My Coldhearted Ex Demands A Remarriage
Secrets Of The Neglected Wife: When Her True Colors Shine
His Unwanted Wife, The World's Coveted Genius
The Unwanted Wife's Unexpected Comeback
Comeback Of The Adored Heiress
The Masked Heiress: Don't Mess With Her
Reborn And Remade: Pursued By The Billionaire
Love Unbreakable
The CEO's Runaway Wife
Tears Of The Moon: A Dance With Lycan Royalty
"Tito France!"
Napasilip siya mula sa kusina ng marinig ang boses ng anak. Kasalukuyan siyang nagluluto noon ng Spaghetti.
"Hey baby boy!" Agad na yumakap ang bata sa binata at binuhat naman nito.
"Bakit ngayon ka lang po?" kulit agad na tanong nito.
"Where's Mommy?" Bagkus ay tanong din nito. Lumabas siya mula sa kusina at pinuntahan ang dalawa. Tapos na rin siya noon sa pagluluto.
"Hi Sweetheart." Hinalikan siya ni France sa pisngi at yumakap naman siya dito.
"Kumusta ang baby boy Namin?" Tanong ng binata.
"Okay lang po ako tito ako po lagi ang nakakakuha ng perfect score sa room namin!"
"Wow! Very good naman ng baby namin! Saan ba nagmana ang batang ito?" Nilingon siya ni France at tinaasan naman niya ito ng kilay.
"Siyempre kay Mommy." agad na sagot niya.
"Baka kay Da--"
"France!" Pinandilatan Niya ito agad.
"Mommy I'm hungry na." Singit ng kaniyang anak.
"Tara sa kusina at ng makapag merienda na muna tayo."
Yaya niya sa dalawa, napasunod naman ang mga ito sa kaniya.
"Tito kailan tayo mamamasyal ulit nina Mommy?" Tanong ni Cade sa binata.
"Sa Sunday baby magbi beach tayo nina Mommy okay ba yun?" Sagot ni France at ginulo ang buhok ng anak.
"Yeheey! Tito teach me how to swim ha?" ungot nitong tuwang tuwa.
"Sure baby!"
"Mommy, did you hear that? Mag bi beach daw tayo sa Sunday!"
Masiglang boses ng kaniyang anak.
"Yes baby, ikaw naman masiyado mong ini spoiled si Cade!" Pinandilatan niya ang Kaibigan, napatawa na lang ito.
"Siya nga pala Anniversary nina Mama at Papa ngayong Friday huwag kang mawawala."
Pagkuway sabi ni France sa kanya.
"May Work ako." Kontra niya agad. Sekretarya lang naman siya ng pinsan nitong si Harrold.
"Ako ng bahala kay pinsan."
Anito saka siya kinindatan.
"May magagawa pa ba ako?" Napalabi na lang siya.
Si France ay matalik niyang kaibigan mula pagkabata. Palibhasa magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang kaya naging malapit din sila sa isa't isa.
Lalo pa naging malapit sa kanya ang mga ito ng sabay na mamatay ang kaniyang mga magulang dahil sa isang Car accident.
Nag iisa siyang anak at malayo ang kanyang mga kamag-anak halos nasa ibang bansa na lahat ang mga ito. Hinarap niya ang bagong buhay na hindi kapiling ang mga ito dahil iyon din ang naging desisyon niya. Hindi rin naman siya napilit ng mga ito na manirahan sa America.
Tuwing Pasko at Bagong Taon lang niya nakakasama ang mga ito dahil nakaugalian na nilang sa mismong Bayang Sinilangan sila nagdaraos nga mga mahahalangang okasyon.
"Sweetheart." Untag ng binata sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hindi na ba nag hahanap ng Daddy yang anak mo?" Tanong nito sa kanya.
Nasa living room na noon ang anak naglalaro kasama ang yaya nito.
Naikwento niya kasi dito ang pagtatanong ng anak kung nasaan daw ang daddy nito. Alam lahat ng kaibigan ang nangyayari sa buhay nilang mag-ina. Never siyang naglihim dito dahil magkapatid ang turingan nilang dalawa. Ito rin ang unang nakaalam nung nabuntis siya ng lalaking ni pangalan ay hindi niya alam at ito rin ang katulong niya sa pagpapalaki sa anak gawa ng naulila na nga siya.
"Kinukulit na naman niya ako noong isang araw, ewan ko ba kung kelan lumalaki si Cade saka naman nagiging matanungin. Ang dami na niyang gustong malaman."
Napa buntung hininga na lang siya sa pagkukwento.
"Matalino kasi yang anak mo Sweetheart."
"Tapos siya lang daw ang walang Daddy sa School nila."
Dagdag pa niya.
"Matagal ng nanliligaw sayo si Arvin diba?"
"Tapos?"
"Mabait naman siya, guwapo, CEO, Milyonaryo-"
"Che! "
Tinampal niya ito sa braso.
Oo nga at wala siyang maipintas kay Arvin. Dalawang Taon na din itong nanliligaw sa kanya pero ewan ba niya hindi niya maturu-turuan ang kanyang puso na mahalin ito.
"2 years ng naghihintay sayo yung kaibigan ko." Nakatawang dagdag pa ng binata.
"Tapos babaero?"
"Hindi ah! pareho lang kaming mabait ni pareng Arvin."
"Nagsalita ang hindi babaero, nakailang palit ka na ba ng sekretarya mo?"
Inirapan niya ito.
"Wala tayong magagawa sweetheart, artistahin eh!"
Pagyayabang nito saka siya kinindatan. Napaismid na lang din siya.
Hanggang sa magpaalam na ang binata. Walang araw na hindi ito pumapalya sa pagdalaw sa kanilang mag-ina. Minsan kapag tinamad ito dito na rin natutulog sa bahay nila ang kaibigan.
Buti na lang nandiyan lagi ang binata para sa kanila ni Cade.
Katatapos lng ng trabaho niya noon at pauwi na siya ng maisipan niyang dumaan sa isang Supermarket para bumili ng mga kailangan nila sa bahay. Patapos na siya noon at papunta na siya sa counter ng hindi inaasahang nabunggo siya ng nagmamadaling lalaki.
"I'm really Sorry Miss." Agad na paumanhin nito at nilampasan na siya, ni hindi man lang nag abalang pulutin ang ibang tumilapon na pinamili niya.
"Bastos! " bulong nya pero napalakas yata ang pagkasabi niya kaya napalingon ito.
"What?"
Nagsasalubong ang mga kilay nito na hinarap siya.
Natutop niya ang bibig. For Pete's Sake! Biglang kumabog ng malakas ang puso niya sa hindi malaman na dahilan. Ano bang meron sa lalaking ito? Sa pagkapahiya tinaasan na lang niya ito ng kilay. Ramdam pa niya ang mariin na pagtitig nito sa kanya bago siya nito tinalikuran. Nagulat pa siya ng tawagin siya ng cashier dahil magbabayad na pala siya ng kaniyang mga pinamili.
Habang nagda drive siya pauwi hindi na nawala sa isip niya ang lalaking iyon.
Katatapos lang niya mag ayos ng dumating ang kanyang sundo. Ang gwapung gwapo na si France.
"Ang ganda naman ng Sweetheart ko, pakasalan mo na kaya ako?"
Nakatawang biro ng binata na nakasalampak sa sofa.
Nakasuot siya ng black halter dress na above the knee na bumagay naman sa maliit niyang baywang at lalong tumingkayad ang kaputian niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang lampas balikat niyang blonde na buhok. Hindi rin kakapalan ang kanyang make-up. Napakasimple lang ng ayos niya pero nakakagaw ng pansin at mapapa titig ka ika nga.
"Kung hindi ka lang sana babaero baka mapilitan pa ako!" Irap niya sa binata.
"Mag papakabait na ako!" Agarang sagot nito.
"Loko! halika na nga."
Yaya niya dito at nagpatiuna na siyang lumabas sa kanilang bahay. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto ng sasakyan at umikot ito sa kabila.
"Ang ganda mo tonight."
"Tonight lang talaga?"
Tinaasan niya ito ng kilay.