My Coldhearted Ex Demands A Remarriage
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
His Unwanted Wife, The World's Coveted Genius
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
Comeback Of The Adored Heiress
The Masked Heiress: Don't Mess With Her
Love Unbreakable
Reborn And Remade: Pursued By The Billionaire
The CEO's Runaway Wife
Celestial Queen: Revenge Is Sweet When You're A Zillionaire Heiress
Iilang shot's pa lamang ang nainom niya mula sa alak na inorder pero nakakaramdam na siya ng pagkahilo. Ngunit sa kabila non ay wala siyang balak na itigil ang pag-inom.
Iyon naman talaga ang pakay niya kaya siya pumunta sa bar na iyon, ang magpakalasing at lunurin ang sarili sa alak para makalimot.
Hindi na nya magawa ang umiyak, napagod na yata ang mga mata niya sa kakaiyak.
Isang linggo na ang lumipas pero hanggang sa mga sandaling iyon ay sariwa pa rin ang mga masasakit na
ala-ala na tila kahapon lamang nangyari.
Ito sana ang araw na pinangarap nya ng halos dalawang taon, ito sana ang araw na pinaka-hihintay niya.
Her wedding day!
Ngayong araw sana ang kasal niya sa kanyang fiancé--to be exact kaninang umaga sana, kung hindi niya lang ito nahuli having an affair with another woman a week ago.
Noong una hindi siya naniwala, inisip niya na niloloko lang siya nung taong tumawag sa kanya at nagsabing nakita nito si Robert checked in into a hotel with a woman.
The caller even told her the name of the hotel and the exact room number. Sinabi rin nitong hindi naman daw siya nito pinipilit na maniwala, concern lang daw ito sa kanya.
After a moment of hesitation, nagdesisyon siya, mabilis pa sa alas kwatro siyang sumibat at pinuntahan ang nasabing hotel.
Her hands was shaking as she begin to push the button of the doorbell in that hotel room. Kahit na ilang ulit na sinigurado ng caller na si Robert nga iyon, still, she is hoping that it was not.
She never doubted him even once dahil hindi naman ito nagbigay ng motibo sa kanya.
Until that day!
Kung na shocked siya sa nakita, mas higit ito, his eyes widened the moment he saw her standing infront of the door. Hindi na siguro ito nag- abalang sumilip sa peephole, sadyang parang may hinihintay talaga ito.
"Hon ang wine na ba iyan?" narinig niya ang boses ng isang babae na alam nyang papalapit na sa kinaroroonan nila.
Her eyes filled with raged as she look straight into him, tears begin to form. Ramdam nya ang pamumula ng mukha niya sa galit habang tinitingnan ang namumutla nitong mukha.
"Angelie!" yun lang ang tangi nitong nasambit.
Nang idiretso nya ang tingin, nakita niya ang isang babaeng nakatapis ng tuwalya at halatang bagong paligo lamang.
Napatiimbagang siya ng muling ibalik ang tingin sa mukha ni Robert. She was speechless, stunned and in so much shocked!
Isa lang ang gusto nyang gawin ng mga sandaling iyon--ang umalis at lumayo sa lugar na iyon.
Narinig nya pa ang pagtawag ni Robert sa pangalan nya ng tuluyan siyang tumakbo papunta sa elevator.
Sa kotse na siya nagawang humagulgol.
"Angelie, babe mag-usap tayo please, let me explain." halos nagkakandarapa ito habang kumakatok sa salamin ng kanyang kotse. "Please..please babe hear me out!"
Pinahid niya ang kanyang mga luha, ayaw niya na sana nitong kausapin pero meron siyang gustong malaman. Binuksan niya ang bintana ng kotse pero nanatili ang tingin nya sa manibela.
"Kailan pa?" mahina pero puno ng pait na tanong nya, hoping for at least an honest answer.
"I..I met Georgia five months ago, but we're just seeing each other lately, about two months."
So Georgia was her name!
mapait siyang ngumiti.
"But please babe, we're not-"
hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isarado niya ang bintana ng kotse at pina-andar.
Sapat na ang kanyang narinig. Two months? ganoon na pala siya katagal nitong niloloko, kung hindi pa dahil sa babaeng iyon na tumawag sa kanya para ipaalam ang escapades nito ay hindi nya pa malalaman.
Isipin pang malapit na silang ikasal!
"Angelie please.. please talk to me!", kalampag nito sa kanyang kotse, hindi pa ito nakontento humarang pa ito sa harapan.
"hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nakakapag-usap ng maayos, please!",
"Kung gusto mo pang mabuhay, aalis ka dyan! but if you don't want to.. well, I'm more than willing to kill you myself!" puno ng poot na sabi niya saka mabilis na pinaharurot ang kanyang kotse.
Mabilis naman itong umiwas at nang tingnan nya ang kanyang side mirror, nakita niyang nakasunod ang nanlulumo nitong tingin sa kanyang kotse.
To hell with you!
Nang medyo malayo na ang itinakbo ng kanyang sasakyan saka niya lamang ito inihinto sa gilid ng kalsada at doon muli siyang humagulgol ng iyak.
How could he do that?