Login to MoboReader
icon 0
icon TOP UP
rightIcon
icon Reading History
rightIcon
icon Log out
rightIcon
icon Get the APP
rightIcon
Chasing The Sunset

Chasing The Sunset

Autorarealista

5.0
Comment(s)
45
View
25
Chapters

She left while sun is setting down. She left him while watching the pale tint orange sky above, and she left him without saying a good bye. That's why he's chasing for her... He is chasing the sunset. An end he only wants, is the sunsets.

Chapter 1 Prologo

Province Series #1

Chasing the Sunset

Bukidnon.

Bukidnon is a heart of Mindanao.

Dito nagsimula ang lahat.

Akala ni Khyzer ay puro aklat, notebook at computer lang ang mabubuksan niya sa t'wing nalulungkot siya.

Hindi niya inaasahan na ang manhid at malamig niyang puso ay magbubukas at magmamahal ng isang babae na maraming sekreto. Isang sekreto na nakakubli sa kanyang nakaraan.

Hindi niya inaasahan na magmamahal siya sa isang babaeng walang kasiguraduhan kung mananatili ba ng habang-buhay sa lugar na kanyang kinagisnan.

Hindi siya handa para sa bagay na iyon...

Hindi siya handa na bigla nalang siyang iwan ng isang tao, lalo na't kapag nasasanay na ito sa presensya nito at palagi na niya itong hinahanap-hanap sa bawat segundo ng kanyang buhay.

Ayaw niyang maiwan ng isang tao na natututunan na niyang mahalin at pahalagahan.

"Hoy Khyzer!. Halika rito maganda dito!." Pagtawag ng magandang dilag kay Khyzer, habang iritadong binibitbit ng binata ang basket na punong-puno ng iba't-ibang prutas na binili pa nila kanina sa palengke.

Napakalot si Khyzer sa kanyang buhok at bakas sa kanyang mukha ang pagkairita habang naglalakad at sinusundan ang bawat hakbang ng kaibigan. Para itong bata na hindi sang-ayon sa utos ng ina.

"Teka,sandali lang! Mabigat kasi itong dinadala ko!." Hinihingal na sambit ni Khyzer at humahabol ito sa papalayo na kaibigan.

Maingat niyang ibinitbit ang basket ng prutas na dala nila ni Maeve mula sa palengke kaninang umaga.

Huminto nang saglit si Khyzer upang huminga ng malalim at ikalma ang sarili, hindi niya naman lubos akalain na ganito pala ka nakakapagod ang bonding na gusto ni Maeve, kung puwede lang sana siyang tumanggi rito edi sana ginawa niya na pero hindi talaga puwede.

Napatingin si Khyzer sa kulay kahel na kalangitan at napakagandang papalubog na araw na makikita dito sa tuktok ng Mount Kitanglad sa probinsya ng Bukidnon.

Hindi lubos maisip ni Khyzer kung bakit dito mismo sa bundok gustong pumunta ni Maeve para lang manood ng sunset, eh puwede namang sa beach nalang para hindi na sila mahirapang umakyat ng napakataas para lang makita ang papalubog na araw.

Bumuntong-hininga siya at nagsimula ulit maglakad para habulin si Maeve na tumatakbo patungo sa pinakatuktok ng bundok.

Dali-daling naglakad si Khyzer dahil nawawala na sa paniningin niya ang kanyang kaibigan, nag-aalala siya baka may mangyaring masama dito. Ipinagkatiwala pa naman siya ng mga magulang nito na alagaan si Maeve at huwag pabayaan, hindi niya puwedeng biguin iyon dahil nangako siya.

Halos maghabol ang kanyang hininga at bumilis ang pagpintig ng kanyang puso nang makarating si Khyzer sa tuktok ng Mount Kitanglad. Napatigil siya sa paglalakad nang makita niya si Maeve na pasimpleng nakaupo damuhan habang tahimik na pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa kanilang harapan.

Nasa tuktok na sila ng bundok, wala masyadong tao dahil magsasara na ang pasyalan sa loob ng iilang oras pero humiling si Khyzer sa kanyang magulang na pakiusapan ang namumuno sa pasyalang ito na pagbigyan silang makita ang sunset ngayong hapon.

Lumalalim ang bawat paghinga ni Khyzer habang dahan-dahan itong naglalakad patungo kay Maeve. Maingat niyang inilapag ang basket at kumuha siya ng manipis na lampin upang gamitin ito bilang kanilang upuan habang kumakain. Maingat niya itong ibinuklad at inasikaso without disturbing Maeve.

Maeve prefers to watch the sunset alone, and Khyzer is still perplexed as to why Maeve invited him to join her in watching the sunset. For Khyzer, this is both unexpected and suspicious.

But he doesn't think about that anymore; he just wants the woman with him right now to be happy.

Khyzer calmly called Maeve to ask her to sit with him. She turned in her friend's direction and saw a blanket spread out here for a picnic. She didn't even realize that Khyzer was behind her because she was too busy watching the setting sun.

She is used to watching alone, but she invited Khyzer to bond with her today because she wants to be with her friend for the rest of her moments while she is here in Bukidnon.

She thinks this is the perfect timing for them to have a bonding that they are just two. During her nearly two -year stay here in Mindanao, Khyzer was the only friend who endured her even though Maeve had traits that others could not immediately understand. Maeve is crying now because someone still considers her a true friend, because during her eighteen lives here on earth she never really had a true friend who would stay and understand her always. He often gets a friend who always taunts him, doesn't treat him well, and always judges him because of his complicated past.

She's thankful to have Khyzer as her friend. He's listening to her rants,listening to her problems, and Khyzer help her to know herself more. Khyzer help her to find the best version of herself.

Seryoso siyang napatingin sa kaibigan na naghihintay sa kanya na umupo sa ibinuklad niyang lampin, nagtama ang tingin nilang dalawa at hindi inialis ni Maeve ang tingin niya sa kaibigan dahil alam niyang huling pagkakataon na ito.

Napakurap-kurap ang mga mata ni ni Khyzer habang nakatingin sa seryosong modo ng mukha ni Maeve, he's wondering what happened. May mali ba sa mukha niya?. Nailang si Khyzer sa mga titig ni Maeve sa kanya kaya dali-dali siyang nag-iwas ng tingin, hindi niya kayang makipagtitigan kay Maeve ng ganoon katagal.

"Bakit ang bait mo?." Nakangiting tanong ni Maeve sa kanya. Hindi naman makatingin si Khyzer ng diretso at maayos kay Maeve dahil nahihiya siya. Napakunot ang kanyang noo at nagpanggap na lamang siya na hindi apektado sa titig ng kanyang kaibigan, ayaw niyang ipahalata na nagpapanic siya deep inside everytime na tinititigan siya ni Maeve ng seryoso.

Maeve's eyes is rare. She has a deep hazel brown attractive eyes na hindi niya pa nakita sa ibang babae. Hindi niya kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal at hindi niya alam kung bakit.

Natawa si Khyzer sa tanong ni Maeve sa kanya dahil ilang beses na niya itong narinig mula kay Maeve. "Bakit? Gusto mo na ba akong maging demonyo?."

Ngumiwi naman siya kay Maeve nang maalala niya kung anong nangyari nong mga panahong unang pagkikita nila. Natawa na lamang si Khyzer dahil hindi niya lubos na akalain na magiging matalik niyang kaibigan ang worst enemy niya noon.

Inirapan siya ni Maeve at tumawa ito ng malakas habang papalapit sa kanya, nagbabanta na naman itong mananapak sa braso niya. Kaagad na lumayo si Khyzer kay Maeve dahil alam niyang mananapak na naman ito sa kanya ng napakalakas. Tuwing kasama niya sa Maeve palaging nabubog ang braso niya.

"Bleh. Kala mo ha." Pang-aasar ni Khyzer sa kanya,sumimangot naman ang mukha nito at padabog na umupo katabi ang basket.

Dahan-dahan namang umupo si Khyzer sa tabi ni Maeve, pareho silang nakatingin sa magandang tanawin na nasa kanilang harapan. Narito sila sa tuktok ng Mount Kitanglad, at nakikita nila ang mala bulak na ulap habang pababa ang pagsikat ng araw. Ang kalangitan ay may kulay ng pinaghalong pula,dilaw at kahel na medyo nahaluan rin ng kulay rosas. Naririnig nilang dalawa ang ingay na dala ng kagubatan at mga ibon, ang ingay na nagpapakalma at gustong-gusto pakinggan ni Maeve sa tuwing sasapit ang hapon.

Unti-unting lumalamig ang simoy ng hangin dahil ilang oras nalang ay didilim na at magpapaalam na ang araw.

Tahimik ang dalawa na pinagmamasdan ang mga bagay-bagay na nasa paligid nila, at pareho silang nakikinig ng musika na nakaugalian na nilang dalawa. They currently playing the song Sunset by Grayson Gibson, the lyrics tells all what he felt right now.

Ngumiti si Khyzer sa kanyang kaibigan at nagbulontaryong ayusin ang buhok nito na nakaharang sa kanyang mukha, he wants to see her cute and innocent face. Ramdam na ramdam ni Khyzer kung gaano kabilis tumibok ang puso niya habang katabi niya ang nag-iisang babaeng naging kaibigan niya.

Hindi niya alam kung ano ang totoong nararamdaman niya ngayon. Magkahalong saya,kaba at pananabik ang nararamdaman niya sa t'wing kasama niya si Maeve. Lumingon siya sa dalaga na tahimik na nanonood sa paglubog ng araw. This woman next to him is so gorgeous even her side profile. Maliit ang mukha nito,mataba ang kanyang mga mapupulang pisngi,may makakapal na kilay at mahabang pilik-mata, and the thing Khyzer like her face the most is she has a cute pointed nose.

Khyzer sighed while listening to the chorus, both of them are watching the beautiful scenery.

Come with me underneath the sunset where we can fly away

And watch everything gets smaller from up there in our space

Come with me underneath the sunset,where there's only room for two

'Cause everyday I'm falling

Im falling more in love with you

He took his glance to his bestfriend,like she is his everything and life.

Falling more in love with you.

"Tinititigan mo na naman ako ha? Baka matunaw ako niyan." Sarkastikong sambit ni Maeve at mahinang natawa, kaagad naman nag-iwas ng tingin si Khyzer at pinigilan ang sarili na huwag matawa sa kanyang ginawa.

"Napapansin ko, parang paminsan-minsan ka ng nagnanakaw ng tingin sa akin. Jusko! Zyxn Khyzer Costavian handa ka bang panagutan ako?." Pagbibirong tanong ni Maeve sa kaibigan kaya biglang nagsungit ang mukha ni Khyzer sa kanya, mukhang hindi nito nagustuhan ang biro niya.

"What the heck are you saying?" Kunot-noong tanong ni Khyzer kay Maeve at bakas sa mukha nito ang pagkairita. Napatawa ng malakas at napangisi ng malapad si Maeve dahil sa inasta ng kaibigan.

"Wala... Wala...pikon ka na namang tarantado ka. Panget mo ka bonding." Natatawang sambit ni Maeve, habang si Khyzer ay seryoso lang na napatingin sa kanya ng masama na para bang gusto ng itapon ang kaibigan sa kung saan.

"Tigilan mo ako sa mga ganyang titig mo Khyzer!. Hindi ako handang magcommit." Natatawang dagdag ni Maeve.

"By the way, the song suit for us but you know Haha we're not lovers."

Sumeryoso ang mukha ni Khyzer at iniiwasan niyang tumingin sa kaibigan, hindi niya alam pero bigla siyang nasaktan sa huling sinabi nito. Napapaisip tuloy siya kung alam na ba ng kaibigan ang totoong nararamdaman niya para rito?. He's silent but he's overthinking what will happen next.

Ikinalma ni Khyzer ang sarili at kumuha nalang ng dried mango sa basket. Binuksan niya ito at nag-abot kay Maeve. "Do you want to eat this?."

Ngumiti si Maeve at tinanggap ang inialok ni Khyzer sa kanya. "Thank you."

Kinakain ni Maeve ang dried mango habang si Khyzer naman ay kumakain ng Lansones, masayang nagk-kuwentuhan ang dalawa habang inaalala ang nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng dalawang taong magkasama bilang magkaibigan.

"Alam mo? kung hindi ako lumipat dito sa Bukidnon, siguro naghahanap pa rin ako ng magiging kaibigan sa Manila." Peke ng natawa si Maeve habang nagk-kuwento. Tahimik lamang si Khyzer na nakikinig dito at walang balak na sumapaw.

"K-kasi lahat ng naging kaibigan ko noon, hindi ako tinatrato ng maayos..." Nanginginig ang kanyang boses at pinipigilan niya ang sarili na huwag maluha sa harap ng kaibigan.

"All of them treated me like I'm a trash,unimportant,and it feels like I don't belong to them..." Ngumiti siya ng malapad sa kawalan nang maalala na niya naman ang nangyari sa kanya sa Manila.

"For almost 18 years living in this world, walang tumuring sa akin bilang isang totoong kaibigan." Nakangiting sabi ni Maeve, pero ramdam ni Khyzer na nasasaktan ito.

"Thank you ha?. Sobrang thank you sa inyo."

"Ano ka ba? We're friends, at nandito lang ako palagi sa tabi mo." Nakangiting ani ng binata.

"I was so happy when I realized I had become the person I wished I was last year..." May namumuong butil ng luha sa mga mata ni Maeve, pinipilit niyang ngumiti at huwag umiyak sa harap ng kaibigan

"I've improve a lot of things and I'm so happy I did. Ofcourse I know that this version of me right now is still not the best version of me because I'm still young..." Bumuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Marami pa akong pagdadaanan, marami pa akong iiyakang bagay at problema... And I know I've still got a lot of things to change and improve about myself, but there is one thing for sure..." She smiled at him. Tahimik lang si Khyzer at seryosong nakatingin sa naluluhang mata ni Maeve.

"This version of me right now is much better than the version of me last year. T-thank you so much..."

Hindi alam ni Khyzer kung anong mararamdaman niya nang marinig niya ang sinabi ni Maeve, he just smiled at her and nooded.

"I'm thankful na lumipat ako dito sa Mindanao for a while before I go to abroad." Dagdag ni Maeve na ikinataka ni Khyzer.

"Abroad?." Nagtatakang tanong ni Khyzer. Wala namang ikwinento si Maeve tungkol dito.

Ngumuti naman si Maeve habang nakabalot ang magkabila niyang kamay sa pagitan ng kanyang mga binti upang magkadikit ang kanyang mga tuhod.

"Why are you going to abroad? Anong gagawin mo doon?." Halata sa boses ni Khyzer ang magkahalong pag-aalala at kuryosidad. Gusto niyang malaman kung bakit pupunta ang kaibigan doon.

"Baba na tayo?, inaantok na kasi ako at saka mukhang magsasara na sila. Napagod ako sa buong maghapon na pag gala natin." Pag-iiba ni Maeve sa usapan at nagtangkang tumayo pero hinawakan ni Khyzer ang kamay niya at pinigilan siya.

"Can we sit there for a while please?." Mahinahon na tanong ni Khyzer at nag-angat ng tingin kay Maeve. Mariing napalunok naman si Maeve at nagdadalawang-isip kong uupo ba siya ulit.

Nagbaba ng tingin si Maeve sa kaibigan, ang mga mata nito ay nagmamakaawang tumitingin sa kanya.

Kinokontrol ni Khyzer ang sariling emosyon upang hindi siya maiyak sa harap ng kaibigan. Nakatayo si Maeve sa tabi niya habang hinahawakan niya ang pulsuhan nito,hinihintay niyang umupo ang kaibigan pero mukhang nagdadalawang-isip pa ito.

He beg her more.

"P-please?. . ."

"I just miss you Maeve. . ."

Walang nagawa si Maeve kun'di pagbigyan ang nagmamakaawang kaibigan. Ngayon lang naman ito humiling at nagmakaawa sa kanya dahil sa kanilang dalawa siya palagi ang humihingi ng pabor at palagi siyang iniintindi nito. Hindi niya kayang tangghihan ang kaibigan na naging mabait sa kanya sa loob ng dalawang taon niyang pananatili dito sa probinsya.

Tahimik silang dalawa habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw, sa bawat segundo na magkasama silang dalawa, gustong yakapin ni Khyzer si Maeve pero hindi niya ito magawa. Palagi siyang pinangungunahan ng mga negative thoughts na nasa isip niya, nawawalan siya ng lakas ng loob na magsalita at sabihin kay Maeve ang totoong nararamdaman nito para sa kanya.

Bumuntong-hininga si Khyzer dahilan ng pagkuha niya sa atensyon ni Maeve.

"May problema ba?. Ano?, Okay ka lang?." Sunod-sunod na tanong niya kay Khyzer. Khyzer take a glance towards to Maeve, his eyes were forming a tear while staring the most beautiful artwork of God he have ever seen.

"A-are you really leaving?. . ." His voice cracked. Hindi niya mapigilang maging emosyonal dahil nalaman niyang aalis na ang taong natutunan na niyang mahalin.

Nag-iwas ng tingin si Maeve sa kanya ayaw niyang makakita ng taong babagsak ang luha mismo sa harapan niya. Dahil kahinaan niya yun.

"Ooum." Sagot niya at napatango.

"Kukunin ako ni mama, at sa abroad ako mag-aaral for College." Nakangiting wika niya at humarap kay Khyzer.

"Ikaw?. Are you really sure na dito ka lang sa Mindanao mag-aaral for college?." Pabalik na tanong ni Maeve kay Khyzer.

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at dumuko. "Yes, my heart belongs here." Diretsong sagot ni Khyzer at walang pag-aalinlangan sa boses niya.

"My mom told me to go abroad for college, pero ayaw ko. My heart belongs here since I was young. Ayokong iwan ang Bukidnon." Buong pusong sambit ni Khyzer. Totoo nga, simula pa lang pagkabata nasanay na siya sa Bukidnon. Napakagandang lugar,mayaman sa agrikultura at kilala na niya ang mga taong pakikisamahan niya at higit sa lahat mas naging espesyal ang lugar na ito para sa kanya dahil. . .

"Bukidnon ain't called as the heart of Mindanao for nothing. . ." Seryosong sambit ni Khyzer at bumuntong-hininga bago humarap kay Maeve. "You know what?." Tanong niya kay Maeve, tahimik lamang si Maeve na nakikinig sa kanya at hinahayaan itong magsalita.

Ngumiti ng malapad si Khyzer sa kanya at ang mga mata nito ay mapupungay. " It's because, I found my first true love in this City. In my hometown. "

Hindi alam ni Maeve ang mararamdaman nang sabihin ng kanyang kaibigan ang mga katagang iyon, dahil alam na niya ang susunod na mangyayari.

Khyzer hold her hands like he doesn't want to let go the woman infront of him. The woman who taught him what the real love is. The woman who help him to realize things what he really want to achieve someday. And the first woman who gave him happiness, butterflies, and peace.

She is the first person whom Khyzer comfortable to be with, to be fell inlove with, and the first woman felt him what is the real definition of home.

Napatingin si Maeve sa mapupungay na mata ni Khyzer na iilang segundo nalang ay babagsak na ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"K-khy-"

"I love you." Mariin at mahinang sambit ni Khyzer sa harap ni Maeve, at sapat na ang mahinang boses niya para marinig ito ng kanyang sinisinta.

"C-can you stay?." His voice cracked. Gustong magsalita ni Maeve pero walang lumalabas sa bibig niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa kaibigan, ayaw niya itong masaktan. Binawi niya ang kanyang kamay at nag-iwas ng tingin kay Khyzer, she took a glance at the beautiful scenery of sunset here in Mount Kitanglad. Huminga ng malalim at nag-isip ng mabuti kung sasabihin niya ba itong mga pumapasok sa isip niya.

"Hindi puwede eh, pangarap ko 'to. Pangarap 'to ng mama ko para sa akin." Mahinahon at tipid na ngumiti si Maeve kay Khyzer.

"Can't you just be here? Here by my side?" Tanong niya sa kaibigan pero umiling ito bilang hindi pagsang-ayon sa hiling niya.

Dumuko siya at napakagat sa pang-ibabang labi upang mapigilan ang sarili na maluha. Nasasaktan siya na aalis na ang kaibigang minahal niya.

"Maeve..." Pagtawag ni Khyzer sa kanya.

Mamimiss niya ito, mamimiss niya ang boses ng lalaking naging sandalan niya kapag kailangan niya ng maiiyakan. She loves the way how Khyzer call her, and how he say her name.

"Hmm?. . ."

"Can you tell me a three words of lies?." He asked.

"Please?,just three words of lies." Emosyonal na saad ni Khyzer, at hindi magawang tumanggi ni Maeve dahil naaawa siya rito.

"What kind of lies?."

"Just what comes to your mind right now" Mahinang sambit ng binata at ramdam ni Maeve ang lungkot sa boses ni Khyzer.

Huminga siya ng malalim at ikinalma muna ang sarili bago nagsalita. She doesn't want to hurt her friend but these are the lies that comes up to her mind.

"I'll stay here."

"I won't leave."

"I..."

Huminga siya ng malalim at muling nagsalita. Bumilis ang pagtibok ng puso ni Khyzer na para bang sa iilang segundo ay babawian na siya ng hininga.

"I love you."

Ngumiti si Khyzer ng pilit at humiling na sana hindi niya nalang narinig iyon.

"Maghihintay ako-"

"Hindi na ako babalik." Mariin na wika ni Maeve at hindi siya makatingin ng maayos sa mga mata ng binata.

"Huwag na huwag mong gagawin..." Mahinang boses na sabi ni Maeve at napailing-iling.

"Why?. I love you Maeve." Pag-amin niya. "I really do. I don't know kung bakit hindi mo ramdam 'yon, I don't kung bakit 'di mo nakikita 'yon, all I know is I already fell in love with you. I can wait naman, kaya kong maghintay ng ilang taon hanggang makapagtapos ka, maging okay ka, at hanggang sa makabalik ka rito sa Pilipinas."

"I can give you an assurance na ikaw lang-"

"Well I can't give you that one thing!." She exclaimed, Khyzer chuckled." 'Cause my heart still belong to someone na hindi ko na puwedeng balikan. I can't love you in a half way Khy, h-hindi ko kaya." Kumawala ang mga namumuong butil ng luha sa mga mata ni Maeve nang sinabi niya iyon sa binata.

Hindi alam ni Khyzer kung ano ang totoong mararamdaman niya ngayon. He's heart broke noong nalaman niya kung ano ang totoong nararamdaman ng puso ng kaibigan niya.

"Puwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?. Europe? States? Or somewhere here in Asia?. Please tell me, and sana huwag mong putulin communication ko sa'yo." Nagmamakaawang ani ng binata.

"I don't know..." Umiling-iling si Maeve. "I don't know."

May nanggigilid na butil ng luha sa kanyang mga mata, iniwas niya ang kanyang tingin sa binata at humarap sa ginintuang tanawin na nasa kanilang harapan.

"If I were you...huwag mo na akong hintayin. Maraming babae ang naghihintay sa'yo to notice them, give some space to your heart. Makakakita ka rin ng para sa'yo." Maeve smile.

Kumirot ang puso ni Khyzer dahil sa sinabi niya.

Bakit ganoon?.

Bakit ang sakit palang umasa at maiwan?.

Bakit ang sakit ng pakiramdam na sa inyong dalawa ikaw lang pala ang natutong magmahal?.

"Can you tell me how and what are you feeling right now?." Khyzer asked. Maeve gave him a smile while looking at the sunset infront of them.

"The sunset is beautiful isn't?."

Salitang sapat na upang marinig ni Khyzer. He won't force and beg someone to stay with his side if they didn't want to.

A romantic phrase of letting go someone you love.

Letting go a someone who used to be with you all the time is the hardest decision Khyzer ever made.

He let her go while both of them are watching the sunset.

Maeve is Khyzer's Sunset.

No matter how beautiful the sunset is...

It defines end.

AUTORAREALISTA

Continue Reading

You'll also like

Chapters
Read Now
Download Book