/0/87013/coverorgin.jpg?v=03a545cda7f62154e8e6e3fea8e07fc4&imageMogr2/format/webp)
Caroline Faith’s POV
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta ng aming bahay galing trabaho. Thirty meters lamang ang layo nito mula sa may kalsada hanggang sa bahay. Mga ilang sandali pa ay may narinig akong isang pamilyar na boses. Kilala ko na kung sino tumatawag sa nickname sa akin at wala ng iba kundi ang bestfriend kong si Tristan James de la Paz. Apat na taon ang tanda niya sa akin at para ko na nga siyang kuya pero naiilang akong tawagin siyang ganoon lalo na crush ko siya. Oo gusto ko siya simula noong high school pa lang kami, natutuwa kasi ako sa kanya.
“Uy kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka lumilingon?” nakasimangot na tanong nito pero napangiti naman lang nang palihim.
“Alam ko naman na ikaw ‘yan. Bakit pa ako lilingon?” nagmamaang-maangan kong tugon.
Ayaw ko lang kasi siyang titigan para akong natutunaw. Napailing-iling na lang ako para makaiwas na ng tingin.
“Suplada ka na pala ngayon, tzk!” reklamo niya.
“Hindi naman sa ganoon noh. Alam ko namang ikaw ‘yon kaya di na kailangan lumingon pa.” muli kong paliwanag sa kanya.
“Suplada ka na nga talaga. Ayaw nang mamansin kahit sa bestfriend niya.” nagtatampong saad muli nito kaya lumapit ako at napakapit sa kanyang braso.
“Sorry na oh. Hindi ko sinasadya. Happy?” nginitian ko siya.
“Bakit parang naiinis ka pa ata eh!” pagmamaktol niya at di magawang maniwala sa akin
“Hindi nga eh kaya nagso-sorry na oh.” paglalambing ko pa kasabay ng pagmamakaawa.
“Sige na nga.” ngumiti siya at mas lalo pa niya pinakapit ang mga kamay ko sa kanyang braso para lang tuloy kami mag-jowa. “Kung hindi lang kita bestfriend, nako.” kasabay naman ng pagpisil sa aking kaliwang pisngi na dahilan upang napadaing naman sa sakit.
“Aray ko naman! Grabe ka makahila sa face ko.” reklamo ko at binitiwan niya na rin. Ako naman humawak sa aking pisngi na kaninang hinawakan niya. Napansin ko na parang namamaga. Hinampas ko na siya sa braso at iniwan siyang mag-isa.
“Teka lang uy. Sorry hindi na mauulit. Sarap lang kasi pisilin ang pisngi mo ang tambok kasi.” nakangisi paring saad at sinimangutan ko siya saka tinalikuran.
Hinabol naman niya ako at siya naman umagkla sa aking braso.
“Sorry na cef, hindi na mauulit.” tinaas niya ang kanang braso bilang tanda na hindi na uulit pa.
“Ok na.“ sagot ko habang iniirapan siya.
Hinatid niya muna ako sa amin kaya dinaanan lang muna namin ang kanilang bahay. Nakaramdam tuloy ako ng kilig sa loob-looban ko.
Nang makarating na kami, hinayaan at hinintay na muna niya ako makapasok sa loob bago napagdesisyon na umalis. Napangiti naman ako habang papasok sa loob ng bahay namin nang bigla na lang ako salubungin ng mga aking kapatid. Alam kong aasarin lang naman nila ako.
Bakit ba kasi ako nagkaroon ng mga ganitong kapatid? Kainis!
“Lola tignan mo si ate kasing pula na ng kamatis oh. Hinatid lang ni Kuya Tristan kinilig na.” pang-iinis sa akin ni Cipher at agad kong pinatahimik siya baka pa kasi marinig ni Tristan pati ng kapitbahay.
“Oo nga ayiee!” dinagdagan pa ni Candy.
“Magsitigil nga kayo dyan. Impossible ‘yang mga naisip niyo saka magkaibigan lang kami, ok?” tinititigan ko na sila ng seryoso hudyat na ititigil na sila sa pagbibiro.
Napakamot na lang ng ulo si Cipher habang nanahimik naman si Candy.
Totoo talaga na kaibigan ko lang siya at parang isang kapatid na babae lang turing sa akin ni Tristan. Wala na hihigit pa roon pero masasabi kong may romantic feelings talaga ako para sa kanya. Hindi ko lang pinapahalata dahil ayaw kong masira at mawala ang friendship namin dahil lamang sa aking nararamdaman. Hindi ko isasakripsyo ang aking feelings sa pagkakaibigan namin na matagal na nabuo. Ayos lang sa akin na ganito lang, na nakikita ko siyang masaya at magkasama kaming nagkakatuwaan minsan.
Sa kabila ng pag-iisip hindi ko namalayan nakapasok na pala ako ng aking kwarto. Ni-lock ko muna ang pinto, nilapag ang bag sa table at dumukot ng damit pambahay sa aparador at nagbihis. Pagkatapos lumabas na rin ako at nadatnan kong inihanda ni lola ang meryenda para sa akin at agad akong nagpasalamat.
KINAUMAGAHAN.
“Good morning everyone.” masayang bati sa mga ka-workmates ko.
“Good morning, too. Mukhang maganda ang araw natin ah. Anong meron?” bungad na tanong ni Joanne sa akin kaya napalingon naman ako sa gawi niya.
“Wala naman. Basta maganda ang araw ko lang ngayon.” nakangiti lang habang sinasambit 'yon.
“Hindi eh parang mayroong naganap na kakaiba. Tell me. Teka…..” napahinto siya ng ilang segundo bago nagsalita. “Tungkol ba ‘yan sa bestfriend mo? Nanligaw na ba siya sayo?”
Napangiwi na lang ako sa mga tanong niya at sinimulan ko na rin ang trabaho.
“Ano?”
/0/27499/coverorgin.jpg?v=5ef15f67a7a688da1be4d916a9960d62&imageMogr2/format/webp)
/0/58664/coverorgin.jpg?v=7c0a79f9d3e5c4cbf9bd5e0ddc14bc11&imageMogr2/format/webp)
/0/39521/coverorgin.jpg?v=24716ea69eeca3083816e97b894aadbd&imageMogr2/format/webp)
/0/85026/coverorgin.jpg?v=d534f2d3239af2d8088bb056c64f0acd&imageMogr2/format/webp)
/0/91370/coverorgin.jpg?v=d87ed4719f6d2018011f127bb9d9e974&imageMogr2/format/webp)
/0/86519/coverorgin.jpg?v=6c1c778aab3d86b23bfb1c9a834181ea&imageMogr2/format/webp)
/0/86807/coverorgin.jpg?v=3554f96dbd900b4f319ceaae805e9a45&imageMogr2/format/webp)
/0/54781/coverorgin.jpg?v=354efbfa666b3d6a17bc5db12909e4fe&imageMogr2/format/webp)
/0/76576/coverorgin.jpg?v=20250514002523&imageMogr2/format/webp)
/0/44210/coverorgin.jpg?v=5d739bf2953eae4f654c8ddc057e8c44&imageMogr2/format/webp)
/0/65932/coverorgin.jpg?v=e07f203525618a6f8d7e40b58e3f2b5b&imageMogr2/format/webp)
/0/57996/coverorgin.jpg?v=d30e5299201d8ba7c259b1e5b55f74d8&imageMogr2/format/webp)
/0/86956/coverorgin.jpg?v=14097d6f1713ea0b7a8bda357ecd9d2b&imageMogr2/format/webp)
/0/83659/coverorgin.jpg?v=3c5268218ba3cf981dc6cb1321da1c07&imageMogr2/format/webp)
/0/67326/coverorgin.jpg?v=618645d925c32b6589795565a60b2a89&imageMogr2/format/webp)
/0/80776/coverorgin.jpg?v=55faaa0e27b684bae78b994f0ab915b6&imageMogr2/format/webp)
/0/43599/coverorgin.jpg?v=5b2410d7b905bba5042f18214b2e8d8e&imageMogr2/format/webp)