/0/26996/coverorgin.jpg?v=20220602003453&imageMogr2/format/webp)
"Do you really think na matatalo mo ko, Dow?" saad niya at saka humagalpak ng tawa na parang nangaasar pa. "I'm not that stupid to face you like this, knowing that you're one of the top agents of Enigma. Anong akala mo sakin? Tanga?" dagdag niya pa at saka itinutok sa akin ang hawak niyang baril.
Naiyukom ko ang mga kamao ko.
Dalawang baril na lang ang mayroon ako, at wala na rin akong spare magazines. Panigurado, pinalilibutan ako ng mga bataan ng hunghang na 'to. Natawagan ko na naman sila, at nasabi na ang lahat.
Should I take my chance?
Should I take a risk? Kaya ko ba?
"Hindi ko naman sinasabi na tanga ka. Pero, isa kang malaking duwag!" saad ko at saka natawa ng bahagya. "Think about it, Chaos. Ako laban sa'yo at sa mga gagong bata mong nakapalibot sa akin. Don't you think you're being too cruel? Why don't you give me a fair and square battle? Makabawi ka man lang sa dami ng atraso mo sa'kin."
Agad na inilibot ko ang aking mga mata. Nasa harapan ko si Chaos. Sigurado, mayroong tatlo sa likod ko. Mayroon din sa magkabilang gilid niya at isa sa itaas bilang sniper. Pito laban sa isa? Kaya ko kaya? Sa dalawang baril ko na may tig sampung bala?
Agad napukaw ni Chaos ang atensyon ko ng tumawa na naman ito ng napakalakas. Sa totoo lang, nakakabwisit na ang tawa niya. Masyadong malaki ang boses niya na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ang tumatawa. Umuugong sa tainga ko ang pagtawa niya at naaaburido na talaga ako.
"Alam mo ba kung paano namatay ang mga magulang mo? X and Ace? Nasabi ba sayo ng Enigma ang katotohanan kung paano sila namatay? Nasabi niya ba sa'yo? I bet not," saad nito sa nakakalokong tono.
Lalo kong naiyukom ang mga kamao ko at matalim na tumitig sa kanya. Hindi ako pumasok sa Enigma para lang magligtas ng buhay ng kung sino mang tao o protektahan ang mundo sa lahat ng masasama. Pumasok ako sa mundong wala akong ideya para maintindihan ang mga magulang ko at patayin din ang taong pumatay sa kanila.
Pero hindi ko lang inakala na si Chaos pala ang taong hinahanap ko. Tama nga sila, looks can be deceiving dahil naloko niya ako sa mahabang panahon.
Naloko niya ako nang ganun-ganun lang.
"Alam ko Chaos. Sa tingin mo ba nandito ako para makipaglaro sa'yo? Dalawa lang ang pwede mong gawin. Mamatay ng payapa sa mga kamay ko, o patayin mo ko." sabi ko at saka ngumiti sa kanya, "dahil kapag nabuhay ako matapos ang labang 'to, pinapangako ko sa'yo, susundan kita kahit sa dulo pa ng impyerno!" sigaw ko pa at saka inilabas ang dalawang baril ko at agad na binaril ang dalawang nagtatago sa poste na nasa gilid ni Chaos.
Mabilis na tumakbo ako at nagtago sa isang malaking poste ng building na 'to. Lima. Limang bala na ang nagagamit ko at hindi ako sigurado kung napatay ko ba yung dalawang nasa gilid ni Chaos.
"Ano Dow!? Magtatago ka na lang? Hindi kita kilalang ganyan! Duwag na ba ngayon ang top agent ng Enigma!?" sigaw ni Chaos sa nakakalokong tono.
Sinilip ko siya sa gilid ng posteng 'to. Nakita ko ang isang bata niya sa bandang likuran niya. Dahil nasa magandang anggulo at kitang-kita ko ang target, agad na itinutok ko ang baril ko at saka kinalabit ang gatilyo nito.
Bang!
Tumba ang kalaban. Napangiti ako.
Ganito din kaya bumaril ang nanay at tatay ko? Ganito rin kaya ang pakiramdam nila tuwing nakakapagpatumba ng kalaban?
Agad nabalik ang atensyon ko kay Chaos nang pumalakpak ito ng malakas, "Magaling! Anak ka nga talaga nila. Hindi maikakaila. Kaya dahil anak ka nila, kamatayan din ang magiging katapusan mo!" saad niya at saka nagtama ang mga mata naming dalawa.
Bwisit.
Kahit nanggigigil ako at naiinis sa hinayupak na 'to, hindi talaga maitatanggi na magaling ang senses nito at hinog na hinog na dahil sa experience at iba't-ibang missions nito. Nakakabilib na natagpuan niya agad ang kinaroroonan ko.
Mabilis na itinaas ni Chaos ang hawak niyong rifle at pinaputukan ang tinataguan ako. Mabilis na kumilos din ako at tumakbo habang gumaganti ng putok sa kanya.
Takte. Naubos ko ang walong bala sa pagtakbo at pagkatas palang. Inihagis ko ang basyong baril sa kung saan at sinilip ang natitira pang bata ni Chaos. Huminga ako ng malalim at itinutok ang baril ko sa kanila at agad na kinalabit ang gatilyo.
Tumba ang tatlo.
Apat na lang ang lamang bala ng baril na hawak ko. Mayroon man akong combat knife, sigurado naman na sa labang 'to, walang kwenta ang isang 'yon. Dalawa pa ang siguradong nakaabang sa akin. Ang hayop na si Chaos at ang sniper niya na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan nakapwesto.
"Sa totoo lang, mabait naman ang mga magulang mo," biglang wika ni Chaos sa kung saan. "Wala naman talaga akong balak na patayin silang dalawa kaya lang, hindi nila ako maintindihan eh." huminto ako at sumilip, nakita ko siyang nakangiti na para bang nasisiraan siya ng ulo.
"Gusto ko lang namang paligayahin din ang mga magulang na nawalan ng anak sa tulong ng Myriad." lalo siyang ngumiti.
/0/26239/coverorgin.jpg?v=42c0f2a9f3f5c869ee9466a41060be27&imageMogr2/format/webp)
/0/26359/coverorgin.jpg?v=20230615113858&imageMogr2/format/webp)
/0/27863/coverorgin.jpg?v=efc711b2de15abd8942f4f673874bebc&imageMogr2/format/webp)
/0/70478/coverorgin.jpg?v=615f7d893feef5a0990e1e92a305f505&imageMogr2/format/webp)
/0/95079/coverorgin.jpg?v=f41e0d257ba15913c54550280c86affd&imageMogr2/format/webp)
/0/26594/coverorgin.jpg?v=f217bdb8d48eddd5f762761230169d2c&imageMogr2/format/webp)
/0/70483/coverorgin.jpg?v=ffa2fb9711837bdcd94b758bc1bb7452&imageMogr2/format/webp)
/0/89812/coverorgin.jpg?v=20251023102501&imageMogr2/format/webp)
/0/88523/coverorgin.jpg?v=b31ce2b76d12d532f7cd1b7fb663305c&imageMogr2/format/webp)
/0/70459/coverorgin.jpg?v=bc31784a38eec45f9323d65725a083d5&imageMogr2/format/webp)
/0/70466/coverorgin.jpg?v=8d18dc7cde298142a46453e6af6f700c&imageMogr2/format/webp)
/0/72998/coverorgin.jpg?v=5fb985ea4775ce8fd0bc241a944d48d8&imageMogr2/format/webp)
/0/92187/coverorgin.jpg?v=2dc7c8625280316dbfdee8837e4e37cb&imageMogr2/format/webp)
/0/70482/coverorgin.jpg?v=36c1bd83d107223827158b53deb6540e&imageMogr2/format/webp)
/0/76848/coverorgin.jpg?v=8ada2778783e8af1bcb5dfc9f44e90d9&imageMogr2/format/webp)
/0/98619/coverorgin.jpg?v=20251206001528&imageMogr2/format/webp)
/0/96478/coverorgin.jpg?v=20251023145024&imageMogr2/format/webp)