ka na kay James! Gusto mo ng manloloko diba?! Ayaw mo sa mga basagulerong tulad ko!"
Tinulak niya muli ang mga kamay ko. I know, that was a dick move. Alam kong hindi niya na ako mamahalin, at tanggap ko yun, kaya kahit patawad nalang. Sana tanggapin niya.
I bit my lip as I remember all my plans going down, leaving me this terrible.
/0/27044/coverorgin.jpg?v=78ec43be4f346e2f30145b4f5682ca17&imageMogr2/format/webp)
/0/27132/coverorgin.jpg?v=279f90c7d85f170225cd26c0aecedf00&imageMogr2/format/webp)
/0/26992/coverorgin.jpg?v=20220415102741&imageMogr2/format/webp)
/0/26527/coverorgin.jpg?v=b010f9a50f4664e626e570d85a5eee10&imageMogr2/format/webp)
/0/27269/coverorgin.jpg?v=20220620092324&imageMogr2/format/webp)
/0/28858/coverorgin.jpg?v=18e020066c13b3fd946819b547ddfaba&imageMogr2/format/webp)
/0/27511/coverorgin.jpg?v=f7467b46f6ca760e65577796f5dd7542&imageMogr2/format/webp)
/0/27017/coverorgin.jpg?v=20221127163009&imageMogr2/format/webp)
/0/26968/coverorgin.jpg?v=df067f42718ba55ec4d34a8473138d4c&imageMogr2/format/webp)
/0/27315/coverorgin.jpg?v=7cdc15872bfca845a127c24a117daa9a&imageMogr2/format/webp)
/0/26767/coverorgin.jpg?v=3b9a9bcf07cae93e0a40aff5c2f35870&imageMogr2/format/webp)
/0/26784/coverorgin.jpg?v=d563d658a98d023039b03e046ef8cdc5&imageMogr2/format/webp)
/0/27194/coverorgin.jpg?v=d2d97b6a70dfa8b2c7793f0f3f45b0ff&imageMogr2/format/webp)
/0/27040/coverorgin.jpg?v=f2b8aa1b56bbfc319a899c518e33c97f&imageMogr2/format/webp)
/0/26833/coverorgin.jpg?v=a761ef9aa575c5be24de3cf4f72d7159&imageMogr2/format/webp)
/0/45102/coverorgin.jpg?v=b38e6d610cd25f1d0748611f57facea5&imageMogr2/format/webp)
/0/32598/coverorgin.jpg?v=20230214140336&imageMogr2/format/webp)
/0/26995/coverorgin.jpg?v=b7d281774acb0c4517df1f715ccc2495&imageMogr2/format/webp)